Chapter 2:
_____________________________________________________________________________
Kumunot ang noo ni Kevin ng biglang nagsalita si Joon.
"Anong problema niyan?" Tanong niya kay Amber na nagtatakang nakatingin din sa isa.
"Ewan ko" Sabi lang ni Amber at nagkibit-balikat.
Tumunog ang bell, senyas na lunch break na.
Tatlong oras ang vacant ni Amber ngayon.
Ayos! Sabay nalang kami~
"Uhm Ambz-"
"Bhest!" Sigaw ni Nicole kasabay ng pagtawag niya dito.
Lumingon si Amber kay Nicole, "Oh bakit?" tanong nito
"Haiy nako! Akala ko ba sasama ka sa akin sa room ng dance team? Diba't mag-au-audition nga tayo?" Sabi ni Nicole at hinila si Amber palabas
Tumingin lang ito sa kanya at sinabing, "Maya nalang uli" at kumaway
Napilitang kumaway pabalik si Kevin.
"Dance team? Audition?" Tanong niya sa sarili.
"Kung ganon, makakasama niya si Joon kung sakaling matanggap siya?" Ngumuso siya.
"Bakit hindi nalang siya sumali sa banda? Maganda naman ang boses niya~ At ako pa ang makakasama niya"
Ano ba pinagsasasabi ko? >__< aish~
Tinapik niya ang braso ni Joon na mahimbing parin ang tulog.
"Oy~"
Niyugyog niya ito.
"Uyyy~ Joon, gumising ka na."
Hindi parin ito nagising.
Ayaw mo ah. >:D
"Jooooooon!!!!!!! Gisiiiiiiiiiiing!!!!!"
Sumigaw siya sa tapat ng tainga nito.
"Ahhh!! Ano ba?!! Bakit kelangan mo pang sumigaw?" Pabulyaw na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang tenga.
Tumingin ito sa paligid na para bang may hinahanap.
"Nasan na si noona?" Tanong agad nito sa kanya, natawa siya.
"Umalis na, papunta sa room ng Dance Club" Sabi ni Kevin.
Kinuha ni Joon ang mga gamit, "Kev, mauna na ako ah" Sabi nito at nagtatakbo palabas.
*sigh*
"Wala ba akong makakasama ngayon?" Tanung niya sa sarili.
"Ako~ Pwede mo ako makasama ngayon, Kev~ Basta para sa'yo" anang ng isang babaeng malagkit ang tingin sa kanya.
Ngumiti siya dito, "Sorry~ May gagawin pa ako" Sabi niya at umalis narin ng room.
*
Nagtatakbo si Joon papunta sa Dance club.
Hindi siya pwedeng mahuli doon dahil siya ang president ng club.
Ngayon ang araw ng pag-au-audition ng mga gustong sumali.
Nang makapasok siya ng room ay nagsitinginan lahat ng estudyante sa kanya.
Yumuko siya ng paulit-ulit sa mga ito, "Sorry~ Sorry talaga, na-late ako"
"Naku~ President~ Hindi pwede ang ganyan" Sabi ng co-member niyang si Aiden.
Ngumiti lang siya dito at umupo sa isa sa mga upuan sa harap na mismong upuan para sa mga magja-judge.

YOU ARE READING
My Ideal Type (HIATUS!) (ON-HOLD)
Teen FictionSi Amber Lee ay isang college student sa Cheonseok University. Isa itong unversity in Manila for foreign students kagaya nalang niya na isang American-Korean-Filipino. Pero halos lahat ng estudyante dito ay may lahing Filipino. So, dito nag-aaral si...