Chapter 3:
___________________________________________________________________________
After ng klase nila Amber, dumiretso sila sa bar na pinagkasunduan nilang apat.
Tinawagan ni Amber si Joon.
"Noona~~~~" Matamlay na sagot nito sa kabilang linya.
"Joon! Bakit hindi ka makakapunta?" Tanong niya dito.
"Noona, may importante pa kasi akong gagawin. Kayo nalang tatlo nila Kevin at Nicole ang magpunta.. Sorry talaga noona" Sabi nito at in-end ang call.
"Hala" Sabi nalang ni Amber at tinignan ang cellphone.
"Oh, anong sabi ni Joon?" Tanong ni Nicole.
"Hindi daw siya makakasama since may importante siyang ginagawa."
"Ayyy~~ Sayang naman~~ Gusto ko pa naman sana makita kung pano malasing ang isang yon" Biro ni Nicole at tumawa.
"Gaga ka talaga" Hinampas niya ng mahina ang balikat nito.
"Hindi umiinom si Joon" Sabi niya dito at nag-dial ng number sa kanyang cellphone.
*riiiiing~~
*riiiiiiiiiing~~~
*riiiing~ Riiiiiiiing~~ (xD)
"Hello?" Matagal bago nakasagot ang nasa kabilang linya.
"Yah! Sasama ka pa ba o ano?" Tanong niya dito.
"Ambz!" Mukhang nagulat pa ito.
"Ay sorry! Hindi ko namalayan ang oras. Papunta na ako diyan." Sabi nito.
*blag!*
May narinig pa siyang kalabog mula sa kabilang linya.
Narinig pa niyang napamura sa sakit si Kevin.
Ang tanga talaga~ =____=
"Okay ka lang?" Tanong niya dito, malakas yata ang pagkakatama nito sa kung saan.
"O--oo" Sabi lang nito, "Hintayin niyo lang ako diyan papunta na ako" Tinapos na nito ang tawag.
Binabaan din ako? O___o
"Ano ba yan!? Ang tagal ah, grabe!' Reklamo ni Nicole.
"Halika na nga~ Mauna na tayo sa loob" Sabi niya dito at pumasok.
*
Tumungga si Amber ng ikalima niyang San Mig. Light.
"Uy bhest! Wag mo naman i-isang lagok yan. Hindi yan tubig, alak parin yan" Awat ni Nicole sa kanya.
Nakaupo lang sila sa mesa malapit sa counter ng naturang bar o club. Mag-iilang oras na kasi silang dalawa doon.
"Tch, dapat pala hindi nalang muna tayo tumuloy kung busy silang dalawa" Sabi ulit nito.
Tumawag kasi ulit si Kevin sa kanila, sinabi nito na pinatawag ang mga members ng music guild at pati narin ng banda nila. Emergency daw.
Hindi parin nagsalita si Amber, nakatingin lang siya sa mga nagsasayawan sa dance floor at uminom.
"Bhest~~" Tawag sa kanya ni Nicole, "Uwi na tayo~~~~~" Parang mangngiyak na ito base sa boses nito.
"Bakit ba kasi nagkakaganyan ka? Busy lang yung dalawa inom ka na ng inom" pagpapatuloy nito.
Pagkaubos ng ikaanim ng bote, nilapag niya ito sa mesa.
Tumingin siya dito at ngumiti.
"Halika na bhest" untag lang niya at tumayo.
Nawalan pa siya ng balanse nung una pero nakahawa siya sa mesa.
Inalalayan din siya ni Nicole, "Alam mo bhest...magpahatid ka na"
"Tumingin siya dito, "Paano mo naman ako maihahatid? Malayo bahay namin sa bahay niyo"
"Hindi naman ako ang maghahatid sayo" Sabi nito at tumawag sa cellphone nito.
"Hey Kevz! Kung tapos ka na diyan sa meeting niyo, pakisundo naman itong si Amber" sabi nito at ngumiti ng sumagot ang isa.
"Okay~ Bilisan mo ah" Sabi uli nito nang hindi nawawala ang pilyang ngiti sa mga labi.
__________________________________________________________________________
[A/N] OM!! Waah! Ngayon lang uli nakapag-update~ Hindi ak onakapag-update kahapon :3 anyway~ medyo maikli lang ngayon.. and as i always said... I'm sorry *bows* Rush ang every chapter na nagagawa ko....
Pero I promise you guys~ susundan ko ang chapter na ito agad-agad~ :D
YOU ARE READING
My Ideal Type (HIATUS!) (ON-HOLD)
Teen FictionSi Amber Lee ay isang college student sa Cheonseok University. Isa itong unversity in Manila for foreign students kagaya nalang niya na isang American-Korean-Filipino. Pero halos lahat ng estudyante dito ay may lahing Filipino. So, dito nag-aaral si...