PROLOUGE
Alexandra's POV
"AHHHH!!! Layuan mo ako! ayoko na! lubayan mo na ako" paulit-ulit ko yan sinasabi habang natakbo.
Napapagod na ako katatakbo, parang walang katapusan yung tinatakbuhan ko. Wala akong makita kundi ang kundi mga puno at ang daan na wari'y walang katapusan.
Pagod na pagod na ako. Nararamdaman ko na ang unti-unting pag bagal ng takbo ko hanggang sa bumagsak ako sa gitna ng daan.
"Alexandra" sabi ng babaeng naka-uniporme. Papalapit na sya hanggang sa ilang hakbang nlng ay tuluyan na syang makakalapit saken!
" Wake up sleepy head! Wake up sleepy head!"
Nagising ako sa tunog na yan.
Panaginip. Isa na namang di magandang panaginip. Lagi ko syang napapaginipan, hindi ko alam kung bakit lagi syang nasa panaginip ko.
"Ya! Alexandra! Bakit pawis na pawis ka?" Sabi ni Clarisse.
"Oo nga! Bakit pawis na pawis ka?" Sabi naman ni Dianna.
"OMG!!! What was that?" Nagulat naman kami sa pagsigaw ni Angel. At napamura nalang ako sa isip ko ng malaman ko ang dahilan ng pag sigaw ni Angel.
Puro dugo yung bed sheet ko. May period ako! Hayy.
"Dianna! May pad ka pa ba?" Tanong ko.
"Oo. Kunin mo nalang dun sa drawer ko" Sabi nya.
"Salamat" Yun nalang at pumunta ako sa drawer nya at kinuha yung pad at dumaretso na ako sa CR.
By the way, Ako si Alexandra G. Valdez. 15 yrs. old, 4th year HighSchool sa Heaven University.
At yung tatlong babae kanina. Mga ka-room-mate ko.
Maka-ligo na nga.
---
A/N: Hi! Bago lang ako at first story ko po. Hope you like it po :)
~ SakuraTakano♥
BINABASA MO ANG
Heaven University: Special Section (Book 1)(on-going)
Mystère / ThrillerWala po akong ilalagay na brief description. Basahin nyo nalang po, baka po magustuhan niyo :) ~SakuraTakano♥