TrueLove Or HeartBreak? Chapter 12: We Meet Again
0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0
Lindsey Louise Park's P.O.V.
Humiwalay ako sa pagkaka-yakap kay Yael saka sya pinagmasdan. Wala namang bago sa mukha niya! As usual.. "Pangit pa rin.." Naiusal ko.. Napa-ismid naman siya! Haha!
"Wow ah! Ang ganda mo naman! Nahiya ako sayo!" Biro nya..
"Hahahaha! Syempre! An'tagal ko nang maganda ngayon mo lang nalaman? Haha!" Tawa ko sa kanya at nakitawa naman siya sa'kin. "Grabeh ah! Hanep ka na ngayon sa self confidence! Ay nga pala.." Sabi naman niya na parang may natandaan.. Naks! Makakalimutin na si bespren! Haha!
"Mmm?" Tanong ko sa kanya.
"Yun nga pa lang ka-'DATE' mo! Anyare na kaya sa kanya?" Tanong niya pa na talagang pinagdi-diinan yung word na 'DATE' saka siya nag-smirk sa'kin. Hinampas ko naman siya pabiro sa balikat at saka sumagot, "Ewan ko! Part of me nagui-guilty dahil di ko siya nasipot AT DAHIL YUN SA KA-SHUNGA-HAN MO! Hmmp!" Sabi ko at tumalikod sa kanya habang naka-cross arms.
"WOW AHH!! SORRY NAMAN! Di ko kasi alam eh! Sorry ah, tao lang ako, nagkakamali rin!" Sabi niya sabay pout! Awsus! Pa-pout pout pa di naman cute.. Gwapo lang. Haha!
"Teka nga! Sino ba yang ka-date mong yan?" Tanong nya. Tss. Chismoso talaga kahit kailan.
"Hmm.. Parang mas maganda kung makita mo muna sya saka ko na sya ipapakilala sayo. Tara dali! Baka nandun pa rin yun naghihintay!" Sabi ko saka ko sya hinila para lumabas na..
Nang may maalala ako..
"Teka! Saan ba yung labasan dito?" Ang tanga ko talaga kahit kailan!
"Tss! Tara nga!" Sabi nya at siya naman yung humila sa akin. -_-
~~~~
At ngayon nandito na ako sa loob ng kotse ni Yael habang tinuturo kung saan yung daan papunta sa coffee shop. Sana talaga nandun pa si Akie. Nakakahiya rin kasi talaga baka sabihin niya in-indian ko siya.
"Huy babae, hindi ba sila yun?" Bigla akong kinalabit ni Yael at napalingon naman ako doon sa tinuro niya. Niliitan ko yung mga mata na maliit na talaga para makilala kung sino yung mga naka-grupong lalaki at may isang babae sa may side ng daan. At nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita ko si Akie at si Nicole doon. Teka ba't andiyan silang dalawa? At sino yung mga kasama nila? Nagulat ako ng bigla silang businahan ni Yael at nakita ko naman kung paano sila napa-tanga sa parating na kotse.
Inihinto ni Yael yung kotse.
"Hoy, dyan ka lang muna. Mamaya ka na bumaba kapag tinawag na kita. Pa-suspense muna tayo ahh. Tutal hindi pa alam ni Nicole na nandito ka." Nginitian ko siya at saka bumaba ng kotse.
At feeling ko sasabog na ko sa pagpi-pigil ng tawa ng makita ko yung mga gulat at epic faces nila lalo ba sila Akie, Nicole at yung isa pa.. Pasensya di ko alam ang pangalan nya. At hindi ko rin alam kung bakit gulat na gulat siya nung makita ako.
"BABAITA!!!"
Halos mapa-takip ako sa tenga ko nang biglang sumigaw si Nicole at tumakbo sa akin para sabunutan, hampasin at yakapin ako. Aray ko! Ang brutal talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Nakita ko ngang nagulat yung mga kasama ni Akie at si Akie mismo sa ginawa sa 'kin ni Nicole. Natawa naman ako ng mahina. I guess ngayon lang nila nakilala si Nicole kaya ganyan ang mga itsura nila. Sanay na kasi kami sa kanya eh pati na rin si Yael.
BINABASA MO ANG
True love or Heart break?? [GOT7][A-PINK][BTS]
FanficA story of a broken hearted girl who finally finds her truelove! 0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0 This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in...