Dive 8

71 5 0
                                    



Dive 8

Glasyl's POV


"Hello, She! Saan ka na?"

"Text me."

Dahan-dahan kong binaba ang aking cellphone mula sa tenga ko at tulalang tinitigan ito. "Ha! Alam kong ayaw niya na tinatawagan siya, pero parang sumobra naman ata siya ngayon." mahinang sabi ko sa aking sarili.

"May problema ho ba kayo diyan, maam?" tanong sakin ni manong Ariel habang nakatingin sa rear-view mirror ng sasakyan.

Napapahiya akong ngumiti sa kanya. "Wala po, manong Ariel. 'Wag niyo na lang po akong pansinin. He-he."

Nakangiti siyang napapailing. Hindi na rin naman siya nagsalita pang muli kaya nabalik ang isip ko kay Sheilla. Hindi naman niya ugaling babaan agad ako ng tawag, eh. What happened to her? Kinuha ko uli ang cellphone ko. Nagdesisyonan kong i-text na lang muna siya dahil nararamdaman kong parang may mali sa kanya ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at agad nagtipa ng mensahe para sa kanya.

"Where are you?" agad ko itong si-nend sa kanya.

Naghintay pa muna ako ng ilang minuto para sa reply niya ngunit walang dumating.

"'Yung daddy niyo daw po ang susundo sa inyo mamaya, maam Glasyl." anunsyo ni manong Ariel sa akin ng makarating kami sa school.

Napangiti ako. "Talaga po?" paninigurado ko. Hindi maitago ang saya sa aking tinig.

"Oho. Sa labas daw ho kasi kayo maghahapunan."

"Sige, manong Ariel. Salamat. Una na ho ako." paalam ko sabay baba ng sasakyan.

Masaya kong tinungo ang daan papunta sa aking classroom. I miss them both. Hindi na ako makapaghintay na mag-uwian. Hihihi.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko agad ito. It's a text message from Sheilla so I hurriedly open it. Nanlumo ako ng makita ang naging reply niya sakin.

"Bakit kaya siya nagkasakit?" tanong ko sa aking sarili. Nagbabasakaling masagot ko ito.

Umusbong agad ang pag-aalala sakin. May kinalaman kaya ito sa nangyari kahapon? Baka masyado siyang natakot o di kaya ay nabalian siya tapos nagkalagnat? Agad akong na guilty sa aking naisip. It's my fault.

Bago pa man ako kainin ng buo ng guiltness na nararamdaman ko ay nag reply na ako sa kanya. "I'm sorry. Pagaling ka diyan. Puntahan kita mamayang lunch break."

Nasagi ng mata ko ang oras sa aking cellphone kaya agad kong nilagay sa bag ko ang aking cellphone pagka reply ko kay Sheilla. Yayain ko pa naman sana siya mamaya sa dinner. I'm sure my parents miss her already. Nanlulumo man ay binilisan ko pa rin ang paglalakad ko dahil tatlong minuto na lang ay ma le-late na ako. 'Yung prof ko pa naman kahapon kung saan ako na late 'yung prof ko ngayon.

Isang grupo ng mga babae ang nakaharang sa dadaanan ko dahilan ng aking biglaang paghinto. Ako na lang ang kusang umiwas at umiba ng direksyon kahit na hindi ko naman iyon gusto. I have no choice, dahil late na ako. Pero halos mapamura ako ng sumunod sila at hinarangan muli ang daraanan ko. What's their problem?

Humalukipkip ako sa harap nila at tiningnan sila isa-isa mula ulo hanggang paa. "Hindi niyo ba nakikitang dadaan ako? Kahit labag sa kalooban ko ay ako na ang umiwas, pero sumunod pa rin kayo! Ha!" tinaasan ko sila ng kilay. "Hindi niyo ba ako kilala?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIVE INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon