chapter 5 : new student?

1K 16 4
                                    

Daneil's POV

Nakalipas na ang dalawang araw bago matapos ang valentines day, noong valentines day din nag start ang school namin. Ewan, parang ang late nga ng pasukan namin eh... bahala na hahaha!

Wala pa si Deanna, sabi nya kasi mauna na daw ako't may kailangan lang siyang ipasa sa teacher namin. Gusto ko sana siyang samahan kaso sabi nya wag na daw at kaya na nya mag isa

ulul di ako na hurt don no

di talaga

oo na puta medyo nasaktan ako dun

Eh kasi naman, matagal na kami magkasama nung bebe labs ko. Alam nyo yung feeling na naattach ka na masyado kaya nakasanayan mo na rin na lagi mo siyang kasama sa lahat ng bagay? ni di mo na alam kung pano or ano yung feeling pag wala siya sa tabi mo?

ganun ako tuwing di ko kasama si Deanna

Tinignan ko yung orasan, 7:20 na... 8 pa naman yung start ng class. Ngayong third day na magsisimula yung lessons sa lahat ng subjects. Usually sa third day din pumapasok ang mga late nag enroll kaya medyo hectic talaga tuwing third day. First to second kasi is when kinikilala namin ang isa't isa.

Syempre di ko na kailangan kilalanin si Deanna

Naurat na ko kakaupo sa kinaroroonan ko kaya naman tumayo na ko at napagpasyahang hanapin si Ean. Tinago ko muna yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko at nag lakad papalabas ng classroom.

Pagkalabas ko ng room, medyo marami rami narin namang mga tao kaso di naman sa puntong di ko na makikita si Ean. Pero syempre, wala naman siya sa labas. San na kaya yung bruhang yon?

Naglakad lakad ako sa mga hallway, tinitignan ko yung mga mukha nung mga kaschool mate kong di ko naman kilala. Di ko sila kailangan kilalanin.. kahit si Deanna lang kilala ko sapat na.

Habang nag lalakad ako, nagulat nalang ako nung may nakabangga akong estudyante. Medyo bad mood na ko kasi wala parin si Deanna kaya nairapan ko yung lalaking nakabangga ko.

"Men tumingin ka naman sa dinadaanan mo" Maangas kong pag sabi sa kanya. Luh bat ganto ako? ano meron?

"uy sorry pre may hinahanap kasi akong classroom eh"

Napapikit ako at napailing. Para ka naman timang neil eh, naliligaw na nga yung tao susungit sungitan mo pa?

Deanna nasa utak na ata kita.. ganyan na ganyan yung sasabihin mo o, kung andito ka nga lang. "sorry tol, medyo bad trip kasi ako ngayon eh. Anong grade mo ba?"

Napakamot ako sa ulo sabay tingin sa kanya, wala na yung masama kong tingin. "Ay ano.. grade 11 na ko men, ikaw ba?"

"grade 11 din haha patingin nga ng placement slip mo-"

"PUTA KENNETH NUBA LUBAYAN MO NGA KO HANGAL!!"

Sabay kaming napatingin sa direksyon nung ingay at sakto, sa tinig nya palang alam ko na agad kung sino yun. Kung sino yung nagsisisigaw habang may hinahampas na lalaki, kung sino yung mukhang leon na nakawala.

Yung anghel ko nag balik na

"TANGINANG TO EH KUNG DI KA BA NAMAN KASI GAGO"

Tinignan nung lalaki si Deanna at mukhang naguguluhan sya. "aga aga naman ang ingay non, sino ba yun tol?"

"ahh.. haha bestfriend ko yan. hayaan mo na, tuwing umaga maingay talaga yan"

Tinignan namin dalawa si Deanna. Si kenneth; isa sa mga kaibigan namin ay nakayakap nanaman sa braso ni Deanna.

Ako? selos? HAHAHHAHAHAHAHAHA oo. sobra.

Napairap ako kay kenneth ngayon at medyo nakakatampo lang. Ako dapat yun eh, bat siya yung nakahalandusay sayo? :(

"ay nga pala, ako si Jericho. sa section B ako"

Inalis ko saglit yung tingin ko kay kenneth at hinarap siya.
Lagot ka sakin mamaya kenneth papaluhurin kita sa mga munggo inamo.

"uy sakto! kasection kita men, techvoc ka din ba?"

"Ay hindi pre ano ako eh.. humss"

kunyari di apektado

kunyari masaya

kunyari di nag seselos

dun sa kaibigan kong bakla

Engaged to my bestfriend : Hold On To Me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon