TLOHB? Chapter 13: Suspicious

18 2 0
                                    

TrueLove or HeartBreak? Chapter 13: Suspicious

Lindsey Louise Park's P.O.V.

Back to school na naman hayy. Nakasakay ako ngayon sa kotse namin at papunta ng school. Himala nga at maaga akong nagising ngayon eh. Hindi rin kasi ako makatulog kagabi. Nung bakasyon ni isang text o tawag mula kay Adrien wala akong natanggap. Nakabalik na akong Pilipinas at lahat wala man lang akong narinig mula  sa kanya. Wow ganon na ba ka-mahal ang tawag sa ibang bansa? Sigurado naman akong afford nya yun, sa yaman nya ba naman? Pero kahit ganon hindi ko magawang magalit o mag-tampo man lang.

Naga-alala na ako sa kanya. Baka mamaya ano nang nangyare sa kanya. 

Tumigil na ang kotse. Tiningnan ko ulit yung phone ko para i-check kung may message na ba galing sa kanya.. Wala pa rin hay. 

Lukot na naman ang mukha ko nang pumasok sa bagong room ko. 4A. Palagi naman akong section-A eh wala namang bago kaya hindi na ako tumingin pa sa bulletin board. 

'Woo parang ang lakas ng aircon ah?' 

Tsk.

Humanap ako ng mauupuan nang may biglang umakbay sa akin. Liningon ko agad dahil akala ko si Adrien kaso hindi tskk. Si Yael lang pala.

"Oh best friend wag ganyan pumapangit ka. Bakit na naman ba? Wala pa rin bang paramdam yan magaling mong boyfriend?" Wow hindi ba dapat siya ang tinatanong ko about dito? 

Inirapan ko nalang siya pero umiling din kalaunan, "Hindi ba obvious?" iritang tanong ko sa kanya.

"Obvious na obvious nga.." sagot naman niya, "Mukha pa lang alam na eh." bulong pa niya. Agad ko naman siyang binatukan, "Akala mo di ko narinig ah? Bwisit ka dun ka nga!" taboy ko sa kanya. Tawa naman siya ng tawa. Lakas talaga makapang-asar. 

Umupo na ako sa bandang gitna. Ayoko sa likod andun yung mga majo-jondi. Ayoko rin sa harap andun yung mga half sipsip half plastik sa madaling salita --dakilang mga straw.

 Dito sa gitna hindi masyadong kapansin-pansin. Okay na ko dito. Napansin kong bakante yung upuan sa left side ko pati yung isa pa sa dulo. Yung third side ko naman may bag na nakalagay. Bale 4 seats kami sa line namin. 

Nakita ko si Yael na nilagay yung bag niya sa bakanteng upuan sa tabi ko, "Bakit ka nandito? Allergic ako sa mga pangit." Sabi ko sa kanya sabay irap. Nakaka-badtrip naman kase sobra. Hindi bat magka-banda sila? Oo may banda sila. SE7EN. Akalain nyong kasama pala si Yael dun. Hindi halata kasi ang ga-gwapo ng mga ka-band mates niya. Nakakapagtaka talaga pano siya nakasali dun. 

"Last time I checked, mas pangit ka sa akin." Sabi niya sabay smirk. Tss nanga-asar talaga to eh.

"Kelan yung last time na yan? Nung hindi pa tayo binubuo?" Tinaasan ko naman siya ng kilay. Leche talaga tong isang to. Nananadya.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa cellphone ko at nag-dalawang isip kung ite-text ko na ba si Adrien o hahayaan ko siyang mauna. Lalo pa siya ang may kasalanan sa akin.

Pero bandang huli hindi ko rin kinaya kaya nag-type na ako ng message sa kanya.

-

To: MyLoveSoSweet

Hoy. Hinahanap ka ni Ma'am Gozun sakin asan ka ba? Tsk.

Sent 07:48 AM

5 minutes. No reply.

10 minutes. No reply.

15 minutes. "Good morning class." pumasok si Ma'am Estazia -- and adviser namin at first subject, sa room namen at inilapag ang dalang gamit sa table niya.

True love or Heart break?? [GOT7][A-PINK][BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon