CHAPTER: FOUR

19 3 0
                                    

JOSEPH'S POV

Matapos ang madramang pag-uusap namin ni Addie ay dali-dali kaming bumaba sa kotse.

Sabay naming kinuha ang aming mga bag na nakalagay sa likod na upuan ng sasakyan at saka ito isinukbit sa aming mga balikat.

Paniguradong bubungangaan na kami nito ng prof namin. Terror pa naman yun.

Habang naglalakad ay inabutan ko ng panyo si Addie,

"Mag-punas ka ng magmukha ka namang tao."

I heard her chuckle sabay sabi ng "Salamat" na sinabayan nya pa ng pag-ngiti.

Napa-ngiti na lang din ako dahil kay Addie. Atleast nakakaya nya pang mag-pakita ng tunay na ngiti sa kabila ng mga pinagdadaanan nya sa buhay kasama ang kanyang ina.

Kahit madalas ako nyang inaaway ay hindi ko rin naman ma iwawaglit na napamahal na rin sakin ang babaeng ito dahil simula pagkabata ay mag kasama na kaming dalawa.

Oo, inaamin ko, bakla man pakinggan pero 'yan ang katotohan.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa aming silid-aralan.

Pag-kapasok namin ay napatingin agad saming dalawa ang prof namin.

Makikita mo sa ekspresyon nito ang pagka-seryoso.

Ngunit sa kabila naman nang ekspresyon nyang seryoso ay mararamdaman mo ang galit nito.

Dahil ayaw na ayaw nya sa lahat ay yung naiistorbo ang klase nya dahil lamang sa mga late nyang estudyante.

Humarap ito samin sabay sabing "What time is it??"

Si Addie na ang sumagot para saaming dalawa.

"I-it's already 9:15 in t-the morning s-sir."

Pautal-utal na wika ni Addie dahil mahahalata mo talaga ang pagka inis ni Mr. Romera.

Idagdag mo pa na nasa amin na ang lahat ng atensyon ng aming mga kaklase.

"What time is our class?" sumunod na tanong niya naman.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang sumagot.

"9:00 am po sir" nag-aalangan na sagot ko habang nakayuko.

Nagulantang na lamang kami ng biglang hampasin ni Mr. Romera ang kanyang table.

Na syang dahilan ng lalong pag-usbong ng kaba sa aming dibdib.

"Alam nyo naman pala, pero bakit nagpa late pa rin kayo? Dahil gusto nyo ng atensyon? Pwes nag tagumpay kayo dahil lahat ng atensyon ng kaklase nyo nasa inyo na, lalong lalo na ang atensyon ko."

Hindi man malakas ang pag kakasabi nya nito ay may diin naman ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig na lalong magpapa takot sayo kesa sa sermon ng nanay mo.

"Take your seats now."

Ma-otoridad na pagkakasabi nya. Dahil dito ay hindi na kami nag-aksaya ng oras at dali-dali kaming nag punta sa aming upuan.

Magkatabi lang naman ang aming mga upuan.

Pag-kaupo namin ay tinignan ko si Addie.

Makikita mo sa kanyang mukha ang pag-ka dismaya at pagka pahiya dahil ayaw na ayaw nya sa lahat ay ang atensyon ng tao.

Pa simple ko syang siniko at bumulong

"Hey, don't mind it, it's just normal, we came late so of course Mr. Romera will get mad, cheer up."

She just simply nodded and smiled.

Mabilis namang natapos ang aming mga sumunod na subjects.

Sa wakas!!!

KKKKKKRRRRRRRIIIIIIIINNNNNNGGGGGGG!!!!!!!!!!

LUNCH NA!! WOOOHHHHHH!! YEAAAHHHHH!!!

Dala ng sobrang gutom ay dali-dali kong hinila si Addie palabas ng room.

"Uy teka ano ba! Umayos ka nga! Pag ako sumubsob dito dahil dyan sa pagmamadali mo lagot ka talaga sakin!"

"Hehe sorry na be, gutom na kasi talaga ko eh! Tara na!" wika ko kay Addie habang kumakamot pa sa aking ulo dulot ng pagkapahiya.

Sabay naming tinahak ang daan papunta sa cafeteria.

Pagkadating namin sa cafeteria ay agad kaming nag hanap ng mauupuan.

Nasa may dulo na lamang ang bakante kaya pumunta na kami agad dito.

Pagkarating namin sa upuan ay nilapag ko na ang aking bag at kinuha ang aking wallet na nasa loob nito.

Paniguradong ako nanaman ang manlilibre ngayon.

"Ano iyo?" tanong ko kay Addie.

"Katulad na lang ng iyo" sagot niya sakin habang nakatutok sa kanyang phone.

"Sige, intayin mo ko dyan ha?"

At pag katapos non ay iniwan ko na sya at nagtungo na ko sa counter.

A/N:hey guys! This is chapter four!! Medyo o.a po teacher nila jan hahahahaha!! Alam ko pong walang kwenta babawi po ko next ud! Promise! Byeeee!!

A Best Friend Is Always What I'll Be (Ongoing)Where stories live. Discover now