Chapter 7

57 3 0
                                    

Chapter 7

"KARYLLE!"

Excited na tawag niya sa kapatid niya na nasa gate ngayon ng mansion kasama si Anna. Pinakiusapan niya kasi ang huli na papuntahin ang kapatid niya para makita ito. Miss na miss na kasi niya si Karylle.

"Ate Shin!" tuwang-tuwang niyakap siya nito. "Namiss po kita."

Ginulo niya ang buhok nito.

"Ako din, mas lalong miss kita. Nagpapakabait ka ba kay Ate Anna mo?"

Sunod-sunod na tumango ito sa kanya.

"Opo. Ako nga ang naglilinis at nagluluto. Tapos minsan, bantay din ako ni nanay sa ospital."

"Ang galing naman ng kapatid ko."

Tinanguhan niya si Anna na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanya.

"I miss you, friend. Mukhang okey naman ang kalagayan natin dito ha."

Tumango siya. "Mabait kasi ang mga amo ko lalo na yung babae."

Simula ng makauwi sila ni Reij mula sa Baguio ay nagbago na ang pagtrato sa kanya. Hindi na din ito masyadong nagsusungit sa kanya.

"Ang mabuti pa, kumain na kayo. Tara, pinaghanda ko kayo."

Pumasok na sila sa loob, sa likod sila ng mansion dumaan.

"Friend, ang ganda naman nitong bahay! I mean, mansion na pala. Kakainggit ka naman."

Natawa siya sa sinabi ni Anna.

"Ano ka ba, katulong lang ako dito."

Napataas ang kilay nito sa sinabi niya.

"Okey ka lang? Mukha ka ngang senyorita na eh. May katulong bang ganyang ang suot?" sabi nito sabay nguso sa kanya.

Nakabestida kasi siya ng mga oras na yun.

Kahit kailan kasi hindi siya pinagsuot ni Jovel ng uniform ng pangkatulong. Hindi naman daw talaga siya katulong sa mansion. Pinapalipat pa nga siya nito sa sa guest room ngunito todo tanggi na siya. Nakakahiya sapagkat nandito siya para magbayad ng pagkakasala niya kay Reij. Ngunit sa bandang huli ay ito padin ang nasunod kaya sa isang maganda at komportableng kwarto siya natutulog.

"Saan na pala si fafa mo?"

Tinampal niya sa braso si Anna pagkarinig sa sinabi nito.

"Huwag ka ngang maingay dyan, Anna! Baka may makarinig, nakakahiya." sita niya nito.

Hindi kasi lingid sa kaalaman nito ang matinding pagkakagusto niya kay Reij.

"O.A ka naman, friend. Wala naman akong binanggit na pangalan ha."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Kahit na, basta itikom mo yang bibig mo. Teka, nasan na ba si Karylle?"

"Ewan ko sa kapatid mong yun. Mana sayo, mahilig mag-explore."

"Teka, dyan ka lang. Hahanapin ko lang si Karylle."

Nagmamadaling lumabas siya ng dirty kitchen. Masyado pa namang malaki ang mansion kaya nag-aalala siya na baka maligaw ito o kaya makabasag ng gamit.

Ilang minuto na siyang naghahanap ngunit walang Karylle siyang nakikita.

May narinig siyang nagtatawanan sa may den ng mapadaan siya doon. Hindi nga siya nagkamali, si Karylle at Reij ay nagtatawanan habang nagkukwentuhan.

"Karylle?" pukaw niya sa atensyon ng dalawa.

"Ate!" natatawang sinalubong siya nito.

"R-reij, pasensya ka na sa kapatid ko kung medyo nakulitan ka sa kanya."

♥ Ang Snatcher ng Puso ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon