Dive 3

108 3 0
                                    


Dive 3

Glasyl's POV

Dumiretso muna kami sa locker room ni Sheilla bago pumasok sa susunod naming klase. Male-late pa yata kami dahil dito eh. 'Wag na 'wag lang talagang magpapakita sakin ulit ang babaeng 'yon.

"O, anong nangyari sa'yo?" tanong sakin ni kuya ng makasalubong siya namin papunta sa locker. Napangiwi pa ako dahil sa mga babaeng nakasunod sa kanya. Ano ba ang nakita ng mga ito kay kuya?

Bumaling din siya kay Sheilla at doon na tumagal ang tingin niya.

"Binasa ng kaklase namin kanina habang nasa canteen kami." sabi ni Sheilla bago ko pa siya mapigilan. Paniguradong aasarin na naman ako niyan mamaya.

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" masungit niyang sagot kay Sheilla.

"Eh, bakit sakin ka nakatingin?!"

"Hahaha! Ako? Nakatingin? Sa'yo?" natatawang sabi ni kuya habang nakaturo kay Sheilla. "Dream on, She."

Natampal ko ang sarili kong noo. Haaay! Heto na naman silang dalawa.

"Eh, sakin ka naman talaga nakatingin kanina pa eh! Diba, Glas?" tanong niya sakin at tumango naman ako. "See? At anong dream on? Hahaha! 'Wag na lang mamaya bangungutin pa ako no!" sabi niya sabay irap kay kuya.

"Sa gwapo kong 'to? Then I'll be your beautiful nightmare. Hahaha!"

"Yuck! Beautiful? Hahaha! Bakla ka ba?"

"Anong sabi mo?!"

Bago pa mapuntang kung saan ang asaran nila ay pumagitna na ako. "Hep hep hep! Enough! Okay?" nilayo ko si Sheilla. Pulang-pula na kasi ang mukha ni kuya. Pikon na 'yan panigurado. "Baka nakakalimutan niyong nandito pa ako at kailangan ko ng magpalit dahil unang-una ay naalibadbaran na ako. Pangalawa, may next class pa tayo." sabi ko ng nakatingin kay Sheilla. "Mauna na kami kuya." sabi ko at hinila na si Sheilla papunta sa locker ko.

"Usap tayo sa bahay mamaya." pahabol niyang sabi.

"Opo!"

"Opo daw bakla! Hahaha! Bleh!" pang-aasar pa ni Sheilla sabay takbo habang tumatawa. Baliw!

Hapong-hapo kaming dalawa ng makarating sa locker. Sumabay na rin ako kanina sa pagtakbo sa niya. Kinuha ko ang aking spare uniform sa locker ko at dinala iyon sa CR para magpalit. Hanggang sa matapos akong magpalit ay hindi pa rin natapos si Sheilla sa kakatawa. Hindi ba sumasakit ang tiyan ng isang 'to.

"Ano ba, She! Will you please stop? Kakarindi na 'yung tawa mo eh." saway ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa susunod naming klase.

"Hahaha! Nakakatawa kasi 'yung kuya mo, eh. Hindi mawala sa isip ko 'yung mukha niya kanina. Pikon na pikon eh."

"Ay naku! Kunti na lang. Kunti na lang talaga at iisipin kong may gusto ka sa kanya." bigla siyang natigilan.

Tinignan ko siya at ako naman ang natawa dahil sa itsura niya ngayon. Diring-diri eh. Hahaha

"Eew!" bulalas niya. "Bigla akong nandiri sa sinabi mo, Glas. Ipalinis mo nga 'yang utak mo. Ang dumi na masyado." nanginginig pang sabi niya.

Nag-asaran kaming dalawa hanggang makarating kami sa unang subject namin ngayong hapon. Mabuti na lang at kakarating lang rin ng prof namin.


SHEILLA'S POV

Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa aking mga labi kahit na nagkaklase na 'yung prof namin. Nag fa-flashback pa rin kasi sakin 'yung mukha niya kanina. Hahaha. Pikon na pikon eh. Ngayon ko lang siya nakita ng ganon ka pikon dahil sa sinabi ko. Ang dami na naming naging bangayan simula noong nagkakilala kami ni Glasyl, pero para sakin ito 'yung pinaka memorable.

DIVE INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon