Patay ako nito..
Gagawa ako ng paraan nakaharang kasi ito sa daanan patungong bahay....ah alam ko na.
"Tita!"
yes haha nauto ko siya tumakbo na ako ng matulin, dahil nung kunwariy nakita ko si tita sakto namang lumingon siya kaya nakahanap ako ng pagkakataon haha.
Lumingon ako at nakita ko siyang nanggagalaiti na hahaha naisahan ko siya.
"Bumalik ka ditong babaita ka! Kalurky"
Buti at nakapasok na ako sa bahay grabe hiningal ako dun ah.
hindi ko ba nasasabi sa inyo na kasali ako sa takbuhan nung high school ako kaya mabilis ko siyang natatakasan.
Umakyat ako sa hagdanan at nakita ko siyang sumusunod parin naku patay binilisan ko na agad at kahit saang kwarto pa ako mapunta basta matakasan ko lang si phyton.
May nakita akong pinto dun sa may pinaka dulo binilisan ko pa, sa pag takbo dahil alam ko anytime mahuhuli na niya ako sa wakas nakapasok na ako.
Ni lock ko na ang pinto haha.
"Hoy girlaluh na super eklavush humanda ka, lumabas ka diyan at harapin mo ang beautiful face ko at jojombagin na kita" panay parin siya sa pagkatok.
Samantalang ako'y nakasandal lang sa pinto hinihintay na mapagod siya.
At sa wakas wala na akong naririnig na katok so it means na wala na siya at saka lang ako nakahinga ng maluwag.
Napalibot tingin ako sa buong silid wow ang ganda pero para namang pang babaing- babae kumpleto kasi lahat, pumunta ako sa closet at tumingin ng shirts at maong na pants baka meron balak ko na sanang maligo eh para presko kaya lang.
Napansin kong puro alikabok na yung devider at yung closet puro siya dresses psh pang girly naman masyado.
Wala bang iba?
Hayun may cabinet pang isa I think puro sapatos to nakita kong puro ito sandals n-na may takong na naman? hay nako
talaga.Sa gilid naman nito ay may drawer binuksan ko to, para lang makita yung mga make-up thing na yun hay na ko alam ko naman ang mga yun dahil nung nasa college ako that time puro make up ang gamit ng classmate kong babae.
Ayaw nalang mag polbo hindi pa nakakasira ng muka, pero hayaan na, kanya kanyang trip yan.
May nakita akong picture teka parang nakita ko na ito ah?
Aha oo nga ito yung babaing nasa picture nung nagising ako mula sa pakaka-himatay sinu kaya ang babaing to? Maganda siya ah tinignan ko ang likuran baka may pangalan kaya lang wala akong makita sayang.
At sa wakas napagod na akong tumingin tingin nahiga na ako sa kama dahil siguro sa maghahapon na
Di ko namalayan na nakatulugan ko na ang pagtitig sa kisame.
.
.
.
.....................................................................................................................................
ps:honey:)
BINABASA MO ANG
Ang lover kong beki
Humor---- Babaeng boyish umasta at lalaking pagurl kung kumilos pinagsama. parehong walang gustong magpatalo Pero malabanan kaya nila ang namumuong love? subaybayan ang kwento nilang dalawa. ps:maiksi lang po @littlechamps Highest rank : 2 in tombs