Chapter 9 : Pangangambala

720 11 0
                                    

Deanna's Pov

Natapos na ang last subject namin at for the first time, excited na akong umuwi. Ayoko sa amin pero ngayon parang sabik na sabik na ako umalis sa school na to.

So Jericho kasi medyo nakakailang na. Oo pogi siya at siguro para sa iba ay napakaswerte kong babae dahil ako ang nilalapitan nya.

Pero iba naman lahat tayo ng opinyon, kung sila akala nila masarap sa pakiramdam na sinusundan sundan ka ng isang pogi na tulad nya, para sakin hindi.

Tuwing nandyan si Jericho ay  kinakabahan ako. Nung una oo, kinakabahan ako dahil may itsura siya at napahiya ko ang sarili ko sa harapan niya.

Pero through out the day yung kaba na yun, nung una ay maayos lang naman na pagkakaba. Pero habang tumatagal yung kaba ko, parang hindi na tama.

Kaba na para bang may binabalak siya na masama.

Binaba ko na yung eraser ng blackboard sa may lalagyan neto at nag pagpag ng kamay habang naglalakad papunta sa pwesto ko.

Feeling ko may nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita kong nag tetext si jericho, nakaupo sa pwesto nya na nasa harapan ko.

Hindi nya naman ako tinitignan..

Naglakad ako ng mabilis patungo sa pwesto ko sabay hablot ng bag at nagmadaling lumabas sa classroom na iyon.

On the way out ay nakasalubong ko si Neil na may hawak hawak na mga libro. Para siguro kay Ms. Helena.

"O ean, nag mamadali ka ba?"

"Ahh eh.. o-oo uhm.. pwede bang mauna na ako? May kailangan pa kasi ako gawin eh.."

Sabi ko sa kanya habang sinusundan ko ng tingin si jericho na nakaupo parin sa upuan nya. Pero this time, nakatingin siya samin.

Kinilabutan ako.

" okay lang naman, pinapauwi rin naman agad kasi ako ni mama eh.. bakit ba, okay ka lang ba?"

Tumango nalang ako at nag lakad papalayo, papunta sa hallway at pababa ng hagdan.

Kailangan ko ata lumayo muna kay jericho.. masama ang pakiramdam ko sa kanya..

---

Daneil's Pov

Binaba ko yung mga libro na buhat buhat ko sa may taas ng teachers table.

Ni isang minuto ang lumipas na di naalis si Ean sa isip ko. Mukhang takot na takot siya kanina.. pero bakit?

Napatingin ako kay Jericho at pansin kong di na naalis ang atensyon nya dun sa cellphone nya. Kahit sa klase hindi na siya natigil sa kakatext.

Pabalik na ako sa upuan ko para kunin na yung bag ko nung may nag ring.

Cellphone ni Jericho ata

Sinagot nya eto habang hawak hawak ang bag at naglalakad palabas ng room, nag mamadali.

Saktong paglabas nya, yung akin ay nag ring din. Si mama tumatawag na..

"Daneil ano na, pauwi ka na ba?"

"Uh.. ano ma.. palabas pa lang po ako ng room"

Kinuha ko na yung gamit ko sabay takbo palabas ng classroom namin. Nagsimula na ko maglakad patungo sa hagdan.

"Dalian mo, yung taong ipapakilala ko sayo malapit na dito"

"Ipapakila? Sige po.. sino po ba yan ma?"

"Basta! Makikilala mo naman siya mamaya eh, sige na ingat ka sa daan hah"

"Opo ma"

Binaba ba nya yung call at nakalabas narin ako ng campus. Nakita ko yung driver namin sa harap ng gate kaya napatakbo na ako papunta sa kanya.

"Tara na po sir Neil?"

"Sige na kuya di ata mapakali si mama eh hahaha"

"Ehh ganun na nga po"

Pagpasok ko sa kotse, tinext ko agad si Ean kung nakauwi na ba siya. Hindi pa siya nag rereply kaya medyo nag alala ako.

Ano kaya gumagambala sa kanya? Parang takot na takot siya kanina..

Si jericho ba yung problema?

------

Lumipas ng ilang oras ay nasa tapat na ako ng bahay namin at papasok na sana nung nag vibrate yung phone ko.

5:36pm Ean : slr! hehe nalowbat aku ihh sorry :P

Napangiti ako sa kanya. Ang cute nya talaga huhuhu pero pinag alala ako ng gagong to tsk.

5:37pm : sira ulo ka sana nag text ka muna habang di ka pa lowbat. Nag alala ako sayo ng sobra

5:37pm Ean : sige na! May gagawin pa ko hehe babuuuush

Di matanggal ang ngiti ko sa aking mukha dahil sa babaeng yan. Lagi nalang neto ginugulo yung isip ko huhuhu ayaw nya umalis.

Binuksan ko na yung pintuan namin at pumasok sa loob, dun lang nawala yung ngiti ko nung nakita ko kung sino yung katabi ni mama sa sofa.

Gumuho na ata ang mundo ko, magdadala nanaman ng kamalasan itong taong to sa buhay namin.

"Ma.. anong ginagawa ng lalaking yan dito?"

Kung kelan mapayapa na si Deanna.. bakit ngayon pa siya bumalik?

Engaged to my bestfriend : Hold On To Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon