Chapter 1

140 6 0
                                    

Chapter 1

MAINGAT ang naging pagkilos ni Shindee. Tiniyak niya na walang makakapansin sa kanya. 

Dahan-dahan niyang hinawa ng blade ang bag ng lalaking katabi niya sa MRT ng mga oras na yun. Rush hour kasi at siksikan sa loob ng tren kaya walang masyadong nakakapansin sa ginagawang 'milagro' niya. 

Nang malaman niyang sapat na ang ginawa niyang pagtastas sa bag nito ay maingat na kinapa niya ang cellphone na nakita niyang inilagay ng lalaking katabi niya sa bulsa ng bag nito kanina. 

Tinapunan niya ng tingin ang lalaking bibiktimahin niya. Nakasalpak pa sa tenga nito ang malaking headset.

Walang kaide-ideya ito sa nagaganap ng mga oras na yun. 

Nang sa wakas ay nakapa niya ang pakay ay wala pa sa segundong nilagay niya ang cellphone sa bag na dala niya. 

"We are now in Buendia Station." 

Walang anumang lumayo siya sa nabiktima niyang lalaki at lumabas ng train. 

Tinignan niya ang cellphone na nadukot niya. Maluwag na napangiti siya. Tiyak na may makakain sila ng ilang araw.

"ATE SHIN!" 

Tuwang-tuwang salubong sa kanya ni Karylle na naabutan niyang naglalaro sa labas ng barong-barong nila. 

Lumapit ito sa kanya at yumakap sa binti niya. Pitong taong gulang ito ngunit kung titignan ay parang apat na taon palang ang katawan. Malnourished kasi ito at kulang sa sustansiya ang katawan ng kapatid niya. Dala na din ng sobrang kahirapan na dinadanas nila ng pamilya niya.

"Naglalaro ka na naman, Karylle! Naligo ka na bang bata ka?" sita niya agad dito.

Napalabi ito sa sinabi niya. 

"Eh kasi si Inay wala na naman. Hindi pa nga ko kumakain eh." himas-himas nito ang tiyan na alam niyang kumukulo na sa gutom.

Nakaramdam siya ng awa sa kapatid niya. Hindi nito dapat danasin ang hirap at lupit ng buhay. Masyado pa itong musmos para maghirap na ng husto.

"Oh siya sige. Magluluto tayo ng pansit canton. Pero paliliguan muna kita. Ang bantot mo ng bata ka!" 

Pagkarinig nito sa sinabi niya ay dali-daling nagpunta ito sa poso para maligo.

Napailing na lang na sinundan niya ito para paliguan. 

Naisip niyang bigla ang kalagayan nilang mag-anak. Tatlo silang magkakapatid, si Fred na kuya niyang batugan. At si Karylle na bunso nila. Naturingang panganay na anak ang Kuya Fred niya ngunit wala itong ginawa kundi magwaldas ng pinaghirapan niyang kitain sa buong araw. Tamad ito at basagulero. Walang araw na hindi nito nakakalimutang makipag-away at mangbubugbog ng tao. 

Wala ring araw na hindi silang nagtatalong magkapatid. Nabubwisit kasi siya sa kuya niya. Na imbes na makatulong sa kanila ay dagdag kargo pa niya ito. 

Sa edad niyang bente-uno, marami na siyang alam gawin sa buhay para lang masuportahan ang pamilya niya. Merong magtinda siya ng dyaryo sa umaga, umextra na serbidora sa karinderya at magtinda ng balot at yosi sa gabi. Lahat ng iyun ay handa niyang gawin para sa pamilya niya. May mauwi lang siyang makakain at hindi matutulog ng gutom ang Inay niya lalo na ang bunsong kapatid niyang si Karylle.

Nagbago ang lahat ng makilala niya si Temong. Ang kaibigan ng Kuya Fred niya. Ipinakilala siya nito at unang araw pa lang ay pilit na siya dinigahan. Ngunit wa-epek sa kanya. Wala pa sa isip niya ang syota-syota. Ang prayoridad niya ay ang kinabukasan ng kapatid na bunso niya. At saka hindi din niya type ang tabas ng mukha ni Temong. Ubod na itim ito na bagamat matangkad ay napakayat na lalong nagpahaba ng baba nito. Marami din itong bukbok sa mukha na mukhang natuyong tigyawat.

♥ Ang Snatcher ng Puso ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon