CHAPTER:SIX

16 2 0
                                    

ADDILYN'S POV

Nasa byahe na kami ngayon ni Joe papunta sa school.

Buti na lang maaga na ko nagising ngayon kaya di na kami mabubungangaan.

Pagkapark nya sa parking ay agad na kaming bumaba para pumunta sa room namin.

Pagkapasok namin sa room ay isang nakakabinging tawanan at hagikgikan ang sasalubong sayo.

Meron ka pang makikitang nagbabatuhan ng papel.

Nagmomobile legends.

At ang pinaka nakakainis sa lahat ay yung mga naglalampungan.

Na akala naman nila forever na sila.

Well... Sad to say walang forever.

Baka nga by the end of the school year tapos na sila eh.

Papunta na ko sa upuan ko ng mapansin ko ang campus heartthrob ng school na to.

Walang iba kundi si Jason Gauiz Reyes.

Actually isa din ako sa mga babaeng nagkakagusto sakanya. Yun nga lang hindi ako katulad ng ibang babae na halos magkandarapa sa kanya.

Nakakapagtaka nga at maaga sya ngayon. Madalas kasi ay lagi sya pa VIP sa klase.

Yun bang gustong-gusto nya ang atensyon kapag papasok na lang sya bigla sa pinto.

Wala rin namang magawa si Mr. Romera dahil sina Gauiz ang may ari ng school.

Tita nya din ang principal dito.

Hindi ko nga alam kung kinukunsinti ba talaga nila si Gauiz or pinapagalitan din sa bahay.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mr. Romera.

Nagsi ayusan naman ng upo ang mva kaklase ko at dali daling  pinagdadampot ang kanilang mga kalat.

Halatang nagulat din si Mr. Romera nadito na si Gauiz.

Konting discussion lang ang ginawa nya at umalis na.

Kanina ko pa tinititigan si Gauiz na nasa harapan ko lang.

Ang gwapo nya talaga. Natapos ang lahat ng subjects na nakatingin lang ako kay Gauiz.

"Baka naman matunaw yan? Hinay hinay lang sa pagtitig."

Sabi saakin ni Joe habang nakangisi. Inirapan ko na lang sya dahil panira talaga sya ng moment.

"Addilyn pinapatawag ka daw ng principal."

Sabi sa akin ng kaklase ko. Kasalukuyan na kong nag aayos ng gamit para umuwi.

"Bakit daw?" nagtatakang tanong ko. Wala naman akong ginagawang masama ha?

Nagkibit balikat lamang sya saakin pahiwatig na hindi nya din alam.

Baka naman ginu good time lang ako nito?

"Intayin na lang kita." sabi sakin ni Joe.

"Sige" sagot ko na lang bago pumunta sa office.

*principals office"

Kumatok ako ng tatlong bes bago may sumagot.

"Pasok"

Rinig kong sabi ng principal namin na si Mrs. Reyes.

"Pinapatawag nyo daw po ako?" tanong ko sakanya.

"Ah yes, please take a seat."

Kaswal na sabi nya sa akin.

Gaya ng sinabi nya ay umupo nga ako sa upuan sa may harap ng mesa nya.

"I heard from your teachers that you're doing great in class. You always get perfect scores on your exams and if you made a mistake you only got 1-3 wrongs for each examination. So I am guessing that maybe you want a scholarship?"

Wika ni Mrs. Reyes na syang ikinabigla ko. Scholarship?! Hindi ko na to maaari tanggihan dahil kung hindi ko pa to tatanggapin ay maari na talaga kong matanggal sa eskwelahan na to.

Atleast wala nang rason si mama para patigilin ako sa pag aaral.

"T-talaga po?" Halos hindi parin makapaniwalang tanong ko.

"Yes, but you need to retain your grades until you graduate. Am I clear?" nakangiting wika sa aakin ng aming principal.

"Thankyou mam! Pag bubutihan ko pa po talaga!" nakangiting turan ko din kay Mrs. Reyes at halos magtatatalon na ko dito sa harapan nya.

"Okay that's all you can go home now." huling wika nya bago ako lumabas ng office nya.

Papunta na ko ngayon sa room para kay Joe. Sana naman hindi sya nainip.

Pagkarating ko sa harap nang room ay nakita ko si Joe na nakasandal sa may pader habang nakasalampak sa tenga nya ang kanyang ear phones.

Nang mapansin nya ko ay tinanggal nya na ang kanyang earphones sabay lapit sakin.

"Ano sabi sayo?"

Hindi ko na sya sinagot bagkus ay niyakap ko na lang sya.

"Binigyan nila ko ng scholarship!"

Masayang sabi ko sakanya. Nakita ko namang napangiti din sya.

"Talaga? Edi masaya hindi ka na titigil sa pag-aaral mo. Tara na uwi na tayo."

Hindi pa man din ako nakakasagot ay hinila nya na ko papunta sa parking.

JOSEPH'S POV

Halata ang galak sa mukha ni Addie habang nasa byahe kami.

Natutuwa rin ako dahil hindi nya na kailangan tumigil sa pag-aaral.

Kaya lang hindi ko din naman maitatanggi na naghihinayang din ako na hindi ako naka-amin sakanya.

Ayoko namang sirain ang kasayahan nya nang dahil lang sa nararamdaman ko para sakanya.

Di bale marami pa namang pagkakataon na maka-amin ako sakanya.

At sinisigurado kong pag dumating ang araw na yon ay hindi ko na to papalagpasin pa.

A/N: Hi guys! Chapter six is here! Enjoy! Please vote and comment! Mwaahhh!!

A Best Friend Is Always What I'll Be (Ongoing)Where stories live. Discover now