And Let the Game BeginsCamille
Habang nakatulala at nakatitig lang sa kanya ay hindi ko namamalayan na kanina pa pala niya akong pinapasakay sa motor niya. Wala na akong nagawa kung hindi sumakay.
"Humawak ka sa bewang ko" utos niya.
"Hindi na-"
"Hindi pwede mahihirapan ako sa pagdadala nitong motor kaya humawak ka sa bewang or yumakap ka." pagputol niya sa aking sasabihin.
"Bakit sa bewang di ba pwede naman sa Balikat?" Tanong ko sa kanya. Kahit di siya nakatingin sa akin nakita ko siyang umiling bilang tanda na hindi ito pumapayag.
"Medyo masakit ang parteng yan kaya pasenya na sa bewang ko na lang" wala na akong nagawa pa kung hindi hawakan ang waist niya.
Mabilis niyang pinaandar ang motor na siya namang dahilan kung bakit ako napayakap sa kanya and take note mahigpit pa.
"Can you please slow down" mautal-utal kong pakiusap sa kanya pero imbes na bagalan ay mas lalo pa nitong binilisan. I tried to shout one more time pero tila isang hangin lang ang presence ko sa kanya dahil sa pinanatili niya ang bilis ng sasakyan niya. Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya sa takot na baka malaglag ako.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay isang pamilyar na sasakyan ang nakita kong halos kasabay lang naming tumigil sa tapat ng bahay ko. Nakita kong bumukas ang pintuan mula sa driver's seat nito at iniluwa ang isang pamilyar na lalaki.
Bahagya akong natigilan nang marealize ko kung sino ang lalaking lumabas mula dun sa sasakyan. Nakita ko siyang ngumiti nang mapadako ang tingin siya sa akin. Dala-dala ang isang boquet ay nagsimula siyang maglakad patungo sa direksiyon ko. Nang magkatapat na kami ay inabot niya sa akin ang bulaklak.
"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong sa kanya bago pa tuluyang mag init ang ulo.
"I'm here to win you back" Deretsahan niyang sagot sa akin.
"Win me back? Are you out of your mind?!" Hindi ko na napigilan pagtaasan siya ng boses.
"Yes I am! At gagawin ko ang lahat to explain myself to you at para patunayan sayo kung gaano kita kamahal." He answered
"How many do I have to tell you to stop fooling around? Na kahit anong gawin mo hinding hindi na ako sayo makikipag balikan. Renz for pete's sake please tigil-tigilan mo na to dahil sa huli wala ka rin magagawa kung hindi sumuko." Naiinis kong sinabi sa kanya. Sa totoo lang isang malakung impact sa pagbabago ng buhay ko ang mga panloloko niyang ginawa sa akin. He made me like this so anong ineexpect niya-na matapos niyang mag enjoy sa babae niya ay makakabalik pa siya sa akin? How could he!
"No matter what you said. Murahin mo ko or what hindi ako titigil na suyuin ka kahit anong mangyari." He said.
"Pre tama na. Wag mo nang guluhin si Camille pa. Hayaan mo na siyang mamuhay ng tahimik. " sabat naman ng kasama ko na kanina pang nanahimik dito sa likuran ko.
"At sino ka para makielam sa amin ha?! Manliligaw ka ba ni Camille ha?!" Maangas na tanong ni Renz.
"Eh ano naman sayo ngayon?!" Humakbang naman pauna si Vince para magkatapatan ang dalawa. Pareho silang nagsusukatan ng tingin sa isa't isa na tila ba ay naghahamon ng away. Ramdam mo ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Pwede bang tumigil na kayong dalawa!" saway ko sa kanila pero hindi pa rin sila nagpatinag at patuloy pa rin sila sa pagsusukayan ng tingin sa isa't isa. Sa inis ay naglakad na ako palayo pa sa kanila dahil sa wala rin namang pumapansin sa akin ay hahayaan ko na lang silang magpatayin diyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/65641225-288-k996711.jpg)
BINABASA MO ANG
Little Miss Man Hater
RomanceDue to her experiences with men namuo ang galit at bitterness mula sa kanya puso. Magmula nang iwan si Camille Nuevo ng tatay niya, lokohin siya ng boyfriend niya at iwanan siya ng walang paalam ng kababata niya ay hindi na sya nagkaroon pa ng tiwa...