Chapter 2

74 4 0
                                    

Chapter 2

"NURSE, kamusta na yung pasyente ko?" tanong niya sa nurse na lumabas sa emergency room.

Sinugod niya sa pinakamalapit na hospital ang babaeng tinulungan niya. Sa tantiya niya ay kasing edad lang niya ito. Halatang mayaman ito kaya nagawang pagtripan ng mga gumagalang holduper. Maganda din ang babae kaya malaki din ang pasasalamat niyang hindi ito nirape.

"Kamag-anak ka ba niya, Miss?" balik tanong sa kanya ng nurse.

Sunod-sunod na umiling siya.

"Naku, hindi ho. Ako lang yung tumulong at nagsugod sa kanya dito sa hospital. Gusto ko lang sanang malaman yung kalagayan niya." sabi niya dito. Mahirap na at baka mapagkamalan siyang kamag-anak nito at siya pa ang pagbayarin ng bills.

Aba! Siya na nga ang tumulong, magagastusan pa siya.

"May malay na siya. Nacontact na rin ang mga kamag-anak niya. Kung gusto mo, puntahan mo siya. Nasa room 405 siya."

Pagkasabi nun ay umalis na ang nurse na nakausap niya.

Mukhang bigtime ang taong natulungan ko ha!

Napangiti siya. Hindi naman siguro masama kung bibigyan siya nito ng pabuya,tutal siya naman ang nakaligtas ng buhay nito. Token of appreciation kumbaga.

Pinindot niya ang elevator papuntang fourth floor kung saan ang room ng babaeng niligtas niya.

Ngunit bago sumara ng tuluyan ang elevator ay napansin niyang may humahabol na lalaki. Ngunit pinundot niya ang closed button. Kailangan na niyang magmadali at baka nagwawala na ang inay niya sa gutom.

Napansin niyang bumakas ang pagkairita sa mukha nito.

Nagkibit-balikat siya. Wala na siyang oras isipin pa ito.

Pagdating niya sa fourth floor ay dumiretso na agad siya sa room na tinutukoy ng nurse na nakausap niya.

Kumatok muna siya ng isang beses bago tuluyang buksan ang pinto at pumasok.

Tumambad sa kanya ang babaeng tinulungan niya. Gising ito at kasalukuyang nakatingin sa kanya.

"Ikaw siguro ang tumulong sakin, right?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Tumango siya. "Oo, ako nga. Kamusta ka na?"

"Okey na ko. Salamat sa tulong mo. Kung hindi dahil sayo baka pinaglalamayan na ko s mga oras na'to. Anyway, ako nga pala si Jovel." nakangiting saad nito sa kanya.

Tumango siya. "Walang anuman, Jovel. Tawagin mo na lang akong Shin. At saka kahit naman siguro na tao ang makakita sa kalagayan mo, tutulungan ka. Nagkataon lang na ako ang napadaan sa lugar na yun."

Sunod-sunod na umiling ito. "Mali ka, Shin. Hindi ikaw ang unang taong nakakita ng kalunos-lunos na kalagayan ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko dahil tinulungan mo ko."

"Kagaya ng sabi ko, walang anuman."

Tumango lang ito sa kanya.

"Anyway, Shin. Paparating namang mga pulis, pwede bang magbigay ka ng statement? Para mahuli ang mga gagong gumawa sakin ng ganito." galit na turan nito sa kanya.

Parang nanlaki ang ulo niya ng mga oras na yun pagkarinig niya sa sinabi nito.

Walangya, may pulis! tarantang sabi ng isip niya.

Hindi siya pwedeng makita ng mga pulis!

Baka imbis na pabuya ang makuha niya ay makalaboso pa siya.

Yun ang hindi niya hahayaang mangyari.

Sa mga katulad niyang may nilabag na batas, parang lason ang salitang pulis sa kanya.

♥ Ang Snatcher ng Puso ko ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon