Nagulat si Kevin ng makairinig siya ng isang sigaw.
. . . .
Sigaw ng isang babae....
Napatayo siya bigla at tumingin sa paligid.
Huh? Hindi ito ang kwarto ko....
"Yah!" sigaw ng isang babae.
Nang tignan niya ito ay nanlaki ang mga mata niya.
"A-Amber??"
Galit ito base sa pagkakakunot ng noo nito, pero nakatingin ito sa ibang direksyon at... namumula??
Doon lang niya napansin na parang medyo malamig sa paligid.
Nang mapadako ang tingin niya sa ibaba ay nagulat nalang siya ng wala siyang suot na pang-itaas.
"What the - "
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay iniagis na ni Amber ang t-shirt niya sa kanyang mukha. Dali-dali niya iyong isinuot.
He cleared his throat at sumlyap-sulyap sa tahimik paring si Amber.
"E-ehem..." Basag niya sa katahimikan.
"'Ehem' ka jan!" Bulyaw nito sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong nito at tumayo.
What?
Wala ba itong natatandaan?
Nagtaka siya ngunit napangiti rin ng makaisip ng ideya.
Pinanatili niya ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
"Wait? Wala ka bang natatandaan?" Tanong niya dito. Umiling lang ito.
"Wala talaga?" Paninigurado niya.
Inirapan siya nito, "Sa tingin mo ba magtatanong ako ung naaalala ko??"
"So, hindi mo alam ang mga pinaggagawa mo sa akin?" Tanong niya habang lumalakad papalapit dito.
* * * * *
>////////<
Anong pinagsasasasabi ng lalaking 'to?
Patuloy na lumalapit ito sa kanya.
Tuluyang nag-haywire ang utak niya ng bigla nitong hapitin ang baywang niya.
"At hindi mo rin natatandaan yung mga sinabi mo sa'kin?" Nagsalita ulit ito.
O______O
"A-anong mga s-sinabi ko?" Nanginginig ang boses niya.
Mas lumapad ang ngiti nito nang makita ang ekspresyong iyon sa kanyang mukha.
"Nagmamakaawa nga ako nung una na huwag eh, kasi hindi pa ako ready, pero dahil lasing ka, hindi ka nakinig"
"Aba! Malandi? May pa-hindi-pa-ako-ready ka pang nalalaman"
Lalo itong ngumiti.
"Totoo naman eh, kaso mapilit ka"
Nahigit niya ang hininga.
O_____O Oh my- Don't tell me-
Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga at bumulong.
"Joke~" bulong nito at saka tumawa.
Nang marinig ang sinabi nito'y kusang gumalaw ang mga kamay niya at sinuntok ito sa sikmura. Ngunit dahil mahina lang ang mga suntok niya, tumawa lang ito lalo.
"Grabe ka!!! Lumayo ka sa'kin at baka kung ano ang magawa ko sa iyo!!" Galit na sigaw niya dito.
Patuloy lang ito sa pagtawa abang hawak-hawak ang sikmura.
"Hahaha Ang cute mo Ambz 'pag namumula ka"
At nang-asar pa! Kainis!!!
"Bwisit! 'Wag mo na uli akong lolokohin ng ganoon" Sabi niya dito na halos mangiyak-ngiyak na siya.
Akala pa mandin niya ay naisuko na niya ang kanyang sarili dito ng tuluyan.
Kainis ka talaga Kevin! >///////////<
_____________________________________
Yeeeeeeeeeeah! Tapos na itong chapter 5... :3 ang tagal bago ako nag-update
Anyway~ May EXAM! Kelangan magreview~ Pero.... gagawa muna ako ng isa pa hahahaha xDD wala pa ako sa kondisyon magreview eh :P

YOU ARE READING
My Ideal Type (HIATUS!) (ON-HOLD)
Teen FictionSi Amber Lee ay isang college student sa Cheonseok University. Isa itong unversity in Manila for foreign students kagaya nalang niya na isang American-Korean-Filipino. Pero halos lahat ng estudyante dito ay may lahing Filipino. So, dito nag-aaral si...