Reverse Poetry #24

93 1 0
                                    

Panaginip na sa pagdilat ko sana'y totoo
Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit
Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan
Ikaw ang bituin sa gabi sa lagi kong pinagmamasdan

Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan
Sa mga sinehan na ating pinanuora
Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan
Sa bawat kainan na ating napuntahan

Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko
Ang inosente sa ngalan ng pag-ibig
Na walang kaalam alam na siya ang pinaka importante sa buhay ko
Nakakatawang isipin

Dipa rin tayo ang nakaguhit sa linya
Sa bawat lihim na sulyap ay isang "mahal kita" na hindi mo makuha
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa

Spoken Word [Reverse Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon