17:Nakakailang

1.4K 16 0
                                    

Chapter Seventeen:Nakakailang

Jella's Pov

8:30 na ng nagising ako.. ewan ba at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.. baka kasi kainin ako nung nilalang na kasama ko.

Pagkabangon ko , wal na si azi sa couch. Tapos may iniwan siyang text .

I'm going to dad's office
May ipapagawa lang ata.
Nagluto na ako. Kumain kana
lang ..

Alam niya palang magluto? Tsaka , ganon ba talaga ang ginagawa niya kapag weekends? Nagpupunta siya sa office nila tito kian.

Bumaba agad ako at tumonggong kitchen.  Sa lamisahan may mga natakpan ng pagakin doon. May mga bacon,omelet,hotdog at may fried rice pa.. Magaling din pala siya sa pagluluto.

Pagkatapos kung kumain , napagisipan kung mag mall muna at bumisita sa bahay.. nakakamiss sila eh

Nagtaxi ako .. alangan naman na maglakad ako eh medyo malayo.

Naglibot libot lang ako. Bumili na din ako ng favorite kung siomai at sushi. Sa bahay ko nalang iyon lulutuin. Namiss ko ding kumain ng ganon eh.

Bumili na din ako ng clothes ko..may nagandaham ako eh kaya binili ko nalang..

Pagkatapos kung mag shopping dumeretso na agad ako sa bahay. Kila mom.

Bumungad naman sakin si kuya Evo .. siya ang panganay. Tapos si Roubie . Ang bunso.. na miss ko din yung kakulitan niya.

"Ate jella!" Sabi niya at niyakap ako

"Uy , miss mo ko no?" Tanong ko at kumalas na sa yakap namin

"Hindi . Nakakailang lang kasi wala na yung prinsesa sa bahay na ito. Haha" sabi niya

Kung pwede nga lang sana na wag nalang magpakasal eh .. sana naging madre nalang ako .. tsaka gusto ko pang tumira dito.. mamimiss ko yung mga ala-ala ko dito..

Uy hindi naman sa nagpapaalam ako. Hindi ako mamamatay!

"Tsaka yung mapagmahal, caring at pasaway na prinsesa. Kailan kaya uli titira dito?" Sabi naman ni kuya Evo

"Grabe kayo ! Okay na eh.. sinama mo pa yung pasaway kuya. Hahaha"

"Hahaha.. ano okay ka lang ba doon? Inaalagaan kaba ni azi? Naku! Ingatan ka niya dahil nag-iisang kapatid ka namin na babae , mawawala pa" -kuya evo

Si kuya talaga. Napakacaring din. Actually silang lahat. Tsaka napaka strikto nila pagdating sakin.

"Kuya , I'm Okay. Wag kang mag-alala.. i can handle myself .. don't worry, walang mangyayari saking masama"

Walang mangyayari dahil wala ng makikialam.. wala ng pakialamanan.

"Basta , bumisita ka dito pag may time ka huh? Study hard !"

"Yup"

"Tsaka bakit ka napadalaw ate?"
-roubie

"Gusto ko lang makita kayo. Bawal ba? Tsaka I'm Jiluhan.. wala akong kasama.. wala si azi." 
(Jiluhan-bored)

"Uy si ate , nag-aaral ng korean!"

"Ano ba ? Makisabay kana din sa uso roubie. Tsaka eodiseo mom and dad?" Napansin ko lang.. wala sila eh.. baka business nanaman.    (Eodiseo-where's)

"Uhm actually , pupunta silang Tagaytay..  may imi-meet na client daw" sagot ni kuya evo.

"Ahh. Si kuya ace?"

"Nasa condo ata.. " sagot naman ni roubie.... kasi kapag weekends eh nandito sa bahay sila kuya .. kaso si kiya ace ang wala.

"Ahh.." tipid kung sagot.. at umupo na din sa couch.

Nakakamiss talaga dito kahit isang araw palang akong nawala. Nakakailang din naman kasi .

Una, Same room kami ni azi. Pwede namang two rooms eh.. anong gusto nila at sila nalang palaging nasusunod? Mga magulang nga sila pero di porket magulang sila eh nagagawa na nila lahat! Paano na din naman kaming mga anak nila na gusto ding magdesisyon sa mga bagay bagay.

Pangalawa, si azi. Sillyehabnida ?  Ayoko nga sa kanya .. sa dinami dami ba naman kasi ng tao sa mundong ito , bakit siya pa ? Yung ayaw kung makita ! Yung enemy ko. Yung ....agh! Ang gulo nang buhay ko. (Sillyehabnida-excuse me)

Pangatlo yung kasal.. seryoso ba talaga sila sa mga kalokohang plano nila? Were teens. Wala pa sa tamang edad para sa mga ganyan... Tsaka hindi pa nga kami graduated eh kasal na ang nalalaman..

Kaya talaga nakakailang na ! Kung pwede nangang magpakamatay nalang ...

Sana ginawa ko nalang .. kahit ngayon pa.

Kaloka talaga!

************************************

My Fiance is my Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon