12: Abc Girls Vs Jella

641 14 3
                                    

Chapter Twelve: Abc Girls Vs Jella

Jella's POV

Nakakahiya yung pag Sleep Over ko sa bahay nila kurt.

Si tita celene kasi mapilit.

Nung nag umaga hinatid din ako ni Alvin..

Ngayon , may pasok na It's Monday.

Ang bilis ng panahon noh? Noon mahal ko pa siya Ngayon Hindi na.hahaha jowk!

First Period namin walang ginawa .. wala yung teacher namin. Ewan kung bakit.

Sayang lang yung pag effort ko na nagreview tapos bigla lang pala na hindi natuloy.. Mga paasa din yung mga teachers no? Hahaha

"Talaga jella? Alam mo na yung bahay nila Kurt?" -aly

"Tsaka may second name siya?" -bea

"Wahh!! Buti ka pa. Malaki ba yung bahay nila?" -aly

"Tsaka kamusta yung pag bisita mo doon?"-bea

Kinwento ko kasi sa kanila yung pagpunta ko sa bahay nila kurt. Tsaka ngayon tinatadtad nanaman nila ako ng mga tanong nila...

"Ano ba ! Isa isa lang huh? Mahinang kalaban.. alam ko naman talaga yung village pero hindi ko lang alam na bahay pala nila kurt yun. Yes , may second name siya. Kurt Alvin Yung true name niya. Malaki naman yung bahay nila . Tsaka okay lang naman .. Maasikaso sila sa mga bisita nila." Sabi.. nakakapagod mag salita huh?

"Ahhhh" sabay nilang sabi.

"Wala ba tayong class?" Tanong ko
"Naboboring na ako dito. Tsaka gusto kung kumain. Hindi ako nag break fast kanina." Sabi ko.. promise nagugugom talaga ako.

"Guys, sabi ni ma'am pwede na tayong mag recess"

"Wala pa kasi daw yung subject teachers natin "

"May emergensing ginagawa"

"Wohooooo"

"Taralets!!"

Sabi ng mga classmates namin. Hays sana sinabi nalang nila na walang pasok para naman hindi na kami nag effort magising ng maaga .. wala din naman palang magagawa.

Uyyy , reklamadora ang lola niyo.

Naglakad na kami papuntang canteen... pagkatapos naming bumili dumeretso kami sa garden. Madami nanamang tao sa canteen ngayon .. buti pa sa garden hindi masyadong madami ..

Umupo kami sa damuhan .. malinis naman kasi.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkainan ng biglang may sumugod samin na Tatlong clown. Gosh! Ano bang ikinagagalit nila at panay ang gulo ang hinahanap nila?

Kinuha niya yung buhok ko at hinila. Tatlo sila . Si aly at bea naman pinipigilan sila..

"Hayop ka! Sabi ko sayong hindi pa tayo tapos. Kaya ngayon gaganti na ako sa pag papahiya mo saakin" sigaw niya.. ang sakit ng paghila niya. Magulo na yung buhok ko tuloy

Tinulak ko sila kaya napaupo sa damuhan ang leader nila.

"Don't call me Hayop. Wag mong ipangalan sakin yang pangalan mo!" Sigaw ko habang tinuro turo siya
" Ano bang problema mo sakin at nang aaway ka? Huh? " sigaw kung sabi

Tumayo siya at hinarap ako "alam mo ba yung ginawa mo last week? Yun! Ipinahiya mo ako sa madaming tao. Pasalamat ka nga at may nag save sayo kaya hindi na kita pinatuloyan pa. Tsaka sayang lang yung ganda ko kung mapapagod lang ako sa taong papatayin ko"

Tinaasan ko siya ng kilay "last week? Sa pagkaka alam ko hindi kita pinahiya! Sinabi ko lang ang totoo! Tsaka sana pinatuluyan mo na din ako ng sa ganon detention din ang tuluyan mo." Agh! Nakaka asar siya. Sino ba siya para awayin ako? Ayoko na talaga ang mga pinag gagagawa nila. Pagod na akong magtimpi. Ngayon lalaban na ako. Ang kapal maganda daw? Eh make up lang ang nagpaganda. Maldita mode na ang lola niyo.

My Fiance is my Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon