Dive 2

108 5 0
                                    


Glasyl's POV

"Ako na ang pipila. Just get us a sit." sabi ko ng makapasok na kami ni Sheilla sa canteen.

"Sure!" maligayang sabi niya at naghanap na ng mauupuan.

Pumila naman agad ako sa counter para bumili ng lunch naming dalawa. Mabuti na lang at hindi pa masyadong marami ang nakapila dahil maagang natapos ang klase namin kanina.

"Hi, Glas!" bati sakin ng lalakeng nasa unahan ko. In fairness gwapo siya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yung president ng glee club. He can be my next target. I give him my sweetest smile. Nakita ko naman ang pag laglag ng panga niya. Gotcha! Tumikhim siya. "You can have my line." aniya.

Mas lalo pa akong napangiti. "Talaga? Thank you!" malambing kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang balikat niya. Pumunta ako sa unahan niya. Nilingon ko siya. "You're the president of the glee club, right?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.

He looked surprise. "Yes. You know me?" tanong niya ng nakaturo sa kanyang sarili.

Tumango ako. "Yep. I know you as the glee club president. I've heard you sing so many times already, and I must say that you're so good at it. Madalas kong panuorin ang mga performances niyo dito sa school, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo ngunit ang pangalan ko ay alam mo. Isn't it unfair?" sabi ko pa at nagkunwaring malungkot.

"Oh! Ganon ba? Well, let me introduce myself. I'm Japhet Sion Dela Cruz, by the way." Inabot niya ang kanyang kamay sakin para makipagkilala. Kinuha ko naman iyon. "At sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Glasyl Perez?" sabi niya ng nakangisi. Typical playboy. Wala na yata talagang matino sa inyo. You surely will be my target.

Ngumiti na lang ako sa kanya. "Dalawang set B po." sabi ko sa nagbabantay ng makarating kami sa counter. Bumaling ulit ako sa kanya. "Nice to meet you then, Japhet. I will surely remember that name." nakangiti ko pa ring sabi. Kinuha ko muna ang wallet para bayaran ang inorder ko.

"Let me pay for it." sabi niya habang pinipigilan ang kamay ko. Napatingin ako doon kaya binawi niya ito kaagad.

How dare he hold my hand? Gusto iyong isigaw sa kanya pero baka masira lang ang plano ko kaya nginitian ko na lang siya. "Ako na. I can pay for this, you know."

"I know you can." he chuckled. "But, I insist. Please?"

"Uhm. Okay." sabi ko na lamang. Ngumiti siya at binayaran ang order ko pati na rin ang sa kanya.

Ayaw ko nang makipagtalo para sa mga walang kwentang bagay. Gusto naman niya yan eh. Tinulungan niya na rin akong dalhin sa table namin ni Sheilla ang in-order namin.

"May I join you, girls? Wala rin kasi akong kasama eh." sabi niya ng marating na namin ang table kung nasaan si Sheilla.

"No problem." sabi ko.Umupo na rin kaming dalawa Hindi naman nakatakas sakin ang mapanuring tingin ni Sheilla.

"Sino ka?" walang prenong tanong niya sa kasama ko.

Mabuti na lang at napigilan ko ang aking tawa. Ang harsh talaga ng isang 'to. We're bestfriends, indeed.

Napasinghap naman si Japhet matapos marinig iyon. "Sorry. Ako nga pala si Japhet Dela Cruz. Kaibigan ni Glasyl." Inabot niya rin ang kamay niya kay Sheilla pero tinitigan lang ito ng kaibigan ko.

"Ako ang kaisa-isang kaibigan ni Glasyl." sagot niya sabay sarkastikong ngumiti sa kaharap.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Binawi na lang ni Japhet ang kanyang kamay. Halatang napahiya sa inasal ni Sheilla. Pinamulahan pa talaga siya ng mukha. Wala na talaga akong masabi sa isang 'to.

DIVE INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon