Chapter 13 : Asan ka na ba..

705 9 0
                                    

Deanna's Pov


Isang oras na nakalipas.. Wala parin siya..

Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay namin, nilolock yung gate nung narinig kong may tumatawag sakin. "Deanna!"

Nung nalock ko na yung gate, tumalikod na ako at hinarap kung sino man yung tumatawag sa akin. Bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko kung sino yung nakatayo sa harapan ko.

"Goodmorning~" Nakangiti na bati ni Jericho sa akin. Hindi ko na maiwasang di ngumiti pabalik. "Goodmorning din! bat andito ka?"

Tanong ko sa kanya at naglakad na siya papalapit sa akin, nakauniform na at lahat. Ano kaya kailangan niya? may nakalimutan ba siya sa bahay namin?

"Eh since magkapit bahay lang naman tayo, naisipan kong sabayan ka sa pag pasok sa school. Yun lang ay kung okay lang sayo..?"

Medyo nahiya naman ako dun. Ano kaya iisipin ng iba? Kasama ko papasok sa school yung poging new student?

"W-wag na! ano- kasi... kasi si Daneil yung kasama ko pag pasok eh! siya naman yung lagi kong kasama" Pag explain ko sa kanya ngunit nawala yung ngiti sa mukha nya at napalitan ng simangot.

"Siya lagi mo kasama? eh bat mag isa kang umuwi kahapon?"

Teka pano niya alam yon?

Napatitig lang ako saglit sakanya bago napabugtong hininga. "Busy daw kasi siya, may aasikasuhin sa bahay nila"

Tumango lang siya. "Malelate na tayo at mukhang di na siya pupunta dito, ako nalang mag hahatid sayo sa school" Tuluyan na siyang nag lakad papalayo at papunta sa sang sasakyan na ngayon ko lang napansin na nakapark pala sa harapan ng bahay namin.

"Uy! teka, marunong ka mag drive?" Tanong ko agad sa kanya. Ayoko pa mamatay no! 

Tinitigan niya ako na parang loka loka na nakawala bago tumawa ng malakas. Tangina neto just making sure lang naman eh, tuwang tuwa si gago o.

"Oo haha marunong ako! sira ulo, pano sana ko magkakakotse kung hindi diba?"

Oo nga naman.. Inirapan ko siya bago sumunod patungo sa sasakyan nya. "Pumasok ka nalang nga hahaha" Sabi nya sa akin.

Pinag buksan niya ako ng pinto at nag thankyou ako ng mahina. Nakakapanibago naman, masyado na ata akong nasanay na si Daneil yung laging nag hahatid sakin..

Pumasok na ako at umupo sa tabi ng drivers seat. Sinara na ni Jericho yung pinto sabay takbo papunta sa drivers seat bago tuluyang isinara yung pintuan nya.

"Soooo nagawa mo ba homework mo?"

Tanong nya sakin habang inistart nya yung engine ng sasakyan. "Oo naman hahaha ako pa ba? Madali lang naman kasi"

"Sus anong madali? Ang hirap hirap kaya!!"

Tumawa nalang kaming dalawa at nag start na sya mag drive.

Habang nasa daan, hindi nawala sa isip ko si Daneil. Bakit kaya hindi nya ko sinundo ngayon? Ganun ba siya kabusy? Sana manlang nag text siya para di na ko nag hintay..

"Uy wag ka nang sad! Happy lang dapat haha ano ba iniisip mo? Ang lalim ata"

Napatingin ako kay Jericho at ngumiti

"Ahm.. Wala wala! M-may project kasi kami sa extra classes ko, nag iisip lang ng ideas"

Tumango nalang siya at nag focus ulit sa pag dadrive. Tumingin ako sa labas saglit at nung lumiko na kami, bumunyag samin yung traffic.

"Luh traffic pala dito shet malelate tayo nito eh"

Sumimangot siya sa mga kotse na nakaharang samin nung may tumawag sa cellphone nya. Inilabas nya ito at tinignan yung caller I.D.

"Deanna wait lang ah? Sagutin ko lang to"

"Sige lang baka importante"

Ngumiti siya at sinagot yung telepono.

"Hello? Bakit? Papasok na ko school"

Yung ngiti sa mukha nya ay biglang nawala at pumalit ay isang seryosong mukha. Naalala ko yung reaction nya kagabi.

Ang seryoso nya bigla

"Sige sige. Mag ingat kayo, text nyo ko agad kung buha- kung okay pa siya"

Binaba na nya yung cellphone nya at itinabi sa pocket nya. "Sorry ah? May nangyari kasi sa kamag anak namin"

"Ahh sige lang. Okay lang ba sila?"

Natulala siya saglit pero nag salita rin. "Oo, okay lang sila.. Yung.. Kamag anak hindi"

Para bang may mali sa tono ng boses nya pero hindi ko na pinansin yun.

Tinignan ni Jericho yung mga nag kumpul-kumpulan na kotse sa aming harapan, may mga tao na nag sisitakbuhan dun sa pinaka harap.

"Ano sa tingin mo meron? Banggaan?"

Ngumiti siya. Yung nakakatakot na ngiti bago nya iniatras yung kotse nya at nag u-turn bago mag drive ulit, papalayo sa aksidente.

"San na tayo dadaan ngayon? Late na ata tayo"

"Hindi yan! May short cut ako wag ka mag alala hindi tayo malelate"

Bumalik na yung masiyahin na Jericho at nag drive na kami.

----------

Andito na kami ngayon sa school. Lunch time na at buong araw ay wala akong balita kay Daneil. Absent pala siya ngayon, wala rin siyang text sakin or missed calls.

Hindi siya ganito normally so medyo nag aalala ako. Ang kasama ko ngayon ay sila Angelica at Kenneth, pero syempre hindi kami kumpleto kung wala si Neil.

Asan ka na ba?

Engaged to my bestfriend : Hold On To Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon