Chapter 9

43 1 0
                                    

3rd Persons POV

Habang busy ang mga taga special section sa pag sagot ay may isang tao naman ang nakatitig lang sa kanyang test paper.

Nakatitig lang talaga sya , ni-hindi nya nagalaw ang test paper nya , kahit pangalan o date manlang ay wala.

"Manuel"

Nanigas ang binata sa kanyang kinauupuan.

Maya-maya lamang ay unti-unting umitim ang gilid ng test paper nya at tanging yung gitna nalang ang natirang hindi umitim.

Kung naninigas lang sya kanina , ngayon naman ay parang dumoble ang paninigas nya at sobrang laki na ng mata nya.

Habang nakatitig sya ay parang may nabubuong imahe ng isang babae at lumalabas ang ulo nito mula sa papel at sa isang iglap lang ay kaharap na nya ito ay kitang kita nya ang mapupula nitong mga mata.

"AHHHHH!!!" sigaw nito ang lumayo mula sa upuan at lamesa nya kung nasaan ang kanyang papel.

Nilapitan ito ni Sir. Castro at hinawakan sa magkabilang braso.

"Manuel! Manuel! Anong nangyari? Manuel!" Bahagya pa nito tinapik-tapik ang pisngi nito.

Nung tumingin ang binata sa gurong lalaki ay tumigil ito pero bigla itong napatingin dun sa malapit sa pulso nya at meron duon mga sugat , Napakaraming sugat.

Napatingin din si Sir. Castro sa tinitingnan ng binata at nagulat sya sa nakita nya at hinawakan ang kamay nito.

"Saan mo ito nakuha, Manuel?" Sir. Castro

"S-sya. S-sya ang-g guma-awa nito-o-o" Manuel

"Sinong sya?" Sir. Castro

Pero isang parang batang hagikgik lang ang itinuran sa kanya.

Habang ang ibang estudyante sa SS ay nakatingin lang pero halata sa mukha ng mga ito ang kagustuhang malaman.

Maya-maya lamang ay lumabas na si Sir. Castro kasama si Manuel na ngayon naman ay parang walang nangyari.

-----

Vote

Comment

~SakuraTakano♥

Heaven University: Special Section (Book 1)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon