Daneil's POV :
Tahimik kami ni Ean sa may loob ng ferriswheel, pinagmamasdan ang mga tanawin sa paligid. Mabagal yung takbo ng ferriswheel ngayon at maganda yung tugtog sa may ibaba. Magkatabi kami at gamit niyang supporta yung balikat ko.
Wala namang malisya don diba? lagi naman namin to ginagawa noon. Wala nga malisya.. haha... pero bat sakin parang meron?
"woooow... tignan mo o, ang liliit nila"
Sabay turo ni deanna sa mga tao sa ibaba ng kinaroroonan namin kaya naman napalingon ako sa tinuturo nya. "nga no.. haha parang langgam"
Hindi nanaman kami nag salita pagkatapos non. Pinapanood lang yung mga maliliit na tao sa ibaba, at nakikinig sa kanta nung biglang tumayo si Deanna sa kinaroroonan nya.
"Uy picturan mo ko dali!!"
Yumugyog ng konti yung sinasakyan namin kaya medyo nataranta ako ng KONTI. Kung di ko pa namemention, may fear of heights ako. Pero pag kasama ko si Deanna, ewan ko ba pero bigla nalang nawawala yung takot ko.
"Wag ka nga malikot jan, yumuyugyog na o"
"oo na oo na, basta picturan mo ko!"
Inabot nya sakin yung cellphone niya na galing sa kanyang bulsa at umupo sa may harapan ko. "O dali ngiti na" Binuksan ko yung phone niya; syempre alam ko yung password haha, at binuksan yung camera.
"ngiti ka"
Ngumiti siya at nag pose, at sakto... nung tinutok ko sa kanya yung camera, may narinig kaming putok.
Napalingon si Deanna sa likod nya at nakita naming nagsimula na yung fireworks show. Dun ko lang din napansin na nasa pinaka tuktok na pala kami.
Nagsimula akong matakot at magsasalita na sana nung nakita ko si Deanna, nakatingala sa mga paputok at nakangiti ng malaki.
Nawala bigla yung takot ko
Para akong nakatingin sa isang dyosa..
Tinutok ko agad yung camera kay Deanna at dali dali ko na siyang pinicturan. Stolen shot. kahit anong anggulo talaga, napaka ganda ng bestfriend ko. Ang swerte ko at kahit na pagkakaibigan lang ang kaya nyang ibigay, narito parin siya sa tabi ko.
Napatingin sakin si Deanna at nagsalita bigla. "Oyyy dali na!! picturan moko, may fireworks o!"
"yoko nga"
"gago ka talaga eh, kahit isa lang!!"
"ayoko!"
Onti onting nawawala na yung mga paputok sa likuran nya at nung sure na kong wala na ang mga ito, dun ko lang siya pinicturan. "Hayup ka! pipicturan mo nalang nga ko di mo pa magawa! yan tuloy wala na!!"
"sorry na hahaha tignan mo nga o! ang cute mo dito"
"nakasimangot ako jan eh!!"
"ay nakasimangot ka ba nun? kala normal mo yun na pagmumukha hahaha"
"LECHE!!"
So ayun, di nanaman ako pinansin hahaha. Hanggang sa mabagal na pagbaba ng ferriswheel, at sa makalabas na kami nung ride hindi niya parin ako pinansin. Hayyy tampo tampo nanaman si mahal... joke, haha ako lang pala yung nagmamahal.
Pumunta kami sa mcdo na malapit sa perya, syempre since nagtatampo siya eh sagot ko nanaman yung mga kakainin niya. Pumasok na kami sa mcdo at nakahanap agad ng table dahil anong oras narin naman eh konti nalang ang mga tao dito.
"uy ano gusto mo?"
tanong ko sakanya. Di siya umimik at hindi ako tinignan. Hayyy alam ko na gusto neto..
Sinadya kong di ibalik yung cellphone niya dahil ipapasa ko pa yun sa cellphone ko. Ano yung ipapasa ko? yung picture niya syempre haha para may copy ako.
Yung una na nakangiti siya
Yung pangalawa na nakatingala siya sa fireworks
At yung pangatlo na kung saan ay nakasimangot siya
Akala niya di ko siya pinicturan.. hahaha
Pumila na ko sa cashier at naghintay, habang sinesend ko yung picture ni Deanna sa sarili ko. Pagkatapos ay binura ko yung mga picture nya sa phone nya hehehehe WALANG EVIDENCE.
Nakaorder na ako at nung makuha yung pagkain eh bumalik na ako sa pwesto namin. Nakita kong tulog na si Deanna, nakatulog na ata sa pagod tong babaeng to.
Nilapag ko yung tray ng pagkain namin sa harapan niya sabay gising sakanya ng mahinhin.
"ean.. gising na, kain na tayo tapos hatid na kita"
"maya na.. antok pa ko eh.."
Sagot niya sakin. Napangiti tuloy ako, tangina ang bakla ko na.. deanna ano bang ginawa mo sakin jusko "spaghetti chicken food mo oy gising na-
""GISING NA KO ASAN NA???"
"HAHAHAHAHAHA"
Napaupo siya ng diretsyo at sabay kuha nung tinidor. Wala pang ilang minuto, linamutak na nya yung spaghetti, kinawawa narin nya yung chicken.. hayyy grabe naman kumain to pero syempre mahal ko eh wala na ko magagawa hahaha
Isa na yun sa mga nagustuhan ko sakanya
BINABASA MO ANG
Engaged to my bestfriend : Hold On To Me (COMPLETE)
AcciónNasa panganib ang buhay ng matalik kong kaibigan na si Deanna.. dahil sa gulo na ginawa ng kaniyang mga magulang eh siya na ang nasangkot sa kalagitnaan. Isa lang ang solusyon para maayos ang lahat, at para ay wala nang makaapi sa kanya.. Yun ay...