GRACE'S POV
"We are about to land at NAIA, please take your seats."
Sabi ng captain. Ngayon ako ay nag dadalang tao ng 2 buwan.
Nalaman ko lamang ito pagkatapos ng party ng aking kaibigan.
Wala akong masyadong maalala dahil lasing ako nung mga gabing iyon.
Paggising ko na lang ay may katabi na akong lalaki na hindi ko kilala.
Bago ko makalimutan ako si Grace Reyes, 20 years of age at babalik ako sa Maynila upang puntahan ang aking pamilya.
Napabuntong hininga ako nang mapag tanto na wala pa akong naiisip na sasabihin sa aking mga magulang kung bakit ako agad nakabalik sa Pinas.
Pagkababa ko sa eroplano dala-dala ang aking maleta,pumara ako ng taxi.
Habang ako ay bumabyahe ay iniisip ko na kung paano ko palalakihin ang aking magiging anak.
Pagkatapos ng isang oras na biyahe nakadating na din ako sa aming bahay.
Kumatok ako sa aming pinto at laking gulat ng nanay ko nang makita ako.
Tinitigan nya muna ako na para bang sinusuri ang bawat bahagi ng aking katawan.
Papalapit na sana ako sa kaniya ng makaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka,kaya naman tumakbo ako sa aming banyo.
Pagtingin ko sa aking nanay ay mahahalata mo sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
Sinabi ko sa aking nanay na ako'y nag dadalang tao.
Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari nung ako ay nasa Amerika.
Inintindi naman niya ako at sinuportahan ang aking pagbubuntis.
-TIMESKIP-
Makalipas ng ilang buwan ay nanganak ako ng isang magandang babae.
Na pinangalanang Addilyn Marie Mendez.
Binigay ko sakanya ang apilyido ng kanyang ama.
Makalipas ng ilang taon si Addie ay lumaki ng masayahin at energetic na dalaga.
Ngunit madalas kong inilalabas ang aking sama ng loob sakanya dahil sinira niya ang buhay na aking pinapangarap.
Mayaman na sana ako ngayon at may magandang bahay, kotse at magandang trabaho.
Madalas ko siyang binubugbog at sinisigawan.Ngayon siya ay 17 taong gulang at pwede na siya mag trabaho at tumigil na sa pag-aaral.
"Addie! Pumunta ka nga dito may sasabihin ako sayo! " Wika ko sa kanya.
"Sandali lamang po! Nagawa lang po ako ng aking takdang aralin."
"Aba't ako ba'y pinag-iintay mo?! Halika rito at may sasabihin ako sa iyong mas importante sa takdang aralin mo!"
ADDILYN'S POV
Tumayo ako sa aking kina- uupuan at lumapit sa aking ina.
"Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?" Sabi ko
"Ikaw pa ata ang galit?!" Sabi nya na medyo nakasimangot.
"Hindi po ako galit inay, may ginagawa lang po kasi ako na kailangan nang matapos."
Hay naku! Minsan ay nakakabwisit tong nanay ko!
Hindi nya alam na sobrang sakit ang mga pinag gagagawa nya sa akin!Ang pananakit nya sakin nang hindi ko alam ang dahilan.
Wala naman akong magawa kundi sundin na lamang ang kanyang mga utos.
"Simula ngayon ikaw ay mag ta trabaho na! Itigil mo na yang pag-aaral mo! Wala na iyang maitutulong sa atin!"
Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko, halu-halo ang aking mga emosyon.
Galit, sakit at higit sa lahat ay awa para sa aking sarili.
"Pero nay! Paano na po ang aking mga pangarap?!"
Yun ang unang pagkakataon na sinigawan ko ang nanay ko.
"Bakit?! Natupad din ba ang mga pangarap ko?! Matutupad sana ito lahat! Kundi dahil sayo!"
"Ako nanaman ba?! Bakit ako lang laging may kasalanan! Hindi ko naman hiniling na mabuhay ako sa mundong ibabaw na ito!"
Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha sa aking mga pisngi.
Tumakbo ako patungo sa aking kwarto at ni-lock ang pinto.
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maubos ang aking mga luha.
Tinext ko ang aking bestfriend na si Joseph Aldrin Toledo.
Addie: Joeeee!!!
Addie:😢
Joe: Bakit be? 😃
Addie: Pwede punta ka dito?
Joe: Geh. Punta ako dyan.
Addie: Dito ka sa bintana kumatok! Baka di ka papasukin ng mudra ko.
Joe: Geh be!❤
Makalipas ng ilang minuto may kumatok sa bintana ko.
Nakita ko si Joseph na nakangiti sa akin.
Binuksan ko ang bintana at pinapasok sya.
A/N: So ayun po! This is chapter 1! Hope you liked it!
YOU ARE READING
A Best Friend Is Always What I'll Be (Ongoing)
Misteri / ThrillerShe doesn't know that someone, who is always by her side is waiting for her heart. But he doesn't know what she's going through. Now they're facing the obstacles in life.