Chapter 1

676 6 2
                                    

Chapter 1:

Grabe! First time ko magsusulat dito sa wattpad~ :3 pano ba batayan dito sa pagsusulat? Hehe~ Ah basta, hobby ko lang naman toh~ :D sana magustuhan niyo ang first chapter~ Medyo maikli rin sorry~ :3 namadali eh

____________________________________

*sigh*

Nakapalumbaba si Amber habang nakatingin sa kawalan. History ang subject nila ngayon at kadalasan ay active ang isip niya sa klase, pero ngayon ay hindi niya alam kung paano siya makakapag-concentrate ng maigi.

*sigh* Isa pang buntong hininga….

“Hoy Amber!” Siniko siya ng katabi niya at bumulong

“Huh?” Lumingon siya, wala naman kasi siyang katabi kanina. Nagulat pa siya ng makita si Nicole.

“Uy bhest? What’s with that face? Mukha ka namang nakakita ng multo” Nakangising sabi ni Nicole.

“Wala!” Mahinang sabi niya dito, “Oh bakit ka lumipat dito? Bumalik ka dun sa kalambingan mo” Pagtataboy niya dito

“Ang sama naman nito! At sinong kalambingan ang tinutukoy mo?” Tanung nito at itinuro ang isang lalaki, ito yung katabi nito kanina, “Hindi ko kalambingan yun, he just asked me something”

Inirapan niya ito, “Whatever” sabi na lang niya at dumukdok na ng tuluyan.

“Uuuy” Tinapik siya nito, “Ano ba problema mo at nagkakaganyan ka ngayon? Supposedly lagi kang active during this subject pero ngayon ni hindi mo nga alam kung ano na yung sinasabi ni prof”

Huminga siya ng malalim, “Kasi bhest-“

Naputol ang sinasabi niya at nagulat silang dalawa ng bigla nalang nagsitilian ang mga babae sa classroom nila, tumingin sila sa harap at wala na pala dun ang professor nila, nakaalis na kanina pa.

Tumingin sila sa pintuan at dun nila nakita ang dahilan ng pagtitilian ng mga ito.

Kevin was standing there, smiling and waving at the girls or should we say, his FANS. Si Kevin kasi ang singer-slash-guitarist ng band nila sa university. Gwapo ito, mabait at charismatic. Kumbaga, full-package na, mula sa looks hanggang sa talent. Ang problema nga lang ay mabilis lumaki ng ulo nito.

“Gaaaaaah! Kevin! Pakiss naman!” Tili ng mga kababaihan sa room nila. Napabuntong hininga ulit siya at tinitigan nalang ito kahit na pasimpleng nangingiti rin siya.

Crush niya rin kasi ito simula high school bago pa ito sumikat. Magkaibigan din sila nito pero nang maging college students na sila ay hindi na sila masyadong nagkikita pero lagi naman siya nito pinapansin kapag nagkakasalubong sila. Mabait parin kasi ito sa kanya.

“Haaaaiy~~~~~ Ang iingay naman nila” May naramdaman siyang tumabi sa kaliwa niya at nag-inat. Nang tingnan niya ito ay kamuntikan na siyang malaglag sa kinauupuan.

Panu ba naman kasi ang nakitabi sa kanya ay ang lovable and cute cousin ni Kevin, na mismong kaibigan din niya. Si Joon. Nakanguso ito at base na rin sa itsura ng mga mapupungay na mata at nagulong buhok na nakapagdagdag lang sa ka-cute-an nito ay kakagising lang nito.

Bumaling ito sa kanya at saka ngumiti, “Musta na noona?” ‘Noona’ ang tawag nito sa kanya, it means ‘Ate’ in Korean, half Korean-half Filipino kasi ito, ganun din si Kevin. Mas bata ito ng ilang months sa kanya at malambing ito sa mga kaibigan nito, lalong-lalo na sa kanya.

“Oh Joon~” Banggit ni Nicole dito, hindi na kasi siya makapagsalita, “Musta ang tulog?” Tanong nito habang tumatawa

“Ang iingay nila, nabulabog tulog ko” Sabi ni Joon at saka dumukdok

“Naku Joon~ Kaysa matulog ka ng matulog during History class, mag-aral ka at makinig kay prof. Kaya mabababa ang nakukuha mo sa tests natin eh” Sabi niya dito ng maka-get over sa pagtabi nito sa kanya.

Hindi na ito nakasagot pa, bagkus ay hilik nito ang narinig niya. Humagikgik siya.

Ang cute talaga ng mokong na ‘to. Ano nanaman kaya ang ginawa nito kagabi at napuyat ng ganito?

“Ay bhest~ Balik na ako sa puwesto ko” Sabi ni Nicole at umalis na sa tabi niya, hindi na niya ito tinignan dahil naramdaman naman niya na umalis na ito. Tinititigan lang kasi niya si Joon na mahimbing ang tulog.

May naramdaman ulit siyang umupo sa tabi niya, “Nicole akala ko ba-“ naputol nanaman ang sasabihin niya nang paglingon niya ay isang nakangiting Kevin ang bumungad sa harapan niya, at malapit ang mukha nito sa mukha niya.

“Mukhang busy ka sa pagtitig sa pinsan ko” nakangiti paring sabi nito at tumingin sa natutulog na si Joon.

“Hey insan~” Dinuro nito ang tagiliran ni Joon, Joon just groaned, “Puro ka nalang tulog, napagod ka ba kakasayaw kagabi?” tanong nito na hindi natatanggal ang ngiti.

“Kakasayaw??” Tanong niya dito at binalingan ang natutulog na binata.

Nagsasayaw si Joon??

“Oh, musta ka nga pala, Ambz?” Tanong nito sa kanya at ngumiti ulit. “Hindi na tayo nagkakasama tulad ng dati” sabi nito at nagpa-cute para hindi niya ito pagalitan o sermunan.

“Yeah right~ Masyado ka kasing busy sa career mo” Sabi nalang niya at tinignan ang board sa harap, hindi kasi siya makatingin sa parehong binata na nakatabi sa kanya. Baka magwala lang ng tuluyan ang isip niya.

Gosh! Tukso! Layuan niyo ako!! >/////<

“Sorry” Narinig niyang sabi nito, nahimigan din niya ang lungkot sa tono ng pananalita nito.

Bumaling siya dito at ngumiti para maibsan ang lungkot nito, “Okay lang Kevz, naiintindihan ko naman eh”

Ngumiti rin ito pero may lungkot parin sa mga mata, “Kahit na… Alam ko na, labas nalang tayo mamaya, para naman makabawi ako sayo” Sabi nito. Narinig niyang nagsinghapan ang mga babae na malapit sa pwesto nila.

Ramdam niya ang mga maiinit na mga mata ng mga ito, halos balatan na siya ng buhay sa titig palang ng mga ito.

Bumaling siya sa nakangiti paring si Kevin na halatang naghihintay sa sagot niya, natawa siya.

Para talagang bata :D

“Sige, payag ako” Sabi niya at ngumiti dito. Ngumiti din ito sa kanya.

Hindi niya napansin na matagal na pala silang magkatitigan, hanggang sa narinig niyang nagsalita si Joon.

“Sus! Nagtitigan pa dito!~” Nakangusong sabi ni Joon, “Nilalanggam kayo masyado!” May bahid ng sarkasmo ang pananalita nito. Nakakunot ang noo nito at bumaling nalang sa kabilang direksyon.

Nagtatakang tumingin siya kay Joon. Hindi naman kasi talaga ganun magsalita ito.

Problema nito???

My Ideal Type (HIATUS!) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now