CHAPTER 8
HOME SWEET HOME
Pinuntahan ko agad ang Hospital na sinabi ni Stefania kung saan naka-confine ang Papa ni Melanie.
nagulat nalang ang kuya at Papa nya nong pumasok ako ng room nito. Nagkataong pinauwi si Melanie sa bahay nila para kumuha ng mga papeles para sa Philhealth ng Papa nya kaya pati ako nagulat na rin sa nadatnan ko.
“Magandang hapon po”
‘Sino po sila?” – Tanong ng kuya Cedric ni Melanie
“Kaibigan po ni Melanie, may dala po akong prutas para sa inyo”
“Kaibigan? Ikaw? Hahaha salamat iho, maupo ka muna” – Melanie’s Papa
“Asan po si Melanie?”
“Pinauwi muna ni Papa at may aasikasuhin lang. Cedric Rosal pala pare” – Cedric
“Luke Isidro pare”
“Mukhang nakita na kita, hindi ko lang matandaan kong saan. model ka siguro pare” – Cedric
“Hehehe. Kamukha ko lang siguro. kamusta na po kayo tito?”
“eto okey na at nagpapagaling na at magbibirthday yung anak ko. Saka nga pala iho punta ka sa makalawa sa bahay. May konting handaan lang sa birthday ng bunso kong anak.”- Melanie’s Papa
“Sige po. Maasahan nyu po”
“Aasahan naming yan hah.Tanong mo nalang iho kay Cedric kung pa’no ka makakapunta sa bahay”
“Sige po! Paumanhin po pero hindi na po ako magtatagal. Kelangan ko na yatang umuwi”
“Mag iingat ka iho.”
“Sige pare ingat ka”
Inihatid ako ng kuya ni Melanie sa labas at nagkausap ng konteng minuto at napag usapan ang direksyun ng bahay nila.
<MELANIE’S HOUSE>
Maaga akong pumunta sa bahay nila Melanie dahil 7 to 9:30 lang ang klase ko at wala akong pasok ng hapon kaya dumiretso na ako doon. Nadatnan kong nag aayos palang silang lahat para sa handaan. Nasa school si Melanie sa mga oras nayun. Napatigil at napatingin sila sa pagdating ng magara kong motor.
“Pare!..... pa si Luke nandito”- bati ni Cedric sa akin
“ang aga mo pa iho, nag aayos palang kami”
“Hehehe para po makatulong din ako sa pag aayos nyo tito”
“Iho pasok ka” – Melanie’s Mama
“Sige po tita”
“Sigurado ka ba dyan? mukhang hindi ka pinapagawa ng mga magulang mo iho”
“Opo tito, san po ba ito ikakabit?” Tanong ko habang hawak ang mga pasabit
…pagkalipas ng isang oras dumating si Melanie sa bahay nila. kakatapos lang ng morning subjects nito.
“Nandito na po ako habang buhat ang bunsong kapatid na sumalubong sa kanya ng dumating sya.”
(napatingin si Melanie sa bandang itaas kung saan ako naglalagay ng mga dekorasyon sa kisame. Hindi nya ako namukaan kaagad at napatitig muna sa katawan kong nakahubad at puno ng pawis)
“Baka matunaw na yung katawan ko sa kakatitig mo” Sabi ko kay Melanie habang tulala syang nakatingin sa akin.
“Haah? Ah Eh. Luke? Anong ginagawa mo dito?”
“Tumutulong para sa birthday ni Rem-rem”
“Uh anak andito ka na pala”- Papa
“Bat andito po yung GGSS na ito Pa?”
![](https://img.wattpad.com/cover/17334336-288-k278298.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GIRL IN MY MOTORCYCLE
RomanceThe Girl in my Motorcycle is a cute love story ng campus heartthrob na si Luke Ismael Isidro na naipit sa sitwasyon na ipagsisigawan nya na may relasyon sila ng isang ordinaryong istudyante na si Melanie Rosal sa una palang nilang pagkikita. Love a...