Chapter 4

60 4 0
                                    

Chapter 4

NAKAKAILANG balik na siya sa kinatatayuan. Uupo siya ngunit maya-maya ay tatayo ulit at maglalakad ng pabalik-balik.

Masyado siyang nag-aalala sa kalagayan ngayon ng nanay niya. Nang nalaman niya na nakipag-away ito sa sugalan, pinuntahan niya agad ang nanay niya. Ang akala niya, ekseharado lang ang pagkukwento sa kanya ni Mang Lito. Ngunit ng makita niya ang nanay niya nakahiga sa kalsada, doon na siya halos magwala. Ni wala man lang nagawang tumulong dito. Sa katunayan, siya pa ang nagsugod sa ospital.

At ito nga siya ngayon, naghihintay ng kung anumang balita dala-dala ng doctor.

Maya-maya ay may lumabas na doctor sa emergency room. Nagmamadaling nilapitan niya ito.

"Doc, kamusta na ang nanay ko?" kinakabahang tanong niya.

"Ikaw ba ang kamag-anak ni Emy Cruz?"

Sunod-sunod na tumango siya. "Opo, ako nga po, doc. Anong kalagayan ng nanay ko? Ligtas na ba siya?" 

"Sa ngayon, hindi natin masasabing ligtas ang nanay mo. Kailangan niyang maoperahan agad. May organs kasi na napinsala sa kanya."

"Ano po? Kailangang operahan ng nanay ko?"

Tumango ang doctor na kausap niya.

"Yes, hija. Kailangan niya sumailalim agad sa isang operasyon. Pero sa ngayon, kailangan siya salinan ng dugo."

"M-magkano po ang kakailanganin para sa operasyon?"

"Nasa thirty thousand."

Parang nanlaki ng husto ang ulo niya pagkarinig sa halagang sinabi nito.

"H-ho? Treinta mil?"

"Yes,hija. Tandaan mo, kailangan na kailangan ng maoperahan ang nanay mo."

Tumango-tango siya dito.

"Gawin niyo ho ang lahat para maligtas ang nanay ko,doctor."

Tumango lang ito at iniwan na siya. 

Hinang-hinang napaupo siya. Saang impyerno siya ngayon kukuha ng pampaopera ng nanay niya? Walang-wala siyang pera. 

Napahawak siya sa sentidong kumikirot ng mga oras na yun.

Hindi na ba talaga matatapos ang pagpapahirap na nangyayari sa buhay niya?

"SHIN?" inaantok pang tawag sa kanya ni Anna.

Kinukusot-kusot pa nito ang mata. 

Ito agad ang naisip niyang puntahan pagkagaling sa ospital. 

"Anna.." mahinang tawag niya dito.

"May problema ba, Shin? Madaling araw palang ha."

"Pasensya ka na kung naistorbo kita. Wala na kasi akong naisip na puntahan kundi ikaw lang."

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok.

"Ano ka ba, huwag ka ngang madrama. Kumain ka naba? Kape?" alok nito sa kanya.

Umiling lang siya sa alok nito. 

"Anong problema, friend? Alam kong hindi ka susugod ng ganitong oras kung walang nangyari." 

"Nasa ospital ang nanay, Anna.." mahinang tinig na sabi niya.

Nanlaki agad ang mata nito pagkarinig sa sinabi niya.

"Ano? Bakit? Paanong nasa ospital ang nanay mo? Eh kagabi lang nakausap ko pa siya bago ako umalis ng bahay niyo." nag-aalalang tanong nito sa kanya.

♥ Ang Snatcher ng Puso ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon