Innocent-Eleven

1.2K 26 3
                                    

Nalie's POV

Umuwe ako sa bahay ng may nanlulumong pag-iisip. Lahat ng buong klase ay kasama pero ako, eto mukhang buong taong iinit ang ulo sa mga estudyanteng may mga saltik.

Naabutan kong nasa may garden sila Yllana with mom and dad.

"Kamusta school?" bungad na tanong ni dad habang humahalik ako sa kanila.

"School is fine I think, but most of the students are head ache" I sat beside yllana.

"That's why they need medicine and that capsule is you ate" Sabi nya habang kumakain ng miryenda.

I stood up at nagpaalam na muna sakanila na magpapahinga.

---------------

Duke's POV

Bakit naman hindi sya pwedeng isama? Bakit hindi pa sigurado? Katulad lang naman namin syang mag-aaral. Besides wala naman ata syang kasong masama sa skwelahan.

Sangkatutak na tanong na ang bumabagabag sakin. Una yung upuan nyang kakaiba saamin/sa lahat. Pangalawa bakit Miss. Miller pa eh pwede naman Nalie nalang. Pangatlo etong hindi sya pwedeng makasama sa Bulacan Tour.

Gulong gulo na talaga ko. Baka hindi pa tapos yung mga katanungan ko may dumagdag nanaman na panibago.

Kinabukasan.....

Maaga akong pumasok dahil may natanggap ako na mensahe mula sa hindi ko malaman na numero kung sino ba ang may-ari kaya bago pa mag-ala-sais ng umaga ay nakarating nako at nagdiretso sa gym kagaya ng sinabing lugar ng unknown number.

Wala pakong masyadong nakikita na mga studyenteng nagdadaan dahil maaga pa nga. Naupo muna ko sa may mga nakahilerang bench at hinintay kung sino man ang nagpapahintay.

Nasa 10 minutes ang hinintay ko bago ako may nakitang taong sundalo?? Sundalo nagpapahintay sakin? Waaa--aaaaiiit, wala akong kaso huyy! Patayo na sana ko para umalis pero masyadong mabilis ang kanyang paglalakad at nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na sya.

"Bermudez, G."

Bulong ko habang binabasa ang nakaprint sa kanyang uniporme. Sya siguro yun. Pero bakit sundalo?? I have a guts feeling.

"K-kayo po ba yung nag-text s-sakin?" Makisama ka self hindi tayo pwedeng kabahan, wala kang kasalanan.

"Kayo? Nag-iisa lang ako dito mister unless may nakikita kang hindi ko nakikita" May pagka-cold nyang sagot habang diretso lang ang tingin sakin, kahit lalaki ako grabe pa rin yung nararamdaman kong tindig nya kahit wala pa syang ginagawa.

"A-aah wala. Ikaw po ba yung unknown number?" Tanong ko ulit sakanya.

"Tao ako, hindi ako unknown number. Oh! By the way. I'm the person behind that message" Pilosopo ata tong loko nato e. Nakooo! kung hindi lang to sundalo baka nabaril ko na tuktok neto.

"Ah. Bakit nyo po ako pinapunta dito?" Gusto ko ng matapos ang usapang ito sir.

"Huh?! Sigurado kaba sa tanong mo or hindi ka nainform na sa pagpasok mo dito sa skwelahang ito ay kailangan mong mag-training hanggang sa ikaw ay makapag tapos dito at maka-alis." Naguguluhan ko syang tinignan at napatulala nalang sa explanation nyang ginawa na wala talaga akong maintindihan.

Ang alam ko ay mag-aaral lang ako dito hanggang maka-graduate ako pero ano tong kalokohan nato sir? Kelan ba matatapos ang mga walang humpay na katanungan sa ulo ko. Hwag ka munang sasabog!

"Pasensya na po. Hindi ko po alam ang sinasabi nyo, alis na po ak----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya itong putulin. wao direktor din pala si sir, may cut pang nalalaman haha.

"Ikaw si Duke Rian Delavin,right?" Paninigurado nya. At alam nya pa talaga pangalan ko huh.

"Yes. Ako nga po yun" Sagot ko sakanya na hindi pa rin nawawala ang nagtatakang mga tingin.

"No more question. No more buts. Just follow me and that head ache question of yours will answer nicely. Lets go" Hindi ko na nagawa pang umangal dahil nag-simula na syang maglakad at kagaya nga ng gusto nya ay sinundan ko sya.

Medyo lumilitaw na rin ang tunay na haring araw at ang tunay na ingay na nagmumula sa mga itik este studyante ng SIS.

Malayo layo rin ang nilakad namin ni Sir. Bermudez dahil sa kaluwangan din nitong school na ito.

Huminto na sya sa paglalakad at tinignan ko naman kaagad ang hinintuan naming pintuan at binasa kung anong lugar ito.

"Supreme Student Trainee Room"

Hindi rin nag-tagal ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng may katulad na suot ng sa kasama ko ngayon. May gyera ba dito at may mga sundalo? Weird.

"Sya naba yun?" Sabi nung babaeng nagbukas ng pinto na may nakalagay sa kanyang name plate na "Flores, S."

Tumango lang si sir at pumasok na kami sa loob. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay na parang mayroong mga nag-eensayo.

"Hindi na kayo nasanay sa oras ng pasok nyo. Ilang ulit ko bang sasabihin sainyo na magiging responsable na kayo! Sige. Walang titigil hangga't hindi ko sinasabe. Start!!!"

Hindi ko alam pero parang kilala ko yung boses na yun. Nakakatakot naman tong pinasukan namin.

"Just be ready" Sabi sakin nung ma'am. Flores S. Shiiit!!

Naupo muna ko habang naghihintay kung sino man ang dumating. Bigla nalang kasi kong iniwan nung dalawang sundalo dito.

Maya maya pa ay may mga yabag nakong naririnig, at hindi rin nag tagal ay palapit na nang palapit yung tunog ng kanyang sapatos na parang bakal. Lalo lang akong kinakabahan kaya yumuko nalang ako, pero may paa nang nakahinto sa tapat ko. Paaaataaaay naaaaa!!



"Delavin, D.R."

Maawtoridad nyang sabi na kahit na sino ay matitibag talaga pag narinig ang kanyang malamig na boses. Dahan dahan akong nag-angat ng ulo at nang makit ko kung sinong kaharap ko ay hindi ko na mapigilan pang halos lumuwa ang mata ko sa gulat at saya na humampas sa dibdib ko.









"Nalie"










----AteCamsQue------

Special thanks to: jenjenjoson aylabyuuuu❤

Pretty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon