Kyle's POV
Bar
8:30 pm
Di na ata sya pupunta. Haist! Kanina pa ako lingon ng lingon sa entrace pero kahit anino nya wala. Pero hindi hindi... pupunta sya! pupunta sya! Siguro naghahanda palang, maaga pa naman. Oo! Tama! Baka nag hahanda palang.
9:15
Haist. Di na ba talaga sya pupunta?
Lumingon ulit ako sa entrance at nagulat ako and at the same time ay natuwa ako. Dahil nakita ko sya na malapit sa entrance na nakatayo habang nakatingin saakin. Kasama nya si Angel
Lalong gumanda si Alexandra ng mag-ayos sya. Maganda din naman si Angel pero para saakin si Alexandra pa din ang maganda. Inlove na nga siguro ako sa kanya ^___^
Tinawag ko yung kasamahan ko at sinabihan ko sya muna. Pumayag naman sya kaya dali-dali akong bumaba at pinuntahan sila.
"Buti naman at nakapunta kayo" Sabi ko ng naka-ngiti.
"Syempre naman. Sooo~ LETS PARTEEEEEH!" sigaw ni Angel.
Napatawa naman kami ni Alexandra.
Niyaya ko sila sa dance floor. At kung nagtataka kayo kung bakit kami nakakapasok dito sa bar, eh minor-de-edad pa kami? Dahil kakilala ko yung may-ari nito.
Nang maka-punta kami sa gitna ng dance floor ay sumayaw kami hanggang sa mapagod. Binigyan ko sila ng alak, nung una ayaw pa ni Alexandra pero pinilit namin sya hanggang sa ininom na nga nya. Pagkainom nya napa-ngiwi sya mukhang di sanay pero habang tumatagal ay mukhang nasasarapan na sya. At parang nalalasing na din sya.
Nagtaka ako ng bigla bigla itong napatigil sa pag inom at nanlalaki pa ang mata nito na parang nakakita ng kung ano man.
Maya-maya pa ay luminga-linga ito sa paligid. Nag aalala na ako kaya hinawakan ko ang magkabila nitong balikat at tinanong ko.
"Huy! Ayos ka lang?" Tanong ko.
Nung mapatingin to saakin ay kumalma sya pero bigla ulit syang naging un-easy at di na sya saakin nakatingin kundi sa likod ko.
Lumingon ako sa likod ko pero wala naman ako ibang makita bukod sa mga taong sumasayaw.
Humarap ulit ako kay Alexandra, magtatanong sana ulit ako kaso bigla nalang sya nawalan ng malay.
Nataranta ako kaya tinawag ko si Angel kaso masyadong malakas yung tugtog kaya tumingin ako sa taas at kinawayan ko, nung nasa akin na yung atensyon nya ay sinenyasan ko na hinaan muna ng kaunti yung tugtog at ginawa naman nya kaya tinawag ko na si Angel.
"Angel! Si Alexandra. Tulungan mo ako" Sabi ko
"Hala! anong nangyari Kyle?" Tanong nya
"Hindi ko din alam, dahil siguro sa kalasingan" Ako
"Sige sige! Uwin na kami" Angel
"Gusto mo ba na samahan ko na kayo?" Suhestyon ko
"Naku! Wag na. Kayo ko na to' sige bye na" Sabi pa nya
"Uhh Sige ingatan mo sya ha! At ingat ka din"
Yun nalang at umalis na ito. Sinenyasan ko ulit ying DJ na ayos na kaya lumakas ulit yung tugtog.
Ano kaya ang nangyari kay Alexandra? Di ko pa din malimutan yung parang takot na takot nyang ekspresyon. Haist!
----
Vote
Comment
~SakuraTakano♥
BINABASA MO ANG
Heaven University: Special Section (Book 1)(on-going)
Bí ẩn / Giật gânWala po akong ilalagay na brief description. Basahin nyo nalang po, baka po magustuhan niyo :) ~SakuraTakano♥