Ex
Camille
Patuloy pa rin ako sa paglibot dito sa Cafeteria sa paghahanap ng mauupan upang magsimulang kumain pero mukhang minamalas pa ata ako puno ang loob ng cafeteria, napairap na lamang ako kaya naman naglakad na ako palabas upang dumiretso sa may garden dito sa school. Kung nagtataka kayo kung wala ba akong friends dito sa school, meron naman. I have three friends here at school kaso mga busy ngayong araw palibhasa yung isa class president, yung isa naman may klase pa, at yung isa for sure lumalandi pa.
Nang makarating ako sa garden ng school ay agad akong dumiretso sa may parang cottage para maupo at makakain ng maayos since may table naman din dito. Nagsimula na akong sumubo habang nakatingin sa kawalan nang maramdaman kong mag tumabi sa akin kaya naman napatingin ako sa may gawing kaliwa ko kung saan ito nakapwesto.
"Hi Best" Bati niya sa akin ng may ngiti sa labi habang ako naman ay walang kaemo-emosyong tumingin sa kanya.
"Nga pala ito nga pala yung gatas mo oh pinaabot ni Tita sayo." Masigla pa nitong saad pa nito sabay ipinatong sa mesa kinuha ko na lang ito at saka ibinalik ang atensyon ko sa pagkain. Imbes na umalis na siya pagkatapos maibigay ang padala ni mama ay inilabas pa niya ang pagkain niya at saka nagsimula na ring kumain at habang nakain eh panay ang pagkukwento niya sa akin na kung anu-anong bagay. Kung nagtataka kayo kung sino tong nasa tabi ko, siya nga pala ang anak ng kaibigan ni mama at since magkapareho kami ng school siya rin ang nagsisilbing tagabantay ko 'daw' dito sa school.
"By the way gusto ko pa sanang magtagal dito kaso may gagawin pa kasi ako Amy kaya mauna na muna ako." Sabi niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang ulo ko at biglang ginulo ang buhok ko na siya namang ikinagulat ko. Kaya naman napatingin ako sa kanya habang naglalakad na siya palayo sa akin at sa hindi inaasahan nakita ko siyang lumingon ulit sa may gawi ko at kumaway pa ng may ngiti sa labi at saka ibinalik ang atensyon sa paglalakad.
---
Aish! Sa inis ko ay nasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang sakit ng ulo sa dami ng pinagagawa sa amin dito sa School yung tipong hindi mo na alam kung anong uunahin.Sa ngayon ay nandito pa rin ako sa classroom at tinatapos yung pinasusulat sa amin na short story sa Filipino. Ang hirap maging studyante kahit may baon ka araw-araw tambak ka naman ng mga gawain school work na nga dito, school work pa rin sa bahay.
"Camille patapos ka na ba?" Tanong sa akin ng kaklase kong Maria na siyang nakatoka sa pagpapasa nitong gawain na ito.
"Malapit na." sagot ko naman sa kanya sa habang nakatingin sa brown paper ko at sinusulat ang huling isang pangungusap ko sa kwento.
"Pwede bang ikaw na lang ang magpasa nito kay sir Kailangan ko na kasing umuwi eh may lakad kami ni mommy ngayon eh malelate na ako." pagmamakaawa niya sa akin at dahil sa mabait namab akong classmate ay tumango na lang ako sa kanya na siyang ikinatuwa niya naman.
"Sige sige salamat ng marami bawi na lang ako sayo sa susunod" sabi niya sa akin sabay hablot ng pag niya at halos tumakbo na sa pagmanadali. Napailing naman ako kasi muntik na siyang madapa sa pagmanadali. Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone sa bulsa ng jogging pants ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. Si Lucy di makakasabay sa akin ngayon dahil may emergency daw sa bahay nila na kinailangan niyang umuwi ng maaga kaya naman mag isa na naman akong uuwi at sanay na naman ako dun kasi before naman kami naging magkakabarkada ay sadyang umuuwi na ako mag-isa. Nagreply na lang ako sa kanya ng okay.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at kinuha iyong bag ko na nakalagay lang sa tabi ko. Saktong paglabas ko ng pintuan ng classroom ay biglang bumungad sa akin ang lalaking matangkad na dala-dala ang kanyang bag na wari ko ay paalis na rin siya napatigil siya sa harapan ko at sandali akong napatitig sa kanya at ganun rin siya sa akin, maya-maya lang ay sumilay ang isang ngiti mula sa kanya mga labi, yung ngiting niyang walang kupas at noon pa man ay nakikita ko sa kanya, yung ngiting kanina'y pinakita niya sa akin habang kumakain kami sa garden.
"Amy pauwi ka na ba?" tanong niya sa akin na ngayon ay di pa rin nawawala ang ngiti.
"oo" matipid kong sagot sa kanya habang ako nama'y nagpakita ng blankong ekspresyon sa kanya. Tumalikod na ako at maglalakad na sana ako kaso bigla niyang nahawakan ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Sumabay ka na sa akin dala ko motor ko" He said at sana'y maglalakad na habang hila ako ngunit pinigilan ko ito at mas pinilu kong magstay sa kinatatayuan ko.
"Ayaw kitang kasabay." Deretsahang sinabi ko sa kanya. As I look at him his smiley face becomes emotionless because of what I've said but still he chose to hold me.
Sinubukan kong iwakli ang aking kamay ngunit sadyang malakas siya sa akin mahigpit siyang nakahawak sa aking kamay ngunit kahit ganun ay hindi naman ito masakit. Hindi niya ako pinansin at hinila na niya ako mula sa kinatatayuan namin hindi na ako nakapang laban ba pero sinabi ko sa kanya na dadaan muna kami ng faculty room upang isubmit to sa aming guro.
Nang makarating sa parking lot ay kinuha niya ang helmet at akmang kukunin ko na sana ito pero mabilis niya ito isinuot sa ulo ko kaya wala na akong nagawa pa rito habang sinuot na rin niya ang helmet. Patuloy ko lang siyang pinagmanasdan at napansin kong sa loob ng ilang taong pagkakahiwalay ng landas namin ng Ex Bestfriend kong si Vince ay maalaga pa rin ito, nagsisilbi pa rin siyang isang nakakatandang kapatid sa akin, ganun pa rin siya isang palangiti at masiyahin pero kahit ganun di ko maiwasan na madamay siya sa galit ko sa mga lalaki bakit ba kasi pati siya nadamay nung araw na nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki? Dahil ba sa nung mga oras na umiiyak ako wala siya at sa pakiramdam ko ay iniwan niya ako sa ere?
O dahil sa siya kasi yung kahuli huling lalaking sinaktan at iniwan ako...--End of Chapter 3--
![](https://img.wattpad.com/cover/65641225-288-k996711.jpg)
BINABASA MO ANG
Little Miss Man Hater
RomanceDue to her experiences with men namuo ang galit at bitterness mula sa kanya puso. Magmula nang iwan si Camille Nuevo ng tatay niya, lokohin siya ng boyfriend niya at iwanan siya ng walang paalam ng kababata niya ay hindi na sya nagkaroon pa ng tiwa...