Dive 7

46 5 4
                                    


GLASYL'S POV


"Susunduin ka ba ulit ni mang Ariel, Glas?" tanong sakin ni Sheilla habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Tumango ako. "Yup. Bakit?"

"Mabuti naman." tanging sabi niya.

Napailing naman ako. Napapansin ko na palagi na lamang ito ang tanong niya sakin kapag naglalakad kami papuntang parking lot. Kung tatanungin mo kung bakit ay hindi naman sumasagot. Anong nangyayari sa isang 'to

Parehas kaming napahinto ng biglang may humarang sa aming dinadaanan. Napatingala ako dahil mas mataas siya keysa sakin. Sumalubong naman agad sakin ang nakatunghay na mukha ni Vhan. May nakikita akong bahid ng galit dito. Nagkatinginan kami ni Sheilla. Tumabi siya ng kaunti saka tinanguan ako. Mabuti na lang at wala pang masyadong dumaraan na mga estudyante.

Humalukipkip ako sa harap niya. Ang kulit talaga! "What do you need?" walang emosyon kong sabi.

A smirk suddenly formed on his lips. 'Yung parang nanunuya. "Hindi ko alam na mahilig ka na pala sa kalbo ngayon." wika niya.

Naguluhan naman ako don sa sinabi niya. "Excuse me?" natatawa ko pang sabi.

May tinuro siya sa likuran ko. Awtomatiko naman akong napalingon. "It's him. Right?" sabi niya habang nakaturo sa preskong nakatayo sa likuran ko na si Dylan.

Nasa magkabilang bulsa ng pants niya ang kanyang dalawang kamay habang seryosong nakatingin kay Vhan. I admit. He looks really cool right now. Ngayon lang. Maski ako ay hindi na nakagalaw sa pwesto ko ngayon dahil sa presensya niya.Para akong nanlamig bigla na hindi ko maintindihan.

Pero bakit ba siya nasa likod ko? Is he following me?

'Wag kang umasa, Glasyl! saway ko rin sa aking sarili.

Tumikhim ako. Naagaw ko naman agad ang atensyon ni Vhan kaya siya napatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh, ano naman ngayon sa'yo? Ano pa ba ang problema mo, Vhan? I never thought you could be stubborn as this."

"Kasi pinaasa mo ako!" bulyaw niya sakin.

"Exactly!" bulalas ko sabay pitik ng daliri ko sa ere. "You must know it from the start already." sabi ko sabay ngisi sa kanya.

Ha! So, anong akala niya? Seseryosohin ko siya? Never! Nilingon ko si Sheilla. Nagbabaka sakaling gumawa siya ng paraan para makaalis kami dio ngunit iiling-iling lamang siya nanonood sa amin. Hindi man lang ba niya ako tutulungan?

Napatingin ulit ako kay Vhan. "You can't do this to me, Glas." sabi niya habang humahakbang papalapit sa akin.

I just shrugged my shoulders. "I just did." sabi ko. Hindi man lang natatakot sa ginagawa niyang paglapit.

Ngunit halos mapatili ako ng hawakan niya ng mariin ang aking magkabilang braso. "Ano ba! Don't touch me!" bulyaw ko habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak niya. Eeww! Dirty Hands!

Mas lalo niya pang diniinan ang paghawak sa akin. "Akala mo ba ganon lang kadali 'yong ginawa mo sakin?" mariin niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa mata niya na ngayon ay tila nag-aalab na dahil sa gallit.

"Bitiwan mo nga siya!" napalingon ako sa sumigaw si Sheilla habang hinahampas-hampas ang braso ni Vhan. Ngunit tila hindi man lang niya iniinda ito at mas lalo pang humigpit ang paghawak niya.

Iritado siyang nilingon ni Vhan. "'Wag kang makialam dito!" bulyaw niya sabay tulak kay Sheilla gamit ang braso na kanina pa hinahampas nito dahilan para mabitiwan niya ang isang braso ko.

DIVE INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon