Chapter 7

46 1 0
                                    

Alexandra's POV

12:30 pm Tuesday

Naglalakad na ako papuntang canteen nang maka-salubong ko si Manuel.

Napaka-weird nya. Lalapitan mo lang sya lalayo na sya, parang ayaw nya na nahahawakan sya pero kahit na weird sya na parang baliw ay matalino sya.

Magaling sya sa klase.

Kasali sya sa SS.

Di ko namalayan na sinusundan ko na pla sya ng tingin, nagulat ako ng bigla itong lumingon saakin kaya naalis ko yung tingin ko at binilisan pa yung lakad ko papuntang canteen.

"Dalawang rice at 3 fish fillet po at isang malamig na tubig din po ate" Sabi ko agad pagdating na pagdating ko sa Counter ng canteen.

Pagkalipas ng ilang minuto ay binigay na sa akin yung tray na may lamang pagkain na in-order ko.

Humahanap ako ng mauupuan ng may biglang sumigaw.

"Alex! Alex! Alex!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling yung sigaw at ayun nakita ko si Angel na nakatayo habang winawagay-way ang dalawa nyang kamay at ang lapad lapad ng ngiti.

Napailing nalang ako habang na-ngingiti-ngiti. Ang baliw lang kasi nya, kung maka-sigaw akala mo taga palengke!

Nang makalapit ako ay umupo ako sa tabi ni Angel nasa una ko naman si Clarisse at Dianna. Taga 1st section sila. Kami lang dalawa ni Angel ang taga-SS

"Oh ayos na ba ang pakiramdam mo Alex? Ano ba kasi ang nangyari?" Clarisse

So? di nila alam ang nangyari kagabi?

"A-ah w-wala-a" Nakaka-dalawa na akong pag sisinungaling ngayon araw.

"Okay" Sabi ulit ni Clarisse.

"Uh... hanga pala si Kyl---" naputol ang sasabihin sana ni Dianna ng may bigla na naman sumigaw.

Srsly?! Nasa palengke ba kami?

"Alexandra!!"

Titingin pa sana ako ng biglang may yumakap saakin. Pagka-bitaw nya ay lumingon ako at si Kyle pala.

"Kamusta ka?" Kyle

"Uh? Kakausap lang natin kanina sa Cellphone, remember?" Ako

"Oo nga" Sabay ngiti nito ng malapad.

"Ang weird mo. Para ka nang si Manuel" Pag-singit ni Angel sabay halakhak

Bigla namang nawala yung ngiti sa labi ni Kyle at sumimangot.

"Tsk. Ang gwapo ko naman dun" Kyle

"Hah!! San banda?" Angel

"Di mo ba nakikita? Itong mapupungay na mga matang to , ang matatangos na ilong na to , at itong maninipis at mapupula kong labi , ang makinis kong mukha , at ang maganda kong katawan. Hah! Ayan!" Gatol naman ni Kyle sa sinabi ni Angel

"Woah! Guys kumapit kayo ang lakas ng hangin. Sheet! Bagyo na itoooo" Sarcastic na sabi ni Angel sabay irap.

Natatawa nalang ako sa pagtatalo nila. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa relo ko at 12:42 na pala kaya binilisan ko pagkain ko sabay inom.

"Pangit" Sigaw ni Angel kay Kyle

"Mas pangit ka" Gatol naman ni Kyle

"Ikaw" Angel

"Ikaw kaya" Kyle

"Okay tama na! Ilang minutes nalang mag sisimula na ang klase, Kaya tara na!" Awat ko sa kanilang dalawa na parang may kuryente na ang mga tingin na ibinibigay sa isa't isa.

"Tara na nga Clarisse, Dianna! Pabayaan nyo na nga yan" Sabi ko sa kanila. Sabay alis namin sa table na yun.

"Oyy tekaaa! Alexandra myloves, hintaaaay!!!" rinig ko pang sigaw ni Kyle.

-----

Vote

Comment

~SakuraTakano♥

Heaven University: Special Section (Book 1)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon