Innocent-Seven

993 26 1
                                    

Duke's POV

Mabilis ding lumipas ang mga oras hanggang sa isang oras nalang ang natitira at sa wakas mag-uuwian na.

Napag-desisyonan kong dumukdok muna kaso may nahagip yung mata ko na babaeng pamilyar at tuluyan na nga syang nakapasok sa room namin.

Hindi ko namalayang napabulong nalang ako sa sarili ko.

"Kaklase ko sya?"

"May sinasabi ka?" Nadinig pala ni Vient. Akala ko seryoso lang syang nagbabasa sa tabi ko.

"Ah. W-wala sige magbasa kana"

Nakita kong binalik nalang ulit ni Vient yung atensyon nya sa pagbabasa ng libro. Bago ko tignan ang bagong dating na babae ay sinigurado ko munang hindi ako makikita ni Vient na tinitignan ang babae.

Nilingon ko na ang bagong dating na babae at nakita kong papunta sya sa may bakanteng upuan na kulay gold? Bakit gold upuan nyan? Tsaka ko nilibot ang panigin ko sa paligid na sa kanyang upuan lang ang naiiba. Special sya huh!? Napansin ko ding may pangalan ito sa likod pero hindi ko masyadong maaninag kung ano.

Bakit ngayon lang sya? Kung kelan naman matatapos na ang oras ng pananatili dito sa skwelahan.

Dumukdok sya at pansin kong tumahimik ang buong klase simula nung pumasok sya. May mga narinig din akong ilang mga bulungan.

"Oy, itahimik mo nayang bunganga mo"

"Nandyan na si Ms. Miller"

"Hwag mo nalang lakasan yung bunganga mo para hindi tayo mapansin"

"Pagod yan, nakadukdok eh"

Ilan lamang yan sa mga narinig kong usap-usapan. Nakaka curious naman sya. Ano kaya sya dito?

-------------

Narinig ko na ang hudyat ng uwian dahil tumunog na ang school bell. Sabay kaming lumabas ni Vient dahil napag-alaman kong magkalapit lang pala kami ng tinutuluyan. Sya sa kaliwang direksyon ako naman sa kanan at walking distance lang ang school namin mula sa bahay.

"Sige bro. Una nako ingat" pag papaalam ko sakanya. Kinawayan nalang nya ako.

Mabilis ko din narating ang bahay namin.

"Oh, kamusta sa bagong school anak?" Tanong sakin ni yaya miding na lagi kong kasama sa bahay.

"Okay naman ya. Umalis sila?" Tanong ko.

"Ah. Oo eh. Nagugutom kaba?"

"Hindi po. Akyat po muna ako ya" nag paalam na ako kay yaya at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko.

Nagbihis na agad ako at nahiga na sa kama.

Pumikit at nag isip.

Unang araw ko palang sa bago kong iskwelahan pero may tanong na agad ako sa isip ko na hindi naman tungkol sa subject.

Para talagang nakita ko na sya eh! Tapos yung surname nya pa Miller? Saan ko nga ba narinig yun? Hirap naman jusko!

Hindi ko namalayang nagtuloy-tuloy na pala yung pag ng aking mga mata at tuluyan na nga itong binalot ng kadiliman.







COMMENT'VOTE
pasensya na sa matagal na update mga ka'atehan. May nagpunta kasing mga artista dito sa lugar namin. Sugod naman si ako at muntik ng manakawan ng phone huhuhu. Lablab.

Pretty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon