Chapter 8

57 3 0
                                    

Chapter 8

NATATAWANG pinagmasdan niya si Reij habang kumakain ng balot. Tinuruan niyang kumain ito ng balot.

Tulad ng nauna nilang balak, nagpunta sila sa baywalk.

"What's so funny?"

Natatawang umiling lang siya. Hindi talaga niya mapigilang matawa sa hitsura nito.

Para kasing diring-diri ito habang hawak ang balot lalo na ng makita na nito ang sisiw.

"Huwag mo na kayang kainin kung hindi mo kaya." suhestiyon niya dito.

"No way! Lahat yata kaya kong gawin."

"Okey sabi mo eh."

Natatawang tumalikod siya dito at lumapit sa nagtitinda ng balot. Chicharon naman ang tinira niya. Kunwari ay abala siya sa pagkain ngunit napansin niyang itinapon nito ang hawak na balot sa may halamanan.

"I told you, kaya kong kainin."

Pagmamalaking sabi nito ng lumapit sa kanya.

"Okey."

Pinuntahan niya ang balot na natago sa gilid ng halamanan.

"Eh ano ito?" tukoy niya sa balot na nakita niya.

"Hindi akin yan. Naubos ko kaya ang akin." tanggi nito.

"Sabi mo eh.”

Sige, pagbibigyan niya ito.

“Halika dito, chicharon na lang ang lantakan natin. Huwag kang mag-aalala walang sisiw yan."

"Alam ko. Kumakain kaya ako nito. Manong, damihan mo ng suka." request nito sa tindero.

Pagkatapos lantakan ang paninda ay naglakad-lakad sila sa may baywalk. Marami-rami din naman ang taong naglalakad. Ang karamihan nga sa mga ito ay magjowa.

"Nagkaboyfriend ka na ba, Shindee?"

Nagulat siya sa biglaang pagtatanong nito sa kanya ng ganoong bagay.

"Hindi ko naman inisip yan. Bata pa ko eh."

Idinaan na lang niya sa biro ang sagot niya sa tanong nito.

"I know. Twenty-one ka pa lang. Kaya huwag ka muna mag-aasawa." seryosong sabi nito sa kanya.

"Oo naman. Tulad nga ng sabi ko noon sayo, si Karylle muna ang pinakaimportante sa buhay ko ngayon."

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila. Maya-maya ay tumunog ang cellphone nito. Nag-excuse muna ito bago sagutin ang tawag.

Natutuwang pinagmasdan niya si Reij mula sa di kalayuan. Ngayon. Masasabi niyang sigurado na siya sa nararamdaman niya. Mahal niya ito. At masaya siya sapagkat kahit na saglit lang, pinagtuonan nito ng panahon at atensyon ang isang hamak na tulad niya.

"Gusto mo bang dalawin ang nanay mo ngayon?" seryosong sabi nito ng makabalik sa kanya.

Nagulat siya sa narinig mula dito. Hindi niya inaasahang manggagaling iyon kay Reij.

"Talaga? Okey lang ba?"

Tumango ito. "Oo naman. So paano? Puntahan na natin siya?"

Excited na tumango siya dito. Ilang araw na din siyang hindi nakakadalaw sa nanay niya.

Ilang sandali lang ay nasa ospital na silang dalawa ni Reij.

Medyo nagtaka pa siya ng makita niya si Anna at Jovel.

"Anong ginagawa niyo dito? Anna? Jovel?"

Hindi umimik ang dalawa sa tanong niya.

Nakaramdam siya ng kaba ng mga sandaling iyon ngunit iwinaksi niya. Para sa kanya, napakasaya ng araw na yun.

♥ Ang Snatcher ng Puso ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon