Dive 4

93 3 0
                                    

Dive 4

Hans POV

"Dude! Una na ako, ha." paalam samin ni Rafael. I nodded at him as a response.

Sumakay na din siya sa kotse niya. Nang makalayo na siya ay pumasok na rin kami ni Glasyl sa kotse ko. Nauna na rin kasi samin si Sheilla na umalis kanina.

Tsk. That girl! Masyado niya ng sinasaktan ang ego ko. How dare she say na mabaho ako? Ginagawa ngang pabango itong pawis ko eh. At ano daw? Baklang dugyot? Fvck! I can't believe her.

Nilingon ko si Glasyl na ngayon ay busing-busy na nagte-text sa cellphone niya.

"Glas..." tawag ko sa kanya habang papalabas na kami sa campus.

"Hmmm?" sagot niya na nasa cellphone pa rin ang atensyon.

"Mabaho ba ako? Amuyin mo nga." utos ko sa kanya. Hindi kasi ako pinapatahimik ng sinabi ng babaeng 'yon.

"Hindi ah. I can still smell your perfume. Why?" hindi pa rin naalis ang tingin niya sa cellphone.

"Nothing. Tsaka hindi ako nag perfume. Pawis ko lang 'yang naamoy mo. Hahaha."

Tumingin siya sakin at nginiwian lang ako. "Napaka conceited mo talaga, kuya." sabi niya at binalik ulit ang tingin sa phone niya.

Pero bakit sabi ni Sheilla ay mabaho ako? Bakit ba kasi hindi muna ako naligo bago pumunta sa parking? Tsk!

Hinampas ko 'yung manibela dahilan para mapa tingin sakin si Glasyl. Hindi ko siya pinansin.

I felt frustrated right now! Bakit ba siya nabahuan kanina sakin?

Yes! It's a big deal for me. She's Sheilla Nichole for fvcking sake!

The only girl I've ever loved.

We we're both in high school when we first meet each other. She was that bubbly kind of girl. That's what I like about her. But then I found out na may boyfriend na pala siya, so I kinda avoided her. Pero dahil bestfriend siya ng kapatid ko ay hindi rin maiwasan na pumupunta sa palagi sa bahay.

Then one day my bubbly girl was suddenly gone after her boyfriend cheated on her. She turned into an ice princess and I'm not used to it. Kaya naman kapag magkikita kaming dalawa ay hindi ko siya tinitigilan sa pang-aasar hanggang sa magbago ange ekspresyon ng mukha niya. Gusto kong makuha ang mga lungkot sa kanyang mga mata.

I want to erase all her pain. 'Yung tipong makalimutan niya na ng tuluyan ang lalakeng nanloko sa kanya. 'Yon lang naman ang hinihintay ko eh. I won't try to rush her. Alam ko kasi na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang lalakeng 'yon. At gusto kong kapag dumating ang araw na tuluyan niya ng makalimutan ang lalakeng 'yon ay dapat nandon ako. Sisiguraduhin ko na ang susunod niyang maging ka relasyon ay walang iba kung hindi ako. Ako lang at wala ng iba! Hahaha!

My mood suddenly changed with my latter thought. Bigla tuloy akong napangiti. Next time I will take a shower every time my practice game ends.

"Kuya alam mo you look creepy." nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Glasyl habang nakahinto kami dahil nag red traffic light. "Parehas kayo ni Sheilla."

"Really?" hindi ko maitago ang saya sa boses ko. Nagulat naman siya sa reaksyon ko kaya sumeryoso ako. "Bakit ko naman magiging kaparehas ang isang 'yon?" kunwaring naiiritang sabi ko. Pero sa loob loob ko ay ang saya saya ko dahil sa sinabi niya.

"Tulad niyan. Nginigiti tapos sisimangot. Sisimangot tapos ngingiti. God! What is happening with you people?" maarte niyang sab sabay balik ulit ng tingin niya sa kanyang phone.

DIVE INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon