Chapter 5

49 3 0
                                    

Chapter 5

NAPAILING siya. Ewan ba niya ngunit parang nakokonsensya yata siya sa ginawang pagpapakulong sa babaeng yun. 

Well, tama naman talagang makulong ito sapagkat may nilabag itong batas. Ngunit parang hindi yata matanggap ng konsensya niya na nagpakulong siya ng babae!

Ano ba naman sa kanya ang wallet na ninakaw nito? Hindi naman naubos ang lahat ng kayamanan niya dahil dun. 

Pero hindi eh. Tinapakan niya ang pride ko! Dapat lang siya dun! 

Muli siyang napailing. Naalala kasi niya ang ekpresyon ng mukha nito kanina. Halos nagmamakaawa pa ito at parang handang gawin ang lahat kahit na lumuhod sa harapan niya huwag lang itong makulong. 

Maya-maya ay hindi na siya nakatiis. Kinabig niya ang manibela pabalik ng presinto.

"CRUZ, MAY BISITA KA!" sigaw ng pulis sa kanya.

Napatayo siyang bigla mula sa pagkakasalampak sa semento. 

"Sino po?" tanong niya sa pulis.

"Kapatid mo yata. May kasamang bata." sagot nito.

Si Karylle! 

Napapikit siya.Ayaw niyang makita ng kapatid niya ang sitwasyon niya ngayon ngunit anong magagawa niya? Nasa isang sitwasyon siya na wala na yatang pag-asa. Kasalanan naman talaga niya kaya dapat wala siyang taong dapat sisihin sa nangayari sa kanya kundi ang sarili lamang niya.

“Ate!” umiiyak na tawag sa kanya ni Karylle. 

Niyakap niya agad ito pagkalapit niya dito.

“Sinong kasama mo ditong magpunta?” tanong niya sa kapatid.

“Si Ate Anna po.”

“Shindee..”

Nilingon niya si Anna na ngayon ay nasa harapan na niya.

“Ano bang nangyari, friend? Bakit ka nakakulong?” puno ng pag-aalalang sabi nito sa kanya.

Malungkot na umiling siya.

“Ganoon talaga eh. Nakagawa ako ng labag sa batas kaya dapat lang na managot ako.”

“Shindee, anong dapat ba nating gawin? Nasa ospital pa ang nanay mo..”

Bumalik ang pag-aalala niya sa inay niya ng marinig ang sinabi nito. Pero ano nga ba ang magagawa niya kung nasa kulungan siya? Napakahelpless na nang sitwasyon niya ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat na isipin at gawin niya. Napatingin siya sa kapatid niya ng marinig ang mga hikbi nito.

Piniga ng husto ang puso niya sa nasaksihan. Paano na ang kapatid niya? Hindi niya yata makakaya na pabayaan na lang ito basta.

“Ewan ko, Anna. Hindi ko na alam ang gagawin ko..”

Mahigpit siyang niyakap ni Anna.

“Huwag kang mag-alala, Shin. Gagawa ako ng paraan makalabas ka ang diyan.”

Umiling siya. “Sa oras na ito, si Ina yang mahalaga ngayon.”

Tumango lang ito.

Tinignan niya ang kapatid.

“Huwag ka ng umiyak, Karylle. Maaayos din ang lahat.”

Umalis ang dalawa na walang makitang solusyon sa problemang kinahaharap niya. Halos isang oras ng nakakalipas ng may lumapit sa kanya na pulis.

“Cruz, makakalaya ka na!” sigaw ng pulis sa kanya.

“Ho?” nagulat siya sa narinig.

“Oo, kaya lumayas ka na diyan.” 

♥ Ang Snatcher ng Puso ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon