Chapter 6

58 1 0
                                    

Alexandra's POV

9:00 am Tuesday

"Urgh.. Aray"

Ang sakit ng ulo ko parang pinupukpok ng isang daang martilyo. Tsk.

Anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan at literal na lumaki ang mata ko.

9:03 am na! Eh 7:00 am ang simula ng class ko. Haist! sobrang late na ako. Mamayang hapon nalang ako papasok.

Tumayo ako habang hawak hawak ko ang ulo ko. Sobrang sakit talaga! Ito ata yung tinatawag nila na hang-over. Hinding hindi na ako iinom kahit kailan. Tsk

Napatingin ako sa maliit na laemsa dito sa dorm namin, may sulat!

Kinuha ko yung sulat at binasa.

------------------------------------
Alex nag iwan ako ng pagkain at gamot para sa hang-over. Ingat ka jan ha! Nauna na kami nina Dianna! Ako nalang pati ang mag e-excuse sayo kay Maam Janine at sa iba pa nating teacher. Mamayang hapon ka nalang pumasok. Bye muwah muwah :* :*

                             Angel na maganda
-----------------------------------

Natawa nalang ako pagkatapos ko mabasa dahil sa kalokohan nya. Tiningnan ko yung may takip, at meron ngang pagkain at gamot.

Pagkatpos ko maghilamos at kumain ay ininom ko na din yung gamot kaya medyo nawawala wala na nga yung sakit.

Dahil wala naman akong magawa ay nilinis ko nalang yung dorm namin.

Maliit lang sya, pagka-pasok mo ay makikita mo agad ay isang lameaa na maliit at yung carpet tapos makikita mo din yung dalawang double deck tapos mga drawers at yung dalawang malaking electrec fan. Kapag naman tumingin ka sa kaliwa ay makaka-kita ka ng isang pinto at yun ay yung CR at katabi nung CR ang maliit na lababo na may lagayan ng pinggan at isang malaking lagayan ng tubig.

Ganyan lang sya kaliit pero para sa amin malaki na to!

Nang matapos ako mag linis ay napatingin ako sa orasan.

10:25 am na! Tutal wala na naman yung sakit ng ulo ko ay nag review nalang ako.

Nang mag sawa na ako kaka-review ay iniligpit ko na ito at humiga.

*You have a new message*

Napalingon ako sa CP ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sinong nagtext pero unknown number e.

------------------------------------
Fr: 0949*******
To: 0929*******

Hey! Ayos ka na ba?

~Kyle
-----------------------------------

Si Kyle lang pala. Hayy. Ano nga ba tlga ang nangyari kagabi?

Flashback

Umiinom ako ng binigay ni Kyle na alak. Hmm.. Masarap sya! Nararamdaman ko na din na parang tinatamaan na ako nung alak.

"Alexandra"

Napatigil ako sa pag-inom ng biglang may bumulong saakin.

Parang biglang bumalik ako sa huwisyo ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko.

A-ang boses-s na y-yun.

H-h-hindi-i m-maaari-i t-to-o!

Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin ang may ari ng tinig na yun. Maya-maya ay nakaramdam ako ng parang may humawak sa magkabilang balikat ko. Tinignan ko ito at nakita ko si Kyle.

Nakalma ako ng makita ko sya pero bigla ulit ako kinabahan ng marinig ko na naman ang boses nya at paulit-ulit na pag tawag nito sa pangalan ko.

Napatingin ako sa likod nya at nakita ko na naman ang babaeng laging gumugulo sa panaginip ko.

Walang pinag bago. Naka-uniporme ito ng HU , Naka-takip sa mukha nito ang kalahati ng buhok nya kaya kalahati lang ng mukha nya ang kita ko , mapupula ang mata nito , nangingitim ang labi nito , ang mukha nya medyo ma-violet , at sa tabi ng mukha nya ay may mga bakat ng ugat.

Nakakatakot ang mukha nya.

Lumingon din si Kyle na parang hinahanap yung tinitingnan ko. Nung hindi nya makita ay lumingon to saakin pero saktong paglingon naya ay ang biglang paglapit ng mukha nito sakin na nakanga-nga.

At bigla nalang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko na bumagsaka ako pero may sumalo.

End of flashback

*Ring Ring Ring*

Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang pag tunog ng CP ko hudyat na may tumatawag saakin.

Pagtingin ko sa screen ay yun ulit unknown number, na nag ngagalang Kyle.

"Hello?" pag sagot ko

[ Hello? Alexandra!! Bakit di ka nag reply? Papasok ka na ba mamaya? Masakit pa ba ulo mo?] sagot nung nasa telepono, which is si Kyle nga!

"Uhh.. ok na naman ako, di na masakit ulo ko. Tsaka papasok na ako mamaya." ako

[ *sigh* Sorry.. Dapat di na kita pinilit uminom e. Ayy hanga pala, ano ba nangyari sayo kagabi at parang nakakita ka ng multo nun?"] Tanong nya

"Ha?! ano... wala akong m-maalala-a na g-ganun... Ba-a-ka gawa lang yun ng a-alak" Pagsisinungaling ko, Di talaga ako sanay na mag sinungaling.

[ Oh sige! bbye na. Ingat ka jan ha! Tsaka malapit na naman mag labasan eh! malapit na ulit kita makita]

Bigla naman ako namula sa huli nyang sinabi..

[ hello? hello? Alexandra... Nandiyan ka pa ba?]

"H-ha? uhh. o-oo, Sige bbye"

[ Bye! I love you!]

Bago pa man ako makapag-tanong kung bakit nya sinabi yun ay naputol na ang tawag..

B-bakit ganun? Ang bilis ng tibok ng puso ko?

Haist.. 11:45 am na nung tumingin ako sa orasan.

1:00 pm ang start ng class namin, madami pa akong oras para maligo at mag ayos. Sa canteen nalang ako kakain ng lunch.

-----

Vote

Comment

~SakuraTakano♥

Heaven University: Special Section (Book 1)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon