Dive 1

161 6 0
                                    


Glasyl's POV


"Good morning, Glas! See you tonight, okay?" salubong agad sakin ng kakaklase kong lalake.

Umupo siya sa silyang nasa unahan ko ng may ngiti sa mga labi. Gwapo siya. Walang duda pagdating doon. Matalino at varsirty din ng basketball dito sa school namin.

Tinignan ko naman siya na para bang isa siyang walang kwentang bagay na nasa harap ko bago magsalita.

"For?" walang gana kong tanong.

Npakunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko. "You promise me a date after sem break, right? Ngayon na 'yon."

Napangisi ako. "Oh! Really? Wala akong matandaan, Dave."

"You're kidding, right?"

"I'm afraid, I'm not."

"We just talked about it last night, remember?"

"I'm not sure."

Halos matawa siya sa naging sagot ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya. Akala ko ay titigil na siya. Pero nagulat ng yumuko siya at nilapit ang kanyang mukha. Dahilan para halos maduling na ako kakatingin sa kanya.

Hindi naman ako natinag dahil don.

"Gabi-gabi tayong nag-uusap sa text. You're so sweet to me and you told me you like me. I thought we're cool?" mahinahon pero mariin niyang sabi sakin. Nahimigan ko naman agad ang pagkairita sa boses niya.

Bahagya ko siyang tinulak para malayo sakin ang pagmumukha niya.

"I think we're not. And maybe I like you before or last night. But I'm into someone else now. And obviously, it's not you, Dave. Sorry" sabi ko at nagkibit-balikat.

Tumuwid siya ng tayo sabay sipa sa upuan na inuupuan niya kanina lang. Napatingin agad samin ang aming mga kaklase. 'Yung iba ay napapailing na lang.

Namumula na ang kanyang mukha sa sobrang galit. Napangisi naman ako sa naging reaksyon niya. Ganyan nga.

"This is ridiculous!" sigaw niya sakin. "You are ridiculous, Glas! Pinaasa mo lang ba ako?!"

Bullseye!

Pero imbis na sagutin siya ay nagkibit-balikat na lang ulit ako. Ganito ako, e. Kinuha ko na lang ang aking cellphone para mag browse at doon tinuon ang buong atensyon ko.

"Ha! Unbelievable!" sabi niya na parang natatawa pa at tinalikuran ako. "Tama nga sila." narinig ko pang sabi niya habang pabalik na siya sa kanyang upuan.

Tinignan ko naman ang likod niya at napangisi na lang dahil sa tagumpay na naramdaman ko.

Alam mo naman pala eh.

"Another victim of Queen Glasyl, eh?" napalingon naman ako ng narinig kong nagsalita si Sheilla sa gilid ko.

Nandito na pala siya. Kanina ko pa to hinihintay eh.

Napangisi naman ako sa kanya

"Bingo!" sagot ko habang nakatingin pa rin sa cellphone ko.

"Tss. Tss. Kawawa naman si Dave. Gwapo pa naman non." napangisi din siya at napailing na lang.

My ever supportive bestfriend.

Magku-kwento pa sana ako sa kanya pero dumating na agad 'yung prof namin. Napaayos naman ako ng upo ng nagsimula na siyang mag discuss.

Umpisa na ng second sem ngayon. Second year college na rin ako. I took up Civil Engineering sa parehong paaralan na pinasukan ko rin noong high school ako.

Habang nagsusulat ang prof namin ng isang equation sa board ay napatingin ako kay Dave na ngayon ay parang nahimasmasan na sa nangyari kanina.

Tss. Serves him right.

Mas mabuti pa na sila ang umasa keysa sa ako ang paasahin nila. Para maramdaman nila kung gano kasakit ang umasa.

Umasa ako e. Umasa ako na mahal niya ako pero hindi pala. Umasa ako na lahat ng ginagawa niyang mga nakakakilig sakin ay totoo, imahinasyon ko lang pala. Umasa ako na merong kami, pero wala naman pala.

Oo alam ko noon na wala siyang sinabi na mahal niya ako. Kasi kahit hindi niya sabihin, ramdam ko. Ramdam ko iyon sa bawat espesyal na trato niya sakin. Isa pa ay sinabi niya naman na gusto niya ako. Akala ko eh parehas lang 'yon.

Kahit na gulong-gulo ako non sa nangyari ay isa lamang ang nakuha kong sagot: hindi ako aasa, kung hindi niya ako pinaasa.

"Miss Perez?"

Napaigtad ako sa aking upuan dahil sa ginawang pagsiko sa ni Mhica sa may bandang tagiliran. Alam ng may kiliti ako diyan eh. Tss.

"Tawag ka ni, Sir. Tulala ka diyan, e." pagdedepensa niya ng mapansing masama ang tingin ko sa kanya.

Alam ko. Tss.

Tumigin naman agad ako sa unahan. "Yes, Sir?" sagot ko sa kanya sabay ngiti. Baka pagalitan ako eh.

Iiling-iling na lang siya sabay taas ng kamay niya na may hawak na marker na itim. Haay. Alam na this.

"Solve this." sabi niya sabay turo sa calculus problem na nasa white board.

Tumayo ako at pumunta sa harap. Wala naman akong reklamo dahil confident ako na masasagot ko iyon. Inabot niya agad ang marker sakin ng makalapit ako sa harap. Kinuha ko iyon at pumunta sa white board.

I love numbers. I love math, actually. Kasi kahit gano pa ka complicated ay parati pa ring may solution.

I love math, so I to took up Civil Engineering. And another reason also is because of our family's construction firm. Si kuya ang kumuha ng Business Management na nasa third year college na ngayon. At naging masaya naman ang parents namin dahil sa kinuha naming kurso.

Ngumisi ako ng matapos kung sagutan ang nasa board. Binigay ko pabilik ang marker sa prof namin.

"Done, Sir!" hindi matago ang ngisi ko matapos sabihin iyon.

Basic.

"Very Good! And next time, pay attention while I'm discussing, Miss Perez."

Napangiwi naman agad ako sa sinabi niya. Gano ba ako katagal na nakatulala? Bumalik naman ako agad sa aking upuan.

"Pangatlong beses ka tinawag 'non kanina." salubong agad ni Sheilla ng makabalik ako sa aking upuan. Mahina lamang iyong boses niya. "Tulala ka kanina. Something wrong?" dagdag niya ng makaayos ako ng upo.

Umiling ako. "Nope." sabi ko at nginisihan na lang siya. Tinuon ko na lang rin ang buong atensyon ko sa klase. Baka kung pagalitan na naman ako ulit.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit sumagi na naman siya sa isipan ko. Weird.


DIVE INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon