Chapter 4:
________________________________________________________________________
“Aish! Ano naman ang naisipan ng babaeng yon at uminom ng marami?”
Pababa ng hagdanan si Kevin papunta sa labas ng bahay nila.
Malalaki at mabibigat ang mga hakbang niya habang papunta ng garahe.
Hindi niya kasi maiwasan aalalahanin si Amber, lalo na’t naglasing ito.
“Tch! Mahina pa naman alcohol tolerance ng babaeng yon.”
Pinaandar niya ang motorsiklo papunta sa bar na kinaroroonan ng dalawa.
*
Nang makarating si Kevin sa bar ay nakita niya sila Amber at Nicole sa labas.
Nakaupo si Amber sa hagdanan at nakayuko.
“Nicole!” Tawag niya sa isa habang tumatakbo papalapit sa mga ito.
“Naku! Buti naman at dumating ka rin!” Sabi nito at iningusan siya. Tinuro nito si Amber.
“Oh siya~ Ikaw na bahala sa Bhest ko ah, pasensiya na, medyo matigas kasi ang ulo.” Sabi nito.
“Anong ‘medyo’? ‘TALAGANG’ matigas kamo ang ulo. Haiiy naku” Sabi nalang niya at inakay si Amber patayo.
Ibinato naman ni Nicole ang isang bag na agad niyang nasalo.
“Bag yan ni Ambz. Ah ou nga pala~ Iuwi mo agad yan sa bahay nila. Mag-isa lang yan ngayon doon dahil nasa business trip ang Daddy niya” Sabi nito.
“Bakit hindi nalang ikaw ang magstay sa bahay nila?” Tanong niya rito.
Ang awkward naman kasi kung siya ang pagbabantayin nito rito, at dahilan niyon ay lalaki siya.
“Naku~ Ano ba iniisip mo? Na baka may mangyari sa inyo?” Tanong nito at ngumisi.
O/////O
Anong pinagsasasabi mo Nicz?!
Humagikgik ito.
“Wala naman mangyayari sa inyo pwera nalang kung may balak kang masama at hindi kaaya-aya towards Amber. Tandaan mo, hindi ka lasing kaya nasa katinuan ka pa” Tatawa-tawang sabi nito at iniwan na silang dalawa.
>/////<
Ano ba namang buhay toh!
Isinakbit niya ang bag ni Amber sa balikat at inakay si Amber pababa ng hagdan.
Umungol ito, tulog narin dahil sa dami ng nainom.
“Ikaw talaga! Bakit ka naman naglasing?” Tanong niya dito.
Nang mahirapan sa pagbaba dahil sa sitwasyon ay pinagpasyahan nalang niya itong ipasan sa likod niya.
Nang makarating sila sa harap ng motor ni Kevin.
“Ay anak ng-- Paano nga naman kita maisasakay dito eh lasing ka”
Bumuntong hininga siya at nagsimula nang maglakad.
“May utang ka sa akin Ambz. Ang bigat mo pala” biro niya dito, umungol lang ito.
Natawa siya, “Huy~ Taba~~~”
Biro ulit niya, naramdaman niyang nag-angat ito ng ulo.
Pinalo siya nito sa balikat. Napasinghap nalang siya.
“Sinong mataba?!” Asar na tanong nito. Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa likuran niya.
Natawa ulit siya, “Wala po~ Matulog ka nalang ulit”

YOU ARE READING
My Ideal Type (HIATUS!) (ON-HOLD)
Teen FictionSi Amber Lee ay isang college student sa Cheonseok University. Isa itong unversity in Manila for foreign students kagaya nalang niya na isang American-Korean-Filipino. Pero halos lahat ng estudyante dito ay may lahing Filipino. So, dito nag-aaral si...