Reverse Poetry #4

482 9 0
                                    

Makakalaya ka na
Gaya nang dati
At kapag buo kana.

Napunasan ko na ang mukha mong ginasgas na ng mga sampal at pagluha
Tinakpan ko na ang lahat ng butas ng pagkatao mong kabisadong-kabisado ko na

Kaso NASA alapaap na ako, lunod na lunod ka pa sa kaniya
Dadalhin sana kita sa buwan kapag aking-akin ka na

Kaso nandito ako sa harap mo binibingi ang sarili sa lahat ng mga tinayo mong reklamo at galit
Kapag pag-iisa na lang ang iyong hinihiyaw saka na sana ako lalapit

Pero heto ako ngayon pinupulot ang mga bubog mo gamit ang mga salitang "nandito lang ako" at " tahan na"
Sabi ko mahuhulog lang ako sayo kapag ganap na ikaw ka na

Pero he to ako ngayon hawak ko pa ang mga piraso mo-- tinatahi kita
Sabi ko haharapin kita kapag buo ka na

I hope you like and appreciate it guys! Kamsa.

Spoken Word [Reverse Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon