Chapter 1

149 3 0
                                    

Alexandra's POV

Naglalakad na ako papuntang room ng mapatingin sakin yung ibang estudyante.

Ano pa nga ba ang aasahan mo? Taga-special section ako, ang hinahangaan at pinapangarap na section ng lahat.

Isa lang akong scholar dito sa HU at dito nga ako napapunta sa special section. 1st year highschool palang scholar na ako dito. Wala eh, di naman kami ganun kayaman tsaka may mga dorm na dito sa loob ng university kaya lakad nalang at sagot naman nila yung mga dorm.

Sa kaka-kwento ko sa inyo, di ko namalayan na malapit na pala ako sa room.

Nung nasa tapat na ako ng pinto ng room ay pumasok na ako.

Wala pa si Maam Janine.

Kahit wala pa yung  teacher namin ay ang tahimik pero may konti naman na nag kkwentuhan yung iba lang talaga ay mahilig magbasa ng libro o di kaya ay nag d-drawin o di kaya ay nakasalampak yung mga earphones sa tenga nila.

"Goodmorning students"

Napalingon ako sa unahan ng may magsalita. Si Maam Janine pala.

Naka-poker face ito na palagi naman na iyon talaga ang mukha! Ni-hindi pa namin nakikita na ngumingiti sya, o di kaya naririnig na tumatawa. Wala syang pinapakitang emosyon pero napaka-galing nya magturo.

"Class! We have a quiz! Be ready. You have 15 minutes to review" Malamig na usal nya sa amin.

Kinuha ko na yung notebook ko tungkol sa pinag-aralan namin kahapon lamang.

Makalipas ang 15 minutes nagsimula na nga ang quiz namin. Medyo may kahirapan yung tanong nya pero nasasagot ko pa naman.

Hanggang sa natapos na ay ipi-nass na namin yung papel namin.

"Class! Malapit na ang final's natin. Kailangan nyo mag review ng maiigi lalo na sa subjects ko. Are we clear?" Maam Janine

"Yes Maam"

"Louder!!"

"Yes maam!!!"

"Good! Okay bibigyan ko kayo ng mga rereviewhin nyo" Maam Janine

At may isinulat nga sya tungkol sa mga subject na hawak nya sa amin. Yun ay Math , Science , at History.

Kaya wala kaming nagawa kundi ang isulat nalang ang mga iyon.

-----

A/N: Hello! Uhh.. kung napapansin nyo, wala syang cover photo! Di po kasi ako marunong gumawa!

Uhm.. kung sino po marunong, pakisabi nalang po saakin at kung pwede mo mag papagawa ako. Thank you :)

Heaven University: Special Section (Book 1)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon