Chapter 3 : Midnight texts

1.1K 22 0
                                    

Deanna's POV :

"salamat sa pag hatid ahh"

"hahaha matic na yun! ikaw pa ba"

Pabirong sinabi ni Daneil. Masaya tong araw na to haha, nag bonding kami ng bestfriend kooooo 

"uy anong oras na ah, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay neil habang kami ay naglalakad papunta sa harap nung bahay ko. Umiling siya.

"hindi pa, may dadaanan ako saglit sa may pet shop para kay kiro"

Napatango naman ako sa sinabi nya. "Sige sige basta uwi ka agad pagkatapos"

Ngumiti siya at sabay inabot sakin yung bag ko sabay kamot sa ulo. Bakit kaya hindi pa to umaalis? baka mapano siya sa daan eh alastres na ng madaling araw jusko delikado na.

"sure ka bang may pet shop pang bukas? 3am na o"

"haha sure ako! uhm.. sige alis na ko haha"

"buti naman at naisipan mo yan tsk delikado na, umuwi ka na kaya?"

"di pa.."

Umiling ako sabay hug kay neil at gulo sa buhok niya. "woy babaeng to! tangina hirap hirap kaya mag ayos ng buhok!"

"Sira ulo walang titingin dyan anong oras na ba sa akala mo??"

Binuksan ko na yung gate namin at pumasok sa loob nung sumama papasok si Daneil. 

"sus! mas babae ka pa sakin ah!"

"waw tomboy ka kasi!"

Inirapan ko nga

bwiset to, ako? tomboy??

"EH KUNG SAPAKIN KAYA KITA DYAN" sabay tulak sa kanya palabas ng gate.  Nagawa pa niyang tumawa, tsk loko talaga to! "HAHAHAHAHA WAG KA MAINGAY! pag si tita nagising lagot ka!!"

"ikaw sisisihin ko pag napagalitan ako abno! lumayas ka na nga!"

"hahaha goodnight panget!!'

"ANONG PANGET"

Babatukan ko na sana si neil nung tumawa siya ng malakas sabay takbo papaalis. Di ko na naiwasang ngumiti sa kalokohan niya. Sira ulo talaga bestfriend ko haha.

Sinara ko na yung gate at nilock ito bago ako pumasok sa bahay namin. pag pasok ko ay derederetsyo na ako sa kwarto ko nung biglang nag vibrate cellphone ko. Nilabas ko agad ito at chineck kung ano meron.

PING! You have a new message!

3:38am Dandan : uyyy ang ganda mo dito o HAHAHA

[picture ni deanna na nakatingala sa fireworks.. next time ko na ilalagay pag nakahanap ako digital artist hahahaha]

Pinicturan niya ko? Hala kala ko naman... tsk yun talaga! nagalit pa ko sakanya, hay nako.. sinungit sungitan ko pa naman... 

Tinitigan ko yung picture kong sinend nya. Bakit parang ang sikip ng dibdib ko? di naman ata masikip bra ko ah.. bat nakakaramdam ako ng ganito?

PING! You have a new message! 

3:40am Dandan : tulog ka na ba? ang lamig dito huhuhu

[picture ni daneil na naka upo sa isang bench ng park]

Nagulat ako nung nakita kong nasa park siya, yung park kung san kami nagkakilala. Ano nanaman trip netong ugok na to at napadpad siya jan? puta rami ko nakaaway jan eh.

3:40am : hoy ano ginagawa mo jan?? umuwi ka na nga!

3:40am Dandan : wala lang hehe nakakamiss lang balik balikan 

3:41am : balik balikan mo pag umaga na abno nakikita mo ba yung oras hah??

3:41am Dandan : oo hahaha di lang ikaw yung may cellphone!

3:41am : ewan ko sayo! pupuntahan kita teka lang

3:42am Dandan : uy wag na! delikado, malayo layo pa naman to sa inyo

3:42am : eh kung ikaw nga nakapunta jan ng mabilis eh ako pa kaya?

3:42am Dandan : gaga nakakotse ako diba? matulog ka na! uuwi narin ako

3:42am : o sige sige, matutulog na ko. Basta umuwi ka na! di ka naman pumuntang petshop eh

3:43am Dandan : hahaha may bukas bang pet shop sa ganitong oras? syempre joke lang yun!

3:43am : GANUN DIN YUNG SINABI KO EH!!! EWAN KO SAYO GOODNIGHT

3:43am Dandan : UMAGA NA TANGA HAHAHAHA

Nakakainis talag tong lalaking to, pero kahit papaano mahal na mahal ko yan hehe parang kapatid ko na si neil eh! 

Ever since mga bata pa kami, siya yung pinaka unang naging kaibigan ko. Siya din yung tanging tao na hindi umalis sa buhay ko. Sa buong buhay ko, people come and go. Aalis at aalis rin yung mga kaibigan mo, lahat sila magbabago.

Si Daneil hindi, andito parin siya sa tabi ko hanggang ngayon. Nagpapasalamat ako sa kanya at hindi siya tulad ng iba, hindi siya nang iiwan. Blessed na blessed ako dyan sa bestfriend ko! mabait, gago, gwapo, matalino! talented pa hahaha

Siguro kung di ko siya bestfriend, magiging crush ko yan haha kaso hindi pwede! bestfriends forever ihh hehe. At may sumusuyo na kasi sakin ngayon. 

Mas lalong hindi pwede

Anyway, mas ok naman siguro na manatili kaming magbestfriends diba?

teka

bat ko ba to iniisip?

di naman magiging kami ahh...

bakit nga ba?

Engaged to my bestfriend : Hold On To Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon