CHAPTER 17 - THE NEWSMAKER

69 4 0
                                    

Chapter 17

The Newsmaker

Kung pa-trending lang naman ang pag uusapan, wala nang tatalo sa barkada kong si Carl

JOSE CARLO "Carl" DELA CRUZ (POV)

The News Maker

Naging barkada namin si Carl dahil kay bestfriend Ric. Being a column writer sa isang publishing company si Ric, nakilala nya noon si Carl sa isang interview.

Isang Cyberheartthrob si Carl. Internet sensation sa angkin nitong appeal at hitsura. Madalas na napapabalabas sa tv, sa mga commercial at madalas din na gawing profile photo ang lawaran nito sa social media lalo na sa facebook pages.

Isang 2nd year college sya na maituturing na pinakabata sa barkada. Taking up International Relation at nagbabalak na maging Flight Attendant after graduation.

Niyaya kaming lahat pati na si Carl ni Bud Enrico na dumalo sa 10th Anniversary ng Publishing na pinagtratrabahuhan nya at dun nabuo ang FIRST FIVE:

LUKE ISMAEL "Luke" ISIDRO - The heartthrob

ENRICO HEIDI "Ric" CRUZ - The brainy

SAMUEL "Sam" GERONIMO - Mr. funny man

HAROLD "Harry" FUENTES  - The woman hater

JOSE CARLO "Carl" DELA CRUZ - The newsmaker

"Mga pare buti naman at nakapunta kayong lahat" - Ric

"Uo naman, matatanggihan ka ba namin at balita ko maraming chicks na dadalo" -Sam

"Hoy, kamanyakan na naman yang nasa isip mo Sam. Pero may mga chicks ba talaga pare?" - Harry

"Ulol! Isa ka pa" - sambit ko sabay batok kay Harry

"Tumigil na nga kayo, sya nga pala. Ito pala si Carl yung nakwento ko sa inyo dati na nainterview ko. May sayad din kaya alam kong makakaride on sa barkada" - Ric

"Uy pare nice meeting you" - bati naming lahat

"Grupo pala kayu ng mga gwapo pare" - Carl

"Magkakasundo nga kami nito, minsan lang may magsasabing gwapo ako" - Sang ayon ni Sam sabay akbay kay Carl

"Hahaha. So tara na? nag- aantay na sina Celine at barkada nya sa table natin. - Enrico

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni besfriend Enrico. Kung kasama ng girlfriend nya yung mga barkada nya, panigurado kasama nya din ang Honey Babe Swettie ko dati na si Melanie.

<Sa Event>

"Hi Luke kamuzta na?" - Celine

"Uy Celine, I miss you." - sagot ko naman

"Ako ba talaga? Hehehe " - Celine

Natahimik ako sa sinabi ni Celine. Dumating ang mga barkada nito galing ng banyo. Kompleto ang kanyang barkada at parang Reunion lang ang nangyari. Ipakilala ko sila ulit:

CELINE GOMEZ- she is sexy, hot and a campus crush ( actually lahat naman sila but she is on the top kung yun ang pag uusapan).

CARA SMITH- rich and sexy

ANNE JANE GUTTIEREZ- fashionista sa barkada

MELANIE ROSAL- my ex honey babe swettie?

STEFANIA LIM- party girl at may ari ng resort ang pamilya

MARJO LOPEZ- apo ng isa sa mga may ari ng school

plus yung pinsan ni MELANIE na ang pagkakaalam ko ay Boyfriend nya daw nung minsan kaming magkita sa isang fastfood. Si Keith Rosal Samonte.

THE GIRL IN MY MOTORCYCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon