JOSEPH'S POV
Andito kami ngayon ni Addie sa cafeteria para kumain malamang.
Dalawa lang kami ngayon dito sa upuan.
Siguro chance ko na to para umamin no?
"Ah Addie may sasabihin sana ko sayo"
Nakita ko namang napatingin sya sakin.
"Oh? Ano yun be?"
"Ahhh ano kasi, ahmmm ang totoo kasi nyan Addie ano eh ahhhmmmm..."
Ano ba yan? Pano ko ba sisimulan?
"Ano nga yun? Pati tuloy ako kinakabahan dahil sayo eh."
Patay naiinip na yata sya.
Bahala na nga basta aamin na ko.
"Addie kasi ang totoo nyan gusto---"
"Uhmmm can I sit with you?"
Napatigil lamang ako sa pagsasalita ng biglang may isang asungot na naki epal samin.
Teka eto yung may ari ng school ha?
"O-ofcourse come join us."
Si Addie na ang sumagot para samin.
Kailangan talaga nauutal? Tssss.....
Ay letche! May gusto nga pala yata si Addie dito.
Badtrip naman!
"Thankyou"
Pagkasabi nya nun ay umupo na sya sa upuan sa tabi ni Addie.
Kailangan talaga sa tabi ni Addie umupo? Eh meron naman dito sa tabi ko,
Harot din ng isang to eh.
"Tssss pa english english pa marunong din naman mag tagalog."
Dahil sa pagka banas ko ay nasabi ko na lang yan.
"By the way my name is Jason"
Pagpapakilala nya habang inaabot ang kamay nya sa Addie ko...
Oo akin sya
"Yeah ofcourse I know you, my name is Addilyn."
Isa pa tong si Addie nakiki english na.
Nakita kong nginitian sya ni mokong at aba ang maharot kong bestfriend kilig na kilig pa ata.
"Jason" This time sakin naman sya nakipag kamay habang nakangisi.
Aba hinahamon yata ko nito ha?
Sa tingin nya ba kina gwapo nya na yung pag ngisi nya?
"Joseph" Syempre para di naman ako mag mukang masama eh nakipagkamay na ko habang may pekeng ngiti sa aking labi.
Pag tingin ko kay Addie ay mukang naramdaman nya ang tensyong namamagitan samin kaya naman..
"Ahhhmmm kain na tayo? Baka lumamig pa yung pagkain eh"
At ayun nga kumain na kami.
Badtrip naman kung kailan nagkaron na ko ng lakas na umamin tsaka naman may asungot na susulpot.
Next time na nga lang ulit.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami.
"Hey wait! Can I come with you? We're classmates right?"
Si asungot yan.
"Hindi pwede."
Bigla naman akong siniko ni Addie.
"Yeah ofcourse let's go"
Jusko naman Addie makiramadam ka naman oh?
Habang naglalakad kami ay hindi ko tinatantanan ng masasamang titig si mokong habang sya naman ay tuwang tuwa habang naaasar ako sakanya.
Sa wakas nakarating narin kami sa classroom.
Umupo na kami ni Addie sa upuan namin habang si mokong naman ay naupo na rin sa harap namin.
Si Addie naman ay hanggang ngayon hindi pa din tinatantanan ang kakatitig kay mokong.
Oo pinapanindigan ko na yung mokong na tawag ko sakanya.
Patay na patay na yata talaga si Addie dito eh.
Di hamak naman na mas gwapo ako sa mokong na yan ng 100 na paligo.
Si Joseph Aldrin Toledo?
Ikukumpara kay Jason Gauiz Reyes?
Eh talong talo na agad sya eh.
"Oy be lalim ng iniisip natin ah?"
Natauhan na lang ako bigla nung biglang nag salita si Addie.
"Wala na si sir?"
*boink*
"Aray naman Addie! Parang nagtatanong lang yung tao eh."
"Eh pano ba naman halatang halata na hindi ka nakikinig!"
"Hehe, eh ang boring ng tinuturo ni sir ehh..."
"Hay nako! Di ko na talaga alam gagawin ko sayo, pag ikaw talaga bumagsak yari ka sakin!"
"Hoy sinong babagsak? Matalino kaya ako!"
"Sabi mo eh. tsssss"
"Tara na nga umuwi na tayo!"
At ayun na nga hanggang sa kotse nag babangayan kami.
A/N: so guys this is chapter eight na napaka boring! Thanks for reading! Love lotsss!!!
YOU ARE READING
A Best Friend Is Always What I'll Be (Ongoing)
Misterio / SuspensoShe doesn't know that someone, who is always by her side is waiting for her heart. But he doesn't know what she's going through. Now they're facing the obstacles in life.