Duke's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa pangalawang araw ng pasok sa bago kong skwelahan pero sigurado akong ito na ang simula ng pagtuturo ng mga guro.
Pagkatapos kong gumayak at gawin ang mga ritual na ginagawa ko ay bumaba na ako kaagad para sa umagahan.
Nadatnan ko si Yaya Miding na naghahanda na ng almusal namin. Naagaw ko naman kaagad ang atensyon nya.
"Good Morning Yaya" bati ko.
"Magandang umaga din iho. saktong sakto, halika na at mag-almusal kana"
Naupo nako para simulan ang pagkain bago pumasok sa school. Bakit isang plato lang ang nakalagay sa lamesa? Dapat tatlo ito eh. Tanong ko nalang kaya kay Yaya?
"Ya, bakit ho kulang ang inilagay ninyong plato dito? Nagkukulang naba tayo sa mga kagamitan?" Tanong ko kay Yaya habang patuloy pa rin ako sa pagsubo.
Natawa si Yaya sa tanong ko. Eh? May nakakatawa ba doon? Nakoooo. Baka may sakit na sya sa utak? Juskopo!
"Ano kaba naman Duke. Hindi tayo nakukulangan ng mga gamit. Tumawag kasi ang iyong ama at ina na hindi muna sila makakauwe dahil sa biglaang meeting nila" Wika ni Yaya habang inaasikaso ako.
"Ah okay. Ade tayo nalang ho ang sabay kumain. Upo ka po sabayan nyo na ako" Sabi ko pa at nginitian sya ng walang labis at walang kulang.
"Osige. Kung hindi ka lang magandang lalake hano" sabay tawa nya sa sinabi nya. Napangisi nalang ako sa malaking katotohanang ibinungad nya sakin. Hahahaha
----------------
Nalie's POV
Simula na naman ng Training at Form. Sasakit nanaman ang ulo ko sa mga pasaway na hindi marunong sumunod. Titiisin ko nalang, tutal last year ko naman na ito sa pagdidisiplina sa kanila eh.
6:00am
Nandito na ako sa may Supreme Student Training Room (SSTR).
Magche-check na ako ng attendance ng mga Supreme Student Trainee (SST)"Albaño"
"Bermudez"
"Carillo"
"Delavin"
"Dwain"
"Entwre"
"Flores"
"Galiw"
"Hernandez"
"Juliano"
"Magno"
"Ofiaza"
"Quenery"
"Trevion"
"Villamor"
"Yllanies"
"Yllag"
"Zakios"
"Sino hindi sumagot?"
"Ma'am si Delavin po" sagot ni Dwain, ang katabi ng late.
"Okay. Ako ng bahala sakanya. Mukha syang baguhan"
"Ma'am YES ma'am" sabay salute nila sakin at sinuklian ko naman sila ng pag saludo rin.
Umalis muna ako sa SSTR para ireport sana ang nawawalang bagong trainee na ito. Pero habang naglalakad ako ay may napansin akong mga kumpulan ng mga studyante na mukhang nagkakagulo at nagkakaingay sila. Eto na nga ba ang umpisa.
"Move!!" Malakas kong sigaw sa mga studyante na kaagad naman nilang ikinatinag.
Nakita ko ang isang lalake na naka salamin ng makapal at naka upo sya sa may gitna at halos mapuno na ng dumi ang kanyang suot na uniform. Habang pinalilibutan naman sya ng tatlong lalaki na mukhang ito ang may mga sala.
"What's happening here?" Tanong ko sa isang may gawa nito.
"E-eh ma'am ta-tanga tanga po yan" sagot nito sa akin.
"What kind of katangahan? Kagaya ba ng ginagawa mo? O mas malala pa rin talaga iyang sayo?" Tanong ko sakanya na ramdam kong tumaas na ang kilay ko at ikinabigla nila.
"Ma'am hindi ho kasi tumitingin sa daan yan. L-laging naka yuko" sagot pa ng isa nyang kasama.
"Pa-pasenya na kayo. Sige po ma'am una na ako" nakatayo na pala sya. He look's familiar huh. Humingi pa sya ng pasensya? What kind of kabaitan is that? Masyado naman ata.
"Stay! You and you and you. Say sorry to this guy and follow to my command. 100 push ups NOW!" Utos ko sa mga ungas na pangahas na to. Nakarinig naman ako ng iba't-ibang reaksyon.
"Patay na!"
"Pasaway kasi eh"
"Alam naman nilang simula na ng pag-iikot ni Ms.Miller ngayon eh"
Nilibot ko ang paningin ko para patahimikin ang mga nasa paligid. Masyado silang maingay.
At dahil sa ginawa kong pag tingin sa kanila ay nanahimik na sila."Ano ba yan ma'am"
"Hindi na po namin uulitin"
"Panga-----"
Hindi na natuloy ng pangatlong ungas ang sasabihin nya dahil sa sinabi ko.
"Ituloy mo pa yan, ×2 ang push ups nyo"
Nanahimik nalang sila at ginawa ang pinag uutos ko.
"S-S-S-sorry" Lumapit pa sila dito at lumuhod at nagmakaawa pa na pigilan ako sa pinag uutos ko.
"Sabihin mo kay ma'am, hwag ng ipagawa yun oh"
"Ililibre pa kita"
Ang mga ungas naman talaga. Sumabat nako sa kanilang mga litanya at hinarap ang biktimang maraming HALO sa ulo.
"What do you want? Sila ang gagawa o ikaw? Pick."
Nahalata kong nabigla sya sinabi ko. At kaagad naman sya sumagot na ang mga ungas nga na ito ang gagawa.
"1..2..3..4..5..6..7..8..9..10..etc"
Nagsimula na silang mag push ups. Hinarap ko naman ang mga chismakers sa paligid.
"Kayo ang susunod kapag hindi pa kayo umalis dito"
Natawa nalang ako sa biglaan nilang pag-alis. Habang pinapanood ko ang mga ito na matapos ay napansin ko ang isang lalaki na katabi ng kawawang lalaki kanina.
At hindi ko nalang namalayan na napabulong nalang ako sa sarili ko ng maalala ko kung sino sya.
"Rian?"
VOTE'COMMENT
-AteCamsQue

BINABASA MO ANG
Pretty Innocent
Любовные романыAno ang gagawin mo kapag nalaman mong isang napaka yamang babae pala ang bibihag sa puso mo at hindi sya sanay sa mga pang-karaniwang mga ginagawa sa buhay? Do you still continue your feelings? At ang mga hindi pang-karaniwang mga bagay nga na ito...