Get Ready Little Miss Manhater
Camille
Oras na ng labasan kaya maraming estudyante ang nagkukumpulan at nagsisiksikan sa may gate ng school na halos kabubukas lang ni kuyang guard kani-kanina lang. Kasabay ng ibang estudyante ay nakipagsiksikan na rin ako para makalabas but unlike them di ako desperadang lumabas para makagala it's just that I have a lot of works to do, projects and assignments exactly. Habang naglalakad ako I heard a voice calling my name.
"Camille?" sa sandaling iyon ay napalingon para tignan kung kaninong boses ba ang naririnig kong tumatawag sa aking pangalan at mukhang hindi ako nagkamali sa aking iniisip kung sino ang dakilang manliligaw ko, I gave him a question look like saying 'what'. Hinihintay kong magsalita siya pero mukhang napagod siya sa kakahabol sa akin kaya heto nahihingal siya.
Until sa makahinga siya I asked him again
"Bakit?" Walang anu-ano'y hinila niya ako, he did not even bother to look at me kahit na nagpupumilit akong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya wala akong nagawa kaya hinayaan ko na lang hanggang sa tumigil kami sa isang park na malapit lang ng lugar na kinalalagyan ko kanina. ."Camille, gusto ko sanang sabihin sayo na mahal na mahal kita, that I'll do everything para lang patunayan sayo kung gaano kita kamahal hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa." Panimula niya while me, I just give him a confusing look.
"Camille, for the third time that I'll be asking and doing this things to you again, sana this time makuha ko na ang matamis mong oo na inaasam ko." Dagdag pa niya. And for the nth time he proposed to me again napansin kong marami ng tao ang nasa paligi namin at kinikilig sa ginagawa ng manliligaw ko.
"Camille, Will you be my girlfriend?" at that moment na binanggit niya yung 5 words na yun lumabas rin yung ilang tao na may hawak ng mga illustration board na nakasulat per words and even the question mark meron with matching balloons both sides and stuff toy na malaki tapos siya heto hawak yung bulaklak na inabot sa kanya. Yung mga tao sa paligid na kanina'y maingay ngayon ay nanahimik at tila ba nag aabang ng sagot ko kagaya niya.
Napangiwi ako dahil ang cliché naman madaming gumawa na nito at nagviral sa internet at heto siya mukhang balak makiuso at sumama sa ganun dahil may ilan ilan ditong nagvivideo sa amin. Kung isa lang ako sa mga tanga dito sa mundo baka kanina pa akong umo-o diyan eh kaso di ako isa sa kanila kaya sorry na lang siya at dapat magpathank you siya kasi mapapasama siya sa mga sikat at magvaviral sa internet sa gagawin ko.
"No" matipid kong sagot sa kanya. Labis na nagulat ang lahat sa akin isinagot ko sa kanya. Gulat at pagkadismaya ang karamihan sa mga naging reaksyon ng mga tao sa paligid kani-kanina lang ay tuwang tuwa at kilig na kilig pa sa ginawa niya sa akin.
"P-pero bakit?" He asked.
"You already know the answer Draco." I answered him.
"Ano yun? Dahil ayaw mo lang? Pero Camille mahal kita alam mo yan for 3 years that I've been courting you please say yes for me." mangiyak ngiyak siyang nakikusap sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa para sa kanya pero hindi, ayoko siyang paasahin.
"Hindi ko kasalanan yun Draco, ikaw ang pumili nun at first sinabi ko na sayong ayoko but you still chose to stay kasi akala mo nagpapakipot lang ako well in fact ayoko naman talaga." Sabi ko sa kanya habang siya patuloy pa rin sa pag iyak.
"Tsaka Draco tama na, tama na ang kabaliwan mong to kasi for the longest time pinili mong masaktan Draco, hinayaan mong umabot sa ganito ang lahat." dagdag ko pa marahil ay naiinis na siguro kayo sa ginawa ko sa kanya dahil sa public place ko siya ginanto, ano bang magagawa ko eh yun lang ang alam kong pwedeng gawin kesa naman sa umoo ako para lang wag siyang mapahiya, ayoko lang siyang paasahin.
Akmang maglalakad na ako paalis ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako at tumingin sa kanya.
"I will not let you go hanggang sa mabigyan mo ako ng Concrete answer sa tanong ko, hindi ko hahayaan na pakawalan mo ang isang katulad kp because I believe that I deserve someone like you--no I mean I deserve you actually." Kalmado at seryosong sabi niya.
"No, you don't deserve me, even me, I don't really deserve you isang pruweba na siguro tong nangyaring ito. Napahiya ka na sa harap ng maraming tao at nasaktan ka pa and it's all because of me." paliwanag ko sa kanya.
"Hindi na mahalaga kung ikaw ang rason ng pagkakapahiya ko kung ang kapalit naman nito ay ang maging tayo. " Determinado talaga siya at seryoso sa akin pero kahit ganun hindi pa rin ako natalaban ng mga salita niya.
Huminga ako ng malalim para lang pakalmahin ang sarili ko dahil sa pagkainis.
"Draco! Listen to me, there are three reason why I don't want." Napakunot naman siya ng noo at tumingin siya sa akin at tila nag aabang ng kasagutan mula sa akin.
"I'm not at a lesbian nor Bisexual but the first reason is I HATE MEN!
second I REALLY HATE MEN!
third I REALLY REALLY REALLY HATE MEN!" sabi ko sa kanya. Well I guess nasagot ko ang tanong niya. Akmang aalisin ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit lalo pa niya itong hinigpitan.
"Then why?" He asked.
"MEN ARE CHEATERS, MANIPULATOR,LIARS, ETC.. " taas noo kong sagot sa kanya. Lalo naman siyang napakunot ang noo habang ang mga tao sa paligid especially yung mga lalaki na todo react dahil sa narinig nila sa akin.
"Kung yan ang paniniwala mo Camille wala akong magagawa, sabihin mo na ang mga masasakit na salita sa aming mga lalaki pero hindi yan rason para tigilan kita. Camille I really really love you so much." Sabi niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at this time masama na ang tingin ko sa kanya.
"Manhater ako bruh! Anong aasahan mo sa akin na sagot yung two letters? Oo two letters din ang sagot ko sayo. N-O, No No No. Naiintindihan mo ba yun?" Inis na paliwanag ko sa kanya.
"Tama pala sila" napakunot naman ako ng noo sa kanya at tila ba nag aabang ako ng kanyang mga sasabihin.
"Your really holding the title of a Manhater. Madami ka na daw pinaiyak na lalaki dahil sa mga pangrereject mo sa kanila at pagpapahiya mo sa kanila, ang iba pa nga sa kanila ay inabot ng bugbog sayo well lucky me dahil hindi mo pa ginagawa yun sa akin. Truly, your Little Miss Manhater and I guess I fell in love in you sa bad. " tumawa pa siya pagkakasabi nun.
"Well Little Miss Manhater let's see if you're still a Manhater. Inspite of what happened today Camille I will not stop, palalambutin ko yang matigas mong puso at babaguhin ko yang paniniwala mo sa mga lalaki." He said at nag smirk pa siya. Hinila niya ako papunta sa kanya dahila para maout of balance ako at masalo niya, isa pa nakayakap na siya sa akin
"Get ready Little Miss Manhater..." bahagya siyang tumigil at inilapit ang kanyang mukha sa akin at saka ngumisi "dahil mamahalin mo pa AKO."
--End of Chapter 1--
BINABASA MO ANG
Little Miss Man Hater
RomanceDue to her experiences with men namuo ang galit at bitterness mula sa kanya puso. Magmula nang iwan si Camille Nuevo ng tatay niya, lokohin siya ng boyfriend niya at iwanan siya ng walang paalam ng kababata niya ay hindi na sya nagkaroon pa ng tiwa...