ADDILYN'S POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto.
Shocks! Umaga na pala! Dali dali kong tinignan ang wall clock na nasa aking harapan!
8:30 na!
Eh 9 ang pasok ko!
Dahil sa takot na mapagalitan ng aking prof ay dagli-dagli kong kinuha ang uniporme ko at agad-agad akong naligo.
Hindi na ko kumain ng agahan dahil baka talagang hindi ko na abutin ang una kong klase.
Kung nagtataka kayo kung nasan ang nanay ko.
Pwes andun lang naman sya sa kwarto nya at baka natutulog pa.
Ganyan naman talaga sya sakin eh, walang pakialam...
Pababa na ko ng hagdan ng biglang may kumatok sa pintuan.
Pagkabukas ko nito ay nakita ko ang aking bestfriend na si Joseph.
Sa likod nya ay nakita ko ang kanyang kulay itim na kotse.
Nakalimutan kong sabihin sa inyo na mayaman nga pala ang mokong na ito.
Nginitian nya ko sabay sabing
" Tara? Sabay ka na."
Nginitian ko din sya sabay sakay sa passenger seat.
Bago ako tuluyang pumasok ay sinigawan ko pa muna siya.
"Huy! Ano na? Late na tayo! Baka naman gusto mong bilisan konti? Baka lang naman!"
Ganyan ako lagi sakanya. Wala lang, trip ko lang syang bulyawan.
Mukha namang natauhan sya at dali daling sumakay sa kotse.
Pinaharurot nya na to ng kay bilis, habang nasa byahe ay bigla kong naalala ang napagusapan namin ni mama.
Gusto nya ba talaga kong patigilin sa pag-aaral?
Pano naman ako?
Gusto ko pang makapag tapos ng kolehiyo.
Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit sinasabi nyang ako daw ang sumira sa kanyang pangarap.
Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang sumunod sa lahat ng utos nya ha?
Pero bakit ganto pa din ang trato nya sakin?
Siguro dapat ko na lang tanggapin na hanggang dito na lang ang limitasyon ko bilang anak nya.
Na hinding-hindi ko na mararanasang maramdaman ang pag-aaruga ng isang ina....
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang prumeno ng todo si Joseph. At muntik pa kong mauntog! Jusko!
Gusto ko pa mabuhay! Panira talaga tong lalaking to eh!
Dahil sa sobrang inis ay pinaltukan ko ang lalaking to!
"Ano bang problema mo?! Akala ko mamatay na ko! Gago ka!"
Nakita ko ang pag-kagulat sa kanyang mga mata.
"N-nag preno lang naman ako d-dahil nag-aalala ako sayo..... N-naiyak ka kasi."
Dahil sa sinabi nyang yon ay kinapa ko ang aking pisngi,
At totoong may luha nga...
Hindi ko to namalayan sa lalim ng iniisip ko.
Napatungo na lang ako dahil nakonsensya ako sa ginawa kong pag-paltok at pag-sigaw sakanya.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin ang salitang....
"Pasensya na...."
Pagkatapos kong sabihin yon ay niyakap na lang ako bigla ni Joseph ng napakahigpit.
"Tara na, male-late na tayo, mamaya ka na mag drama, sasamahan kita."
Nakangiting iwinika sakin ni Joseph ang mga katagang yan.
Napangiti na lang din ako at naisip kong maswerte ako dahil kahit hindi ko man naramdaman ang pag-aaruga ng isang ina,
nagkaron naman ako ng kaibigang tulad niya....
A/N: so ayun guys! Alam kong sawa na kayo sa author's note ko! Hahaha! Habang sinusulat ko to nata touch din ako, ang swerte ni Addilyn kay Joseph! Wahhh! Byeee! Hope you liked it!
YOU ARE READING
A Best Friend Is Always What I'll Be (Ongoing)
Mystery / ThrillerShe doesn't know that someone, who is always by her side is waiting for her heart. But he doesn't know what she's going through. Now they're facing the obstacles in life.