Chapter 7

101 1 0
                                    

Napansin ni Nicole ang mga ikinikilos ni Joon simula pa nang malaman nilang kasama ni Amber si Kevin sa bahay dalawang araw na ang nakakaraan.

Matagal na niya kasing alam na may lihim na pagtingin ang binata sa bestfriend niya, at ganoon narin ang pinsan nitong si Kevin.

Bagamat hindi sinasabi ng dalawa ang tunay na nararamdaman, nahahalata ito ni Nicole base sa mga ikinikilos ng mga ito sa piling ni Amber.

Napabuntong hininga siya.

Ewan ko nalang kay Ambz, manhid yata ang babaeng toh

Napansin din ni Nicole na hnd masyadong nag-uusap ang magpinsan, lalo na kapag ang isa ay malapit kay Amber.

Tinignan niya si Amber na nasa kabilang mesa na mukhang lutang nanaman ang utak sa klase nila ngayon.

Sumulat siya sa isang piraso ng papel, tinanong kung okay lang ito, pagkatapos ay nilaukos at ibinato ang papel sa babae.

Nang mabasa nito ang sulat ay ngumiti lang ito sa kanya at tumango.

Pero alam niya na may problema ito.

*sigh* Kelan ba hindi nagkaroon ng problema yan? =________=

* * * * *

Natapos na ang klase nila Amber ngunit lutang parin ang isip niya.

"Anong gagawin ko?" bulong niya sa sarili.

*sigh*

Tinignan niya sila Joon at Kevin na nakapwesto pareho sa magkabilang gilid ng room nila.

Seryoso ang mga mukha ng mga ito, hindi tulad ng dati na abot langit ang mga ngiti.

Bumuntong hininga ulit siya.

"Lalong hindi magkakaayos ang dalawang toh kung may pipiliin ako"

Tinanong kasi siya ng dalawa kung saan siya sasali para sa party nila na gaganapin next week, kung sasayaw ba siya kasama ni Joon o kakanta kasama ni Kevin. At napansin niya nitong mga nakaraang araw na hindi nag-uusap o naglalapit ang dalawa.

Kapag lumapit naman sa kanya ang isa, iiwas naman ang isa.

Dahil doon hindi niya mapigilan na mag-alala.

May nangyari ba sa kanila?

Gulong-gulo ang isip ni Amber kakaisip.

"haiiiy jusko!" naisigaw nalang niya, napu-frustrate na siya.

Nilapitan siya ni Nicole, "Bhest! Problema?" tanong nito nang maupo sa tabi niya.

Tumingin siya sa paligid, konti nalang pala ang tao roon.

Tuluyan na siyang dumukdok sa desk niya.

"Bhest~~~" She whined and ten looked at Nicole mula sa pagkakadukdok, "Alam mo ba kung bakit nag-away sila Joon at Kev?"

"Nag-away agad? Hindi ba pwedeng nag-iiwasan muna?" pambabara nito sa kanya.

"Yun narin yun!" Sabi niya at inirapan ito, "Kasi, nahahalata ko nitong mga nakaraang araw, hindi sila masyadong nagpapansinan."

Napapalatak ito, "Tch! Nahahalata mo naman pala eh" Sabi lang nito.

Napakunot ang noo niya. "Of course mahahalata iyon!" nag-alala nanaman siya, "Pero hindi ko alam ang dahilan"

Nalulungkot siya kapag nag-aaway ang mga kaibigan niya, lalo na't magpinsan pa ang dalawa.

"Kausapin mo sila" suhestiyon ni Nicole sa kanya.

"Paano? Eh ayaw nga nila mag-usap or maglapit man lang di'ba?"

Inirapan siya nito.

"Aish! Pabo(바보: Fool!)" Kinatok nito ng bahagya ang ulo niya, "Use your head Chin-gu(친구: Friend), syempre kung ayaw nila maglapit, then you have to ask them one at a time, hindi yung sabay. O kaya naman pilitin mo silang paglapitin... common sense Bhest"

Ngumuso lang si Amber, pero napaisip siya sa mga sinabi nito.

"Hindi kaya magalit sila lalo 'pag ginawa ko iyon?" tanong niya dito.

"Hindi yan" kampanteng sagot nito.

"Bakit parang mas kilala mo pa sila kaysa sa'kin na best friend nila?" Tanong niya dito habang nakakunot ang noo.

"Hindi mo lang kasi alam ang mga pinagdadaanan ng mga yun" may ibinulong ito sa uli ngunit hindi niya narinig.

May bertud yata itong bestfriend ko...

=_______________=

Napansin naman siya nito.

"Halika na bhest~ Nag-uuwian na sila oh, baka mamaya tayong dalawa nalang maiwan dito. May haka-haka ngang may multo daw dito" biro nito.

Pero hindi niya pinansin ang biro nito, iniisip parin kasi niya ang mga pinagsasabi nito kanina.

Pinagdadaanan?

_________________________________________________________________________

[A/N] Yeah!!!! Chapter 7 done!! Sa wakas~~ *sigh in relief* ang tagal na nitong draft ah, :3 si REDGY kasi hahaha hindi pa ako pinag-update nung nagpa-print kami ng project para sa Chemistry~ :3

anyway~ sana,,.. well "sana", magcomment naman kau at sabihin kung anu masasabi nyu dito~ please, wag kaung silent reader~ okay lng kung hindi kau makakapagvote, but at least try to say something~ kung may na-appreciate ba kau or hnd nagandahan sa story~~ :( haiiiy~~

My Ideal Type (HIATUS!) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now