CHAPTER 13 - THIRD PARTY?

85 4 2
                                    

CHAPTER 13

THIRD PARTY?

Balik normal ang lahat after the vacation sa Boracay and ready for the new year celebration. Kung dati ay tumatawag ako, nagtetext at pumupunta sa bahay nila Melanie ay nagbago ito pagkatapos ng Boracay Escapade namin. Umiwas ako sa kanya simula noon.

“Bat kaya di ako kinokontak ni Luke?

Galit kaya sya sa nakita nya sa Boracay?” – Melanie

Ano ba ang nangyari anak? – Melanie’s Mom

“Huh kanina pa kayo ma?”

“Kakadating ko lang”

“Narinig nyo po yung sinabi ko?”

“Konte lang, pero kung ikwekwento mo sa kin. eh makikinig ako anak”

“Si Luke po kasi ma”

“Bakit? nag away kayo?”

“Hindi naman po, pero nagtatampo po yata sya”

“May dapat ba syang ipagtampo anak? Kausapin mo sya”

“Ewan ko ba ma, naguguluhan po ako eh”

“Basta anak, gawin mo yung mas magpapasaya sayo, nandito lang kami ng papa at kuya mo na nagtitiwala sa mga desisyon mo.”

“Salamat ma”

“malapit na ang kaarawan mo anak at magiging ganap ka nang dalaga. Basta wag munang papasok sa mga bagay na makakasira sa pag aaral anak hah. Hindi ka naman namin pinagbabawalan sa mga bagay bagay dahil alam namin na pinalaki ka namin ng maayos.” - Dagdag ng mama nya

“uo naman ma. hinding hindi po” - Melanie

<SCHOOL>

Pinuntahan ako ni Melanie sa rooftop matapos nyang itanong kay Enrico kung nasaan ako.

“Luke” – Melanie

“Ui” – (napasmile lang habang patuloy na kumukuha ng larawan)

“Hindi ka ba nagsasawa na dito ka palaging kumukuha ng shots?”

“Hindi” – sagot ko

“Pwedi matingnan?” - Melanie

“I have to go na eh, sige”

“Luke wait, umiiwas ka ba?”

“Hindi”

“Bat parang ayaw mo akong kausapin after nung nangyari sa Boracay”

“Busy lang”

“Galit ka ba sakin?”

“Hindi”

(Lumapit si Melanie sa harap ko)

“Luke, ano ba ang problema? Di naman tayo ganito dati ah. Dahil ba ito sa nakita mo na hinalikan ako ni Enxo?”

“Gusto mo talagang malaman? Uo, nagseselos ako. Masaya ka na?”

“Bigla nya akong hinalikan, hindi ko ginusto yun”

“Hindi mo ginusto? o gustong-gusto mo?”

<Sinampal>

“Di ko alam, yan pala ang tingin mo sa akin” – Sambit ni Anie

"Bakit ano bang alam mo Melanie? Ano bang apam mo sa akin?

Alam mo ba na nasasaktan na ako na kahit sa pag-ibig natatalo ako ng kuya Enxo ko? Diba Hindi? Alam mo ba kung gaano kasakit na makitang ang gusto mong babae ay mas pinipiling makasama ang ibang lalaki? Di ba hindi? Kaya wag mong sasabihin sa akin na may hindi ka alam kasi hindi mo naman talaga alam ang lahat." - sumbat ko kay Melanie

THE GIRL IN MY MOTORCYCLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon